Chapter 57

2.2K 54 4
                                        

Chapter 57

"Just this once makinig ka naman sa explanation ko!" Pilit kong inaagaw ang braso ko kay Thor ngunit nagmatigas siya.

"Para sa'n pa!? 'Di ba nakipag-break ka na? Baket... nagi-guilty ka?!" Pinipilit kong maging mahinahon ngunit ang hirap gawin!

"YES! And all this time I'm blaming myself for what happened to us!" Bahagyang namaos ang boses niya. Ramdam ko ang pagtaas ng tensyon sa pagitan naming dalawa. "You've chosen your job over me...masakit! Isa lang ang hiniling ko sa 'yo pero hindi mo maibigay! Ray Ann, nalasing lang ako! Hindi ako nakapag-isip ng tama kaya ko 'yon nasabe! Hindi ko rin ginusto, so don't act that you're the only one who is in pain because I AM TOO!" Bumitaw siya sa akin at tinakpan ang mukha matapos lumabas ang luha.

"Kung nasasaktan ka triple ang sakit na nararamdaman ko!ipinagtabuyan mo ako, Thor! Alam kong nagkamali ako no'ng una pero inayos ko! Umalis ako sa trabaho para sa 'yo at sa magiging anak natin pero nasa'n ka?! Nagpakalasing ka habang nakikipaglandian sa ibang babae! Malaki na sana ang anak ko ngayon!  P*tang*na mahal na mahal kita pero ikaw din pala ang dahilan nang paghihinagpis ko!" Ang pinipigilan kong luha ay tuloy-tuloy na nagsibagsakan.

"I-I'm sorry! Please forgive me, kaya kong pagtrabahuhan kahit gaano pa katagal...maghihintay ako." Napaatras ako nang akmang hahawakan niya ako sa kamay.

"Naka-move on na ako, e, maayos na 'ko, Thor! Ayoko nang masaktan ulit, 'wag muna akong durugin nang paulit-ulit!" Sinungaling, dahil kahit anong pilit kong mag-move on ay 'di ko magawa. Sinabi kong maayos na ako pero hindi. Napapikit ako nang yakapin niya ako mula sa likod.

"Please! I'm begging you, come back to me! Bumalik ka na sa'kin, Ray Ann!" nagmamakaawang sabi niya.

"Tumayo ka d'yan! Uuwi na 'ko, hinihintay na ako ni Macky!" Pilit ko siyang pinapatayo nang yumakap siya sa binti ko.

Nakaluhod siya habang nakayakap sa binti ko, napatakip ako sa bibig upang mapigilan ang hikbi.

"I don't care about him! Wala akong pakialam kahit ano pang relasyon niyo! I can steal you from him! I will do anything just be mine again! Just tell me what to do!" Mas lalo akong nahihirapan sa mga sinasabi niya.

Bawat hikbi niya ay parang patalim na tumatarak sa'kin.

"Ray Ann?" Napabitaw si Thor nang marinig ang boses ni Macario.

Lumayo ako nang kaunti, alam kong alam ni Macario kung anong nangyari sa pagitan namin, nanatiling nakaluhod si Thor at pigil ang pag-iyak.

"Please, choose me this time..."nagmamakaawa tinig niya.

Pinunasan ko ang luha at maayos na tumayo, umaasang tumitig siya sa akin ngunit tinatagan ko ang sarili upang hindi maapektuhan sa tingin niya, kita ko ang naging pagyuko niya matapos akong naglakad at lampasan siya.

Hindi ako tumigil sa tapat ni Macario at tuloy-tuloy lang na naglakad palabas, sumakay ako sa kotse at pinaandar ito, hindi ko na inisip pa si Macario na naiwan pa sa loob.

Patuloy lang ako sa pagmamaneho kahit na walang patutunguhan. Nang mainis ako ay itinabi ko na lang basta ang sasakyan sa gilid ng kalsada, dumukdok ako at pumikit.

Ilang minuto ako sa ganong posisyon. Naalarma ako nang may kumatok sa bintana, akala ko ay Thor ngunit nang magsalita siya ay nalaman kong si Loki pala, binuksan ko ang pintuan at lumabas.

"I saw and heard everything," panimula niya. "Ray Ann, don't be too harsh on my twin, I know you're hurt...kung nasasaktan ka nasasaktan din siya, pareho lang kayo!" Nangunot ang noo ko sa sinabi niya.

"'Wag na 'wag mong ihahalintulad ang nararamdaman ko sa nararamdaman ng kapatid mo dahil ako ang nawalan!" Kumuyom ang palad ko dahil sa galit.

"My twin, he never beg...I still remember when we were kids, 'pag nasasaktan siya lagi niyang tinatago, untill now because he used to endure pain." Nagpunta sa sa hood ng kotse at sumandal dito, nanatili akong tahimik at nakinig lang sa kaniya.

"That night after they abducted you, binugbog ko siya dahil sa kagaguhan niya but he didn't fight back, he even spent  one billion for you...did you ever know na siya ang nakabili sa 'yo? Pinatay niya nang paulit-ulit ang mga taong nanakit sa 'yo." Napahagulgol ako sa sinabi niya. Natatandaan ko ang pangyayaring iyon ngunit hindi ko na inungkat pa.

"Did you ever wonder kung sino ang nagpakulong sa mga magulang mo? Kung sino ang humanap sa mommy mo? He has so many sleepless night! Awang-awa ako sa kakambal ko dahil sobrang dami ng hirap niya pero ni isa sa mga iyon ay hindi mo alam!" Nanatili siyang kalmado habang ako ay hindi na makahinga kakaiyak.

"Akala mo ba nagkataon lang sinwerte ka at naibalik ang lahat sa 'yo? Your company, he paid it tripple prize just to give it back to you, and heck! Nagpunta pang Europe 'yun para iuwi si Dr. Natividad! Your big time customers and investors lahat 'yun pakana ng g*go kong kambal! Gano'n ka niya kamahal!" Napasalampak na ako sa semento dahil nanghihina ang tuhod ko sa mga nalaman.

"Masakit ba? Masakit bang malaman ang pinagdaanan niya?" Narinig ko ang panggisi niya. "Tingin mo hindi siya nasaktan sa pagkawala ng magiging anak niyo? You're selfish, Ray Ann! Nararamdaman mo lang ang mahalaga sa 'yo! Nauna siyang nakaalam na nawala ang anak niyo and I saw how he burst into tears!" Tama siya napakamakasarili ko, nilamon ako ng galit, hindi na ako nalalayo kina Dante.

"He even wanted to end his life! Gabi-gabi siyang naruon sa puntod ng anak niyo at umaga na kung umuwi, almost three f*cking years, Ray Ann, araw-araw niyang dala-dala ang sakit na 'yon, iniisip niyang siya ang pumatay sa anak niyo! Paano ka nakapag-move on samantalang ang kapatid ko ay nakabaon pa rin sa hukay!" Sa liwanag ng gabi ay kita ko ang pagtulo ng isang luha sa kaniyang mata.

"Bakit mo sinasabi ang lahat ng ito!?  Bakit hindi siya ang magsabi at isumbat lahat sa akin!?" Ngumisi siya sa sinabi ko.

"Dahil ayaw niyang balikan mo siya dahil sa mga ginawa niya! Gusto niya bumalik ka dahil napatawad mo na siya, why did I f*cking go here? Because I'm sick of your drama! Mahal niyo pa rin naman ang isa't isa pero napakaarte niyo!" Napaigtad ako nang hampasin niya ang bubong ng kotse.

"I'm sorry! Hindi ko alam! Tama ka! Mahal ko pa rin siya at kailanman ay hindi iyon mawawala! Ang tanga ko dahil binunton ko sa kaniya lahat!" unti-unti ay tumayo ako.

"Dalhin mo ako sa kaniya." Ngumisi siya sa sinabi ko at nauna nang pumasok sa kotse nito.

Parating na 'ko, Thor...patawarin mo 'ko.

A/N
Nagsaket Mildred🤧

Kawawang Thor....

Kindly vote my story

Kiss Me, OfficerMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon