Chapter 18

2.3K 79 1
                                    

Chapter 18

Ano kayang magiging reaksyon ng pamilya niya? Ayos lang kaya na dumito muna ako? Saka apat naman ang guest room nila pwede ko naman sigurong gamitin ang isa. Kung patuloy akong matutulog sa kwarto niya ay magmumukhang naglilive-in na kami no'n.

Pagkalabas namin ng kwarto ay alanganin ko siyang tinignan. Pinatong niya ang kamay sa tuktok ng ulo ko saka ginulo ang buhok ko.

Sinimangutan ko siya kaya tumawa ito.

"Ohh! Come on!" sabi niya at tumawa.

Hinila niya ako sa batok at mahinang inipit  ang ulo ko sa kili-kili niya tumawa ako at yumakap sa bewang niya.

Pinisil-pisil ko ang bewang nito pero hindi man lang siya nakiliti. Nang matapat kami sa kwarto ni Loki ay bukas ang pinto nito.

Dahil nakayakap ako kay Thor ay napasunod ako sa kanya nang dahan-dahan siyang sumilip sa may pinto.

"Wake up! Ate Ray Ann is here, let's check them!" Si Aurora ay pilit ginigising si Loki na nakatalukbong ng kumot.

"Argh! Later, Princes. Puyat ako!" ngongong sagot ni Loki.

Natawa kami ni Thor nang ilabas ni Aurora ang paa ni Loki sa kumot at kilitiin ito na siyang dahilan ng pasigaw na tawa ni Loki.

Nang makababa kami ay rinig pa rin namin ang sigawan sa taas.

Rinig namin ang mahinang pagkanta sa may kusina, dahil usyosera ako ay nauna na akong magpunta do'n.

Napangiti ako nang makitang sinasayaw ng papa nila si Mama Diana. Nakangiti sila habang nakatitig sa isat-isa.

Ang sweet! Gan'to rin kaya si Thor? Kaya niya rin kaya akong isayaw?

Ano bang itatawag ko sa papa nila? Sir? Tito? Hay!

Paminsan-minsan ay sinasabayan
ni Mama Diana ang pagkanta ng asawa niya.

Sabay-sabay kaming napalingon sa taas nang lumakas ang sigawan at tawanan ng dalawa.

Natigil sa pagsayaw ang mag-asawa at lumapit sa amin.

Natawa ako nang makitang nakasakay si Aurora sa likod ni Loki. Napahawak ako sa bibig upang hindi lumabas ang tawa.

"Nasasakal ako! 'Wag mo akong sakalin!" reklamo ni Loki.

"Sorry!" Tumawa si Aurora sabay halik sa pisnge ng kapatid.

Sabay-sabay kaming nag-almusal at natapos kaming kumain na puro tawanan at asaran. Akala ko ay hindi nila magugustuhan ang pagtira ko sa kanila, hindi ko inaasahan na iwe-welcome nila ako nang buong puso.

Tuwang-tuwa si Aurora dahil dito na raw titira ang ate niya.

Dumating ang araw ng promotion ko. Gaganapin ito sa malawak na stadium.

Hindi ko alam kung makakapunta ba si Thor dahil may trabaho siya ngayon.

Ang buhok ko ay maayos na nakatali at ni isang hibla ay walang nakatakas, napangiti ako at lumapit sa mga kasamahan ko.

Suot ang aking uniform ay proud akong umupo sa tabi nila.

Tinanguan nila ako at sinuklian ko ito ng ngiti. Si PO1 Gadiano  na soon PO2 ay mahigpit na humawak sa kamay ko at kita ko ang saya sa mga mata niya.

Bawat pangalang tatawagin ay aming pinalakpakan. Nang ako na ang tatawagin ay maayos akong tumindig at naglakad papunta sa taas.

Kinamayan ko ang lahat ng matataas ng opisyales. Nang ikabit nila sa'kin ang bago kong badge ay labis ang kasiyahan ko.

Kiss Me, OfficerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon