Chapter 38

1.8K 51 1
                                    

Chapter 38

Nagising ako nang maramdamang may mabigat na nakadagan sa akin. Kunot ang kilay na binalingan ko si Thor na mahimbing na natutulog.

Ang isang binti niya ay nakapatong sa akin, ang kanang braso niya ay nasa ilalim ng ulo ko at ang isa naman ay nakayakap sa akin.

Grabe naman ito! Ginawa akong bolster!

Dahan-dahan kong inalis ang binti niya at ang braso nitong nakayakap sa akin, umungot siya at nangunot ang kilay ngunit hindi naman nagising.

"Ang bigat mo!" mahinang reklamo ko.

Sa wakas ay nakabangon din ako. Dumiretso ako sa banyo at naligo. Nangalkal ako sa kusina niya at nakitang kaunti lang ang laman nito, sabagay minsan lang kami magpunta rito.

Bumaba ako at dumiretso sa malapit na mini grocery, typical na pang-breakfast lang ang binili ko dahil baka kung magtagal ako ay hanapin pa ako ni Thor.

Sa bungad palang ng condo building ay may pamilyar na pigura na akong nakita. Kilalang-kilala ko ito kahit likuran palang niya.

"Anong ginagawa mo
rito?" agad kong tanong pagkalapit sa kaniya.

Mabilis siyang lumingon sa akin at tinaasan ako ng kilay. "Ikaw, anong ginagawa mo sa high-end condo building na ito!" masungit na sagot niya sa akin.

"Baka kung sino na namang lalaki ang kinakalantari mo rito, Nala," mahina ngunit mariing sabi ko sa kaniya. Isang fitted dress na litaw na litaw ang kaniyang dibdib ang suot nito ngayon kaya sigurado akong may lalaki siya rito.

"Correction, hindi lang siya basta-basta lalaki. O, siya baka mamaya nariyan na siya. Bye, bitch." Nag-flip pa siya ng hair nang talikuran niya ako.
Tsk...haliparot!

Minasdan ko siya hanggang sa makarating siya sa information desk. "I'm sorry, Ma'am, pero hindi po talaga kayo maaring magtungo sa unit ni Sir. Malalagot po kami, hintayin niyo na lang po siyang bumaba," paumanhin ng babae ro'n.

"It's crucial matter, Miss. I'll have a very important matter to discuss with him." Pilit ang ngiti ni Nala habang nakikipag-usap dito.

"Pero, Ma'am, Mr. Müller is a private person po, sa opisina na lang niya po kayo dumiretso at nang makapagpa-schedule po kayo." Kita ko na ang iritasyon ng babae sa desk ngunit pinipilit nitong maging kalmado.

"Just let me in bitc—Miss!" malakas na pagkakasabi ni Nala at nilapat pa ang kamay sa desk.

Kita ko ang pagsenyas ng babae sa security guard.Nakita  ni Nala ang pagsenyas ng babae. Siguro ay ayaw niyang makaladkad  kaya agad itong umalis, namg makita niya akong tinitignan siya ay lumapit siya sa akin.

"Anong kailangan mo kay Thor?" malamig kong tanong.

"Thor?" Tumaas ang kilay niya. "Aba! Close kayo? Saka ano naman sa 'yo kung hinahanap ko siya?" Umikot pa ang mata niya at humalukipkip.

"Huwag mong isali si Thor sa mga kagagahan mo, Nala. Humanap ka ng iba." Sininghalan niya lang ako at pinitik-pitik pa ang daliri.

"Whatever. You're not his girlfriend! You don't have the right to say that to me. Duh!" Ngumisi ako sa sinabi niya.

"Baka magulat ka kung sabihin kong...nagpropose siya kagabi sa akin." Nginitian ko siya nang matamis  ngunit inirapan lang niya ako.

"A, okay." Napatango-tango pa ito. "Wake up, dear sister." Pumalakpak siya sa harap ko. Kung wala lang akong dala ay sinabayan ko siya sa paghalukipkip ng braso.

Narinig ko ang pagbati ng mga empleyado kay Thor gano'n din si Nala kaya agad niya akong tinalikuran at lumapit kay Thor na palinga-linga, siguro ay hinahanap ako.

"Mr. Müller! I'm Nalanie Geronimo. My project po kasi ako at iyon ay ang interview-hin ka, can we talk somewhere private?" Project? E, lalandi lang 'to, e! Ganda ng dahilan ng gaga!

"I can't, I'm busy," simpleng sagot ni Thor at nilagpasan siya.

Luminga-linga ito at nang matungo ang tingin niya sa akin ay agad siyang lumapit. "Why you didn't wake me up?" sabi niya at humalik sa sintido ko.

"Sumaglit lang naman ako, wala kasing maluluto sa kusina mo," sagot ko.

Kinuha niya mga dala ko
saka ito humawak sa kamay ko. Nang madako ang tingin ko kay Nala ay hindi ito makapaniwalang nakatitig sa amin.

Kumikibot-kibot pa ang labi niya at ang daliri ay unti-unting tumuturo sa amin, tinaasan ko siya ng kilay. Gusto ko siyang ngisian nang malaki ngunit hindi ko na ginawa.

Nagluto ako ng agahan at nang kakain na kami ay may naamoy akong hindi maganda, nangasim ang bibig ko sa naamoy.

"Amuyin mo nga 'tong fried rice, parang ang baho." Sabay lapit ko ng sinangag sa kaniya.Kaninang nagluluto ako ay maayos naman ang amoy.

"Hindi naman...and it tastes good." Sumubo ito tapos ay tuluyan nang nagsandok. Hindi ko kinain ang sinangag at kumain na lang ng tinapay.

Nang mapatingin ako kay Thor ay parang gusto kong lapirutin ang matangos nitong ilong. Ba't papogi siya nang papogi sa paningin ko?

A/N

Kindly vote my story

Hahahahappy Reading!

Kiss Me, OfficerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon