Chapter 25
Pagmulat ng mata ko ay wala na akong katabi.
Hirap akong bumangon kipkip ang kumot. Nang makatayo ako ay napa-ngiwi ako sa sakit.
Napatingin ako sa kama
namg mapansin ang pulang mantsa tanda ng nangyari sa 'min kagabi."Wala na...hindi na 'ko virgin," mahinang bulong ko.
Hindi ako nagsisisi na binigay ko ang sarili ko kay Thor dahil mahal ko siya, kaso nagsisisi akong hinayaan ko siyang gamitin ako nang higit sa isang beses!
Lintek! Para akong sinagasaan! Pakiramdam ko binugbog ang buong katawan ko.
Nakatulugan ko na nga habang gumagalaw siya sa ibabaw ko kaya hindi ko alam kung anong oras kami natapos.
Paika-ika akong nagtungo sa banyo, umupo ako sa toilet upang umihi
Ang hapdi! sigaw ko sa isip ko.
Napahikbi ako habang umiihi, sobrang hapdi talaga! Gan'to ba talaga kasakit?
Matapos maligo ay nakatapis lang akong lumabas.
"I prepared your brunch, I didn't wake you up because I know that you're tired." Napalingon ako sa may sofa nang marinig ko si Thor.
"Lumabas ka, magbibihis ako," sabi ko at nagtungo sa wardrobe.
Hindi siya kumilos at tinignan lang ako. Nang tumayo siya at akmang lalapit sa'kin ay naalarma ako.
"Ba't lumalapit ka? Do'n ka muna sa labas!" Tinuro ko pa ang pinto.
"I'll just help you dress up," sabi niya at nakalapit na nga sa'kin.
"Hindi na! Kaya ko!" sabi ko at umatras.
Baka mamaya hindi lang bihis ang mangyari at iba na naman. Ayoko! Ang hirap umihi!
"You're acting like I will do something bad," naguguluhang sabi niya.
"Huh?" sabi ko at nanguha ng isusuot.
Ayaw niyang lumabas kaya nagbihis na ako sa harap niya .
Tahimik siyang sumunod sa akin namg umupo ako at nagsimulang kumain.
"Kumain ka na?" napapikit ako namg maalalang baka hindi pa siya kumain.
Lamon kase agad, Ray Ann!
"Hindi pa," sagot niya.
Nakonsensya ako dahil hinintay pa niya yata akong magising kaya
hindi pa siya kumakain.Medyo naiilang ako dahil sa nangyari kagabi kung kaya't dinadaan ko sa pagsusungit.
"A," sabi ko at inuma sa kaniya ang kutsarang may lamang kanin at ulam.
Kahit naguguluhan ay ngumanga siya at sinubo ang pagkain.
Marami ang hinanda niya. Matakaw ba talaga ako? Bakit kung kuhanan niya akong pagkain ay laging sobra!
Nagpatuloy ako sa pagkain at sinusubuan din siya, hindi siya umangal at tahimik na ngumuya.
"Labhan mo 'yung kobre kama," sabi ko na nagpatigil sa kaniya.
"What?" salubong ang kilay na sabi niya.
"May dugo...ako sana ang maglalaba kaso ang sakit ng katawan ko," sabi ko at sumubo.
"Sasabihin ko sa mga staff---" Gulat ko siyang binalingan na kinagulat niya.
"Ano? Papalabhan mo sa kanila? Edi nalaman nilang nag-ano tayo kagabi! Ako na ang maglalaba," sabi ko at akmang tatayo nang pigilan niya ako.
"Fine, ako na! It's my fault anyway," sabi niya at agad tumayo.
Napangisi ako nang makitang salubong ang kilay niya habang kinukuha ang kobre na may dugo.
Nang silipin ko siya sa banyo ay nagulat ako nang makitang alam niya ang ginagawa niya. Marunong siyang maglaba?
May kumatok kaya agad akong nagtungo sa pinto.
"Finally, you're awake na, Ate! Kuya said you're tired. Let's go outside!" Ang nakangiting si Aurora ang bumungad sa akin.
Agad siyang humawak sa braso ko at iginiya palabas.
Naglakad kami nang naglakad at hindi ko pa alam kung saan kami pupunta.
Napangiti siya nang may makitang nagtitinda ng mga accessories na gawa sa shells at ano pa man.
"I want those!" Turo niya sa paninda ng babae.
Agad kaming lumapit, hinawakan niya ang lahat ng magustuhan niya.
May nakita akong couple na bracelet kaya kinuha ko ito at pinakatitigan. Gawa ito sa makukulay na bato.
"Ang sabi ni Lola, ang pagbibigyan mo ng pulseras na 'yan ay ibig sabihin gusto mo siyang makasama habang buhay," sabi ng sa tingin ko ay sampung taong gulang na babae.
"Kukunin ko," sabi ko sa kaniya. Nagbayad ako at nilagay sa bulsa ang bracelet.
Nang mapatingin ako sa katabi ko ay wala na siya at nasa kabilang tindahan na.
Napailing ako sa kakulitan niya, parang si Loki lang.
"Ray Ann, is that you?" Taka akong napatingin sa isang tingin ko' hindi baba sa sixty years old na babae
"Po?" sabi ko.
"Ikaw nga! Ang laki mo na, and you look fine!" nakangiting sabi niya.
"Mawalang galang po, pero sino po kayo?" nakangiti kong tanong.
"O, I'm sorry...I'm Dr. Natividad, I'm a psychiatrist. Naging pasyente kita no'ng ahm...if I'm not mistaken you were seven that time." Naguluhang napatitig ako sa kaniya.
Nagkasakit ba ako sa pag-iisip n0on? Ba't hindi ko maalala?
"Bata ka pa no'n but I saw your teenage picture, sinend ng tito mo sa akin. Telling me that you're okay and he said na nag-aral ka sa Canada? Kailan ka pa nakabalik?" Napakunot ang noo ko sa sinabi niya. Baka hindi naman ako 'yung tinutukoy niya.
"Sorry po, pero nagkakamali ho ata kayo. Ray Ann nga po ang pangalan ko pero hindi po ako 'yun." !gumiti ako at yumuko sa kaniya.
Napatingin ako kay Aurora at agad napatakbo sa kinaroroonan niya nang makitang pinalilibutan ito ng mga kalalakihan.
"If you're alone I can accompany you," rinig kong sabi ng matangkad na lalaki.
"Can I get your number?" sabi naman ng isa.
"I'm sorry but I'm off limits," pilit ang ngiting sabi ni Auroram
Naalarma ako namg humawak na ang isa sa braso ni Aurora.
"Teka! Don't touch her!" sabi ko at inalis sa braso ni Aurora ang kamay nito.
"Woah! Another hot babes!" Uminit ang ulo ko sa sinabi ng isang kasama nila.
Apat silang lahat at may ipagmamalaki sa katawan at itsura, dayuhan ang mga ito .
Ang pinakagwapo sa kanila ay lumapit at hinawakan ang dulo ng buhok ni Aurora at akmang tatampalin ko ito nang may bumato ng mansanas sa kamay niya.
"You dared to touch my sister, d*ckhead?" mariing sabi ni Loki.
Madilim ang itsura nito at sa likod niya ay ang magandang lalaki...ano ba 'to ni Loki?
A/N
Hahahahappy Reading!

BINABASA MO ANG
Kiss Me, Officer
RomanceSynopsis A lovely and sexy Police Officer, Ray Ann Geronimo caught the heart of a man who is cold as ice, hard as rock and a man of a few words. Thor Müller is a cold-hearted man, he has the presence that can make you uncomfortable, the authority...