Chapter 28

2.1K 51 1
                                    

Chapter 28

Hiyang-hiya ako sa pamilya ni Thor dahil hindi ko natupad ang isang linggong bakasyon ko sa kanila.

Umuwi ako ngunit hindi ko na sinama pa si Thor dahil ayoko namang masira ang bakasyon nila nang dahil sa akin.

Naka-leave pa rin ako kung kaya't may panahon pa akong maalagaan si Mommy,  nilalagnat siya ilang araw na rin pala dahil siguro sa stress mula sa pag-aaway nila ni Daddy.

"Kumain ka pa, Mommy, para lumakas ka," sabi ko at nilapit ang kutsara sa kaniya.

Tahimik nitong nginuya ang sinubo ko, dinama ko ang noo niya. Hindi na gaanong mainit 'di tulad kanina.

Ayaw niyang magpaospital dahil simpleng lagnat lang daw. Nang ipilit ko ay nagalit lang siya, nginitian ko ito nang makitang nakatitig siya sa akin.

Biglang nagbago ang hilatsa ng mukha nito at napalitan ng galit at takot, nagulat ako nang bigla siyang magwala.

"Nagsisisi na ako, Rhian! 'Wag mo na akong gulohin!" sigaw niya at nagtakip ng tainga.

"Mommy, bakit? Mom---"

"Ahh!" Tumayo siya at sumigaw ngunit agad ding natumba. Inalalayan ko ito at pilit tinatayo.

"Sorry, sorry, sorry," paulit-ulit niyang bigkas .

Nahimatay ito dahilan nang pagpapanic ko.

Lumabas ako upang humingi sana ng tulong ngunit nakasalubong ko si Daddy na agad pumanhik sa kwarto.

Agad namin siyang dinala sa hospital.

Umupo ako sa labas ng room ni Mommy at napahawak sa sintido. Biglang sumakit ang ulo ko at nahirapan akong magmulat parang hinihila ako ng dilim.

"Ray Ann, can you hear me? You're going to be okay." Boses ng isang babae .

May naririnig ako at may malabong imahe na unti-unting lumilinaw. Teka...ang babaeng nasa isip ko ngayon ay si Dr. Natividad na nakilala ko sa Siargao. Pero bakit nasa isipan ko siya? anong nangyayari?

"She not responding, tulala pa rin siya," rinig kong sabi ulit niya at hinawakan ang tuktok ng ulo ko.

Tinakpan ko ang tainga ko dahil mas lalo lang sumasakit ang ulo ko sa mga naririnig ko sa isip ko.

"Doc, ilang linggo na siyang tulala bakit siya nagkakaganyan?" sabi ni Daddy.

Si Mommy at Daddy ay nasa tabi ng doctor.
Bakit kami nasa hospital?

"Because she has been traumatized," malungkot na sabi nito.

"Ray Ann? Are you okay?"
Boses ng lalaki ang naririnig ko. "Ray Ann?" pag-uulit nito

Napaigtad ako nang may mag-alis ng palad ko sa aking tainga.

"Anong nangyayari sa 'yo?" Napatingin ako kay Daddy

Huminga ako nang malalim nang unti-unting naalis ang mga boses at imahe sa aking isipan.

"Masakit lang po ang ulo ko," mahina kong bigkas.

Tinulungan niya akong makatayo sa kinasasadlakan at pinapasok sa loob.

Tulog pa rin si Mommy pagpasok namin sa kwarto.

Uminom ako ng tubig at nahiga. Ang sakit ng ulo ko. Hindi ko na maintindihan ang nangyayari sa'kin.

Nagtagal pa kami ng dalawang araw sa hospital bago nakauwi.

May dalawang araw pang natitira sa leave ko at dalawang araw pa bago dumating sina Thor---miss ko na siya agad.

Nagbe-breakfast kami nang biglang magtanong si Nala.

"Where did you get your big bike?" nagtatakang tanong nito sa'kin.

"Wala ka na ro'n," malamig kong turan. Inirapan niya ako at nagpatuloy sa pagkain.

"Mom, Dad! I think I found my forever," malanding sabi ni Nala

Forever? E, ang mga lalaking nakarelasyon nito ay umabot lang ng isang linggo o isang gabi tapos sasabihin niya 'I found my forever' kalokohan!

"Baka kung sinong poncho pilato lang 'yan tigilan mo na," seryosong turan ni Daddy.

"No Dad---- he's super rich talaga, and he's an engineer, nakita ko siya nung nagka project sila sa school namin, and believe it or not he's the most attractive man I've ever seen! Kyah!" Napahawak ako sa tainga nang tumili siya. Alam niyang nasa harap ng pagkain tapos titili...tss!
"He owns a construction company....sikat 'yun, Dad! Ang mga designs niya ay luluhuran ng kahit sinong tao!" Biglang nagkainteres si Daddy sa sinabi ni Nala.

Siguro dahil narinig niyang mayaman ito.

"Saang pamilya siya nakabilang?" tanong ni Daddy.

"He's a Müller...Thor Müller." Nabitawan ko ang hawak namg kutsara dahil sa sinabi ni Nala.

"We need him, if you need to seduce him do it perfectly. kkailangang mabihag mo siya," nakangising sabi ni Daddy.

Humigpit ang hawak ko sa baso. Basta talaga pera ang usapan wala na siyang pakialam kahit anong kapalit.

"You don't have to tell me, Dad...dahil mapapasaakin siya," maarte nitong pinunasan ang labi.

Nagngitngit ang kalooban ko at gustong-gusto na siyang sampalin ngunit hindi ko magawa.

Ayokong sabihin na boyfriend ko siya dahil hindi ko alam kung ano ang kayang iutos ni Daddy sa akin magkapera lang.

Hindi ako makakapayag, kahit makalapit man lang kay Thor ay hindi ko siya hahayaan.

Parang ang tagal ng dalawang araw na hinintay ko ngunit sa wakas uuwi na si Thor mamaya at ang sabi niya ay kakain kami sa labas.

Hindi naman ako excited, sabi ko sa isip ko ngunit iba ang nararamdaman ko. Gusto ko umuwi na siya ngayon! Iba na yata ang tama ko sa kaniya.

Busy ako sa pagsusulat ng report nang dumating si Hugo, anong ginagawa niya rito?

Tumingin siya sa'kin ng seryoso kung kaya't nailang ako at tinuon ang atensyon sa ginagawa.

Pumasok siya sa office ng ama niya kaya nakahinga ako namlng maluwag, nabigla ako namg mabilis na lumapit si PO2 Gadiano sa'kin.

"Imbyerna talaga 'yun. Akala mo gwapo, e, nabasted naman," bulong niya sa'kin.Tumawa ako namg mahina sa sinabi niya

"Anong ginawa niyo do'n? Marami bang gwapo dun? Nag bikini ka? Outing din sana tayo do'n"

Napahawak ako sa noo at bagot na tumingin sa kaniya, sa sobrang dami ng tanong niya ay nawala na ako sa focus.

"Ahehehehe, oo nga naman...pero teka, tanong ko lang kung...boring 'yung jowa mo?" Napangalumbaba ako at tumitig sa kaniya. "Kasi, pansin ko lang laging seryoso...may asukal ba 'yun sa katawan?" sunod niyang tanong at nilapit pa ang mukha sa'kin. "Sabagay kahit hindi sweet gwapo naman saka--" Natigil ito namg may tumikhim sa likuran niya.

"May I borrow my girlfriend now?" seryosong sabi ni Thor.

"O, sure," naiilang na sagot ni PO2 Gadiano.

Natawa ako dahil kita ang kaba sa mukha nito, marahil ay nahiya dahil narinig ni Thor ang sinabi niya.

Tumingin ako sa relo ko, out na pala namin.

Pagkalabas ay agad humawak sa bewang ko si Thor. "Let's have a date," mahinang sabi nito ngunit sapat na upang marinig ko.

Ngumiti ako at kumapit sa braso niya.

A/N

Hahahahappy Reading!

Kiss Me, OfficerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon