Chapter 21

2.6K 59 1
                                        

Chapter 21

Pagpasok namin sa kwarto nila ay aligaga niyang nilabas ang isang luggage. Nang buksan niya ito ay napamaang ako.

Ang luggage ay puno ng puting box. Isa-isa niyang binuksan ang mga box at inihelera sa kama.

"Choose na, Ate!" nakangiting sabi niya.

"Nakakahiya naman, kasi hindi ko alam na---" mabilis na sabi ko na agad niyang pinutol.

"It's ok po. Saka hindi ko pa nasusuot 'yan, hindi kasi ako makapili kaya binili ko na lahat," sabi niya at tumawa.

Iba talaga ang maraming pera....

Isa-isa kong hinawakan ang mga swimwear at para akong napapaso sa tuwing bubuklatin ko. Ang revealing!

"Wala ka bang short?" naiilang na tanong ko.

Hindi ako kompatableng isuot ang mga 'yun.

"Meron. Sayang naman po kung hindi ka magsusuot kahit isa man lang 'di ba? Sige na, Ate? Please?" Napatingin ako sa kayumanggi niyang mga mata na nagmamakaawa.

Dahan-dahan akong tumango na siyang ikinatili niya.

Dahil hindi ako makapili ay siya ang kumuha ng isusuot ko.

"Here! It will be a good fit for you." Napatingin ako sa binigay niya.

Two piece! Kakayanin ko ba? Ngayon lang ako magsusuot ng ganto at ibabalandra pa sa labas.

Anong kulay ba 'to? Army green? Ang hirap ma-distinguish.

Kinuha ko ang binibigay niya, papasok na sana ako ng cr ng mapansin kong nakasunod parin siya

"Ahm----" nahihiyang sabi ko.

"Ay, sorry! Excited kasi ako," sabi niya at tumawa.

Inalis ko ang lahat ng suot ko at pinalit ang two piece.

Humarap ako sa salamin at natulala. Hindi ko alam na maganda rin pala ang katawan ko.

Ang dibdib ko ay bahagyang naipit kung kaya't lumantad ang aking cleavage, ang binti ko ay nailantad ang haba.

Mabuti na lang ay wala akong stretch marks at buti na lang tapos na ang period ko.

Hindi ko na kailangan pang mag-shave dahil manipis lang ang pubic hair ko, kinakabahan ako sa suot ko dahil baka mabaklas ang tali.

Lace ang binigay niya sa akin kaya panay ang paghigpit ko.

Paglabas ko ay nakasandal si Aurora sa gilid. Nang mapatingin siya saakin ay ngumisi siya. Ngayon ko lang siyang makitang ngumisi dahil puro ngiti ang pinapakita niya.

"Told yah!" sabi niya at inikutan ako. "Thirty four B, twenty four, thirty four!" Nailang ako nang sukatin niya ang katawan ko.
"Wow! You have abs!" sabi niya at pinindot ang t'yan ko.

"Baka mabaklas ang tali," kinakabahang sabi ko.

Natawa ako nang tulungan niya akong higpitan ang lace sa panty at bra ko.

"Alisin ko na tong tirintas mo para wavy and curly hair." Inalis niya ang ginawa niya sa buhok ko at sinuklay gamit ang kamay niya.

Sa taas kong five seven ay umabot lang ako sa kilay niya. Ang tatangkad nilang lahat.

"Teka, maaalis din naman 'yan" pigil ko sa kan'ya nang akma niyang dadampian ng liptint ang labi ko.

"Just to add some little spice." Ngumiti siya kaya't hinayaan ko na.

"Wait, let's take a pic first!" Lumapit siya sa akin at clinick ang camera. Kinuhanan niya rin ako na ako lang.

Natutuwa ako sa kan'ya, sweet at mabait.

Kiss Me, OfficerMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon