Chapter 15

2.4K 64 7
                                    

Chapter 15

Ang nararamdaman kong inis ay parang biglang nawala! Nakakainis dahil halik lang pala ang makakapagpakalma sa'kin.

Dahan-dahan niyang sinisimsim ang pang-ibabang labi ko na waring tinutukso ako. Sa inis ko ay kinawit ko ang kamay sa leeg niya at kinabig ito.

Naramdaman ko ang bahagyang pagngisi niya, rinig ko ang tunog ng bawat halik namin, ang kamay nito'y naglumikot sa bewang ko.

Nagulat ako namg biglang gumalaw ang doorknob. May pilit na nagbubukas at may kumakabog ng pinto sa labas kaya hiniwalay ko ang labi kay Thor ngunit humabol ito at hinalikan ulit ako.

Patuloy sa pagkabog ang kung sino man sa labas

"M-may hmm...may tao!" hirap pang sabi ko dahil ayaw talaga paawat.

Marahas itong napahawak sa buhok at humiwalay sa 'kin. Lumayo ako sa pinto nang buksan niya ito.

"Bakit ang mong buksan?!" nakasigaw na bungad ni Loki pagbukas ni Thor ng pinto.

"A, I see. Hi, sexy!" Ngumisi ito nang magawi ang tingin niya sa akin. Abah! Kinindatan pa niya ako!

"You have your own office! Take all your stuffs here and get out!" galit na sabi ni Thor.

"Ouch! I'm hurt!" Humawak pa si Loki sa dibdib na waring nasasaktan.

"Get out!" nakabusangot na sabi ni Thor.

"Nah! Dito muna ako, don't mind me! Tuloy niyo lang 'yan!" sabi niya at nilampasan kami.

Dumiretso ito sa mga papel na nakasalansan sa gilid at kumuha ng ilan.  Sumalampak siya sa tabi ng sofa at nilapag ang mga dala niya sa mesa.

Nagsimula siyang magsulat ng kung ano at hindi na umimik pa. Mapapasabi ka na lang talaga ng...

"What the f*ck!" Natawa ako nang sabihin ni Thor ang nasa isip ko.

"Uuwi muna ako." Napabaling ang tingin ni Thor sa akin

"Hatid kita." Agad na kinuha ni Thor ang susi sa drawer niya.
Agad humawak si Thor sa kamay k

"Enjoy!" rinig pa naming sabi ni Loki bago kami makalabas.

Habang naglalakad kami palabas ay panay ang tinginan ng mga tao. Ang babae sa information desk ay nag-piece sign pa sa akin kaya nginitian ko na lang.

Habang nagda-drive siya ay saka ko lang naalala ang pinunta ko sa office niya. Muntik ko nang
makalimutan!

"Ahm, mapo-promote pala ako" mahinang sabi ko.

Bigla siyang napatingin sa akin at nginitian ako nang matamis. Achievement ulet!

"You deserve it. Congratulations, miene Liebe." Humawak ang isang kamay niya sa kamay ko.

"Thank you! Sandali! Ano 'yong meyn-i lee-buh?" Dahil hanggang ngayon ay hindi ko pa nagu-google.

"My love." biglang nawala sa isip ko ang ibang sasabihin nang marinig ko ang sinabi niya.
"Do you want to go somewhere else?" pag-iiba nito sa usapan.

Napatikom ang bibig ko at tumingin sa bintana. Huwag kang ngingiti, Ray Ann!

"Wala na, diretso uwi na 'ko." Tumikhim muna ako bago nagsalita.

Tumango na siya at hindi na nagsalita pa. Tahimik talaga siya, kung magsalita man siya ay kung tatanungin mo or may sasabihing mahalaga, 'di  tulad ko na kahit walang nagtatanong dumadaldal pa rin.

Pagkababa ko ay lumingon pa ako sa kanya. Nakabukas ang bintana niya at nakatingin sa akin.

Kumaway ako at naglakad na. 'Pag kasama ko siya ay palaging hindi mapakali ang puso ko.

Alam kong naging mabilis ang pangyayari sa pagitan namin pero wala akong pinagsisisihan.

Nasa labas palang ako ay rinig ko na ang sagutan nila sa loob. Ano na naman kaya ang pinag-aawayan nila?

Pumasok ako at nakita kong magulo sa kusina at sala. n/Nagwawala si Mommy habang si Daddy ay nakasandal sa sofa at nakahawak sa noo.

"Kaya pala gabing-gabi ka na kung umuwi! May kinakalantari ka na palang iba!" umiiyak na sigaw ni Mommy. May babae si Daddy?

"Tumigil ka na, Suzzette! Sumasakit ang ulo ko sa 'yo," sabi ni Daddy.

Sumugod si Mommy at pinagpapalo si Daddy. "Napakagago mo! Ang sama mo! Kaya hindi ka nagustuhan ni Rhian, dahil---" nlNagulat ako nang tumayo si Daddy at sinampal si Mommy.

Agad-agad akong lumapit at inalalayan si Mommy "Dad---" napaatras ako nang pati ako ay sigawan.

"Huwag kang mangialam dito, Ray Ann!" galit na sabi ni Daddy.

Humagulgol si Mommy kaya niyakap ko siya

"Kasalanan mo ang lahat! Kasama ko pa sana siya ngayon, istupida!" Napapikit ako nang akmang sasampalin ulit ni Daddy si Mommy.

Nagdadabog na lumabas ito ng bahay. Hindi ko naiintindihan...sino ang dapat na kasama niya pa?

Kumalas sa yakap ko si Mommy at tinulak ako. Tumakbo siya at sinundan si Daddy.

Ang gulo-gulo ng pamilya ko. Hindi ko alam kung hanggang saan pa ang kakayanin ko sa pakikisama sa kanila.

Napabuntong hininga ako at isa-isang inayos ang mga kinalat nila.

Pagkapasok ko sa kwarto ay humiga agad ako. Mas masaya pa ako sa labas kaysa rito sa amin.

Pag kasama ko si Thor ay nakakalimutan ko sila, kung pwede lang na palagi kaming magkasama....

Napatingin ako sa cellphone ko at parang may sariling buhay ang mga kamay ko na nagtipa ng mga pangalan sa Google search

Si Czarina Smith ay isang sikat na fashion model sa ibang bansa, si Hailey naman ay kumandidata sa Miss Universe last year, si Claudia Den ay isang Hollywood actress--- lahat sila ay sobrang gaganda!

"Ang gaganda niyo! Ta's hindi niya kayo naging jowa?! Ahh! Ang tataas niyo! Ta's ako eto lang!" pagkausap ko sa cellphone ko na may pictures nila.

Nagpagulong-gulong ako sa kama ko at tumili sa unan ko.

Ba't kase sinearch ko pa! Ayan tuloy! Nakakapang-down ng confidence!

Magdidilim na nang makaramdam ako ng sakit sa puson. Lintek! Meron ako ngayon ta's ang napkin ko iisa na!

Naligo ako muna ako  bago magpuntang drugstore.

Sinuot ko ang jacket at lumabas na. Pagkarating ko sa botika ay agad kong binili ang kailangan ko. Kailangan ko namg makauwi dahil ang sakit-sakit ng puson ko!

Madilim na, ang malas dahil naubusan pa ako ng tricycle. Walang choice kundi maglakad.

Parusa 'pag unang araw tapos maglalakad ka dahil parang malalaglag ang pagkababae ko sa sakit.

Napalingon ako sa likod ko nang maramdamang may sumusunod sakin. Siya na naman kaya? Ang mabangong manyak! Subukan niyang lumapit at makakatikim siya.

Nagpatuloy ako sa paglalakad namg may humablot sa akin at tinakpan ang bibig ko.

Nanlalaki ang mata ko at pilit inaaninag ang mukha niya pero ang ilong niya lang ang nakikita ko.

Umiling -iling ito na waring sinasabi na wag akong sisigaw. Inalis niya ang kamay sa bibig ko at akmang hahalik ito nang buong lakas kong apakan ang paa niya.
Impit itong dumaing at nang makakuha ako ng tyempo ay sinuntok ko ang mukha niya.

"May boyfriend na 'ko, g*go!" sigaw ko.

Akmang susuntok ulit ako nang malaglag ang hood niya.

"A-nong---" Bigla akong napalapit sa kanya.

"My nose got broke sh*t!" nasasaktang sabi niya.

Napatingin ako sa ilong niya nang may tumulong dugo duon. Wala akong panyo!

Patuloy sa pagtulo ang dugo sa ilong niya kaya nataranta ako. Napatingin ako sa pack ng napkin at agad itong binuksan

Pagbukas ko ng isa ay agad kong dinikit sa ilong niya na kinatulala nito.

Napaatras ako nang ma-realized ko ang ginawa ko

A/N

Hahahahappy Reading!

Kiss Me, OfficerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon