Chapter 52

1.9K 42 3
                                    

Chapter 52

Natumba si Dante mula sa pagkakaupo nito sa lakas ng suntok ko, mabilis siyang inalalayang ng bantay na pulis at akmang susugod akong muli nang pumasok si Macario at hinawakan ako sa balikat. Kung nandito sila bakit hindi nagpapakita si Nala? Nasaan kaya ang hipokrita?!

"Masyado ka namang galit, hindi pa 'ko tapos sa kwento ko... nagsisimula palang." Nagpupuyos sa galit ang dibdib ko lalo na nang ngumisi ito sabay punas sa labi niyang duguan. "Dumating ang panahong ipinamana ng mag-asawa ang kanilang mga ari-arian, akala ko ay pantay nila itong hahatiin ngunit hindi! Kapirasong lupa pera at bahay lang ang binigay sa akin! Kay Lucas napunta ang lahat! Inetchapwera na nga nila akong parang basura tapos 'yun lang ang ibibigay nila sa akin?" Huminga siya nang malalim at marahas na ginulo ang buhok.

"Anong gusto mo? Sa 'yo mapunta ang lahat?! Ikaw ang walang utang na loob! Kinupkop ka na nga nila! Binihisan at pinakain tapos ano? Naghangad ka ng labis! Isa kang ganid!" Napatayo ako sa galit at dinuro-duro ito.

Tumawa siya nang malakas na parang baliw. "Well said!" sabi niya at pumalakpak pa. "Hinayaan ko 'yun, pinilit kong makuntento sa binigay nila ngunit bakit pati ang babaeng mahal ko ay kailangan mapasakaniya pa?! Sa  lahat na lang ba ng bagay lamang si Lucas?!" tuloy nito sa kwento niya. "Ako ang unang nakakilala kay Rhian, ako ang nauna! Dapat ay hindi ko na sana hinayaang magkalapit sila!" Kita ko ang pagbakat ng ugat sa mga braso nito, sa edad niyang fifty maganda pa rin ang pangangatawan niya.

Panay ang iyak ni Suzzette sa mga nangyayari, kita kong nasaktan ito sa pagbanggit ni Dante sa pangalang Rhian.

"Ako ang nauna pero bakit hanggang kaibigan lang? Bakit hindi ako ang minahal niya?! Wala ng natira sa akin! Saiid na said na ako at siya na lang ang inaasam ko pero napunta pa rin siya kay Lucas!" Para itong baliw na umiiyak ngunit tumatawa, napailing-iling ako sa mga sinasabi niya, nabalot siya ng inggit at galit.

"Hindi mo siya mahal! Hindi pagmamahal 'yan dahil nagawa mo siyang patayin!" Hindi ko nakayanan at naiyak, sa isiping sinadya silang patayin ay labis akong nasasaktan.

"H-hindi ko siya p-pinatay, hindi dapat siya kasama. Kasalanan mo ang lahat, Suzzette!" Galit niyang binalingan si Suzzette na nasa tabi niya, sinipa ni Dante ang upuan nito na agad inawat ng pulis.

"Anong kinalaman mo, Suzzette?! Anong motibo mo? Magsalita ka!" Mabilis kong nahablot ang buhok nito na siyang kinahiyaw niya. Ang nakakabinging usapan namin ang namutawi sa apat na sulak ng interrogation room.

"Nagmahal lang ako! Mahal ko si Dante at kung ano man ang magpapasaya sa kaniya ay kaya kong ibigay! Kahit pa ang pumatay ay gagawin ko!" Pilit niyang inalis ang kapit ko sa buhok niya

"N-napakahayop niyo! Sinira niyo ang buhay ko! Pati anak ko nadamay!" Binunton ko sa mesa ang lahat ng galit ko.

"Hindi dapat kasama si Rhian do'n! Dapat ay kayong mag-ama lang! Kaya kong makihati! Kahit pa mahal niya si Rhian ay ayos lang sa akin!" Umiyak ito at dumukdok sa mesa. " lDante, hindi ko sinasadyang maisama siya! Hindi ko alam na ando'n siya!" Planado nila ang lahat! Sila ang dahilan kung bakit nasira ang makina at nawalan ng preno ang sasakyan!

"Mabubulok kayong dalawa rito! Hindi na kayo makakalabas pa at dito na kayo mamamatay,
siguraduhin ko 'yan!" Marahas akong tumayo at dinuro sila.

Nagpupuyos ang loob kong lumabas sa kwartong iyon, humarap ako kay Macario at kaunting-kaunti na lang ay hahagulgol na ako.

"Iyak ka lang." Lumapit ito at niyakap ako.

"W-walang hiya sila, gusto kong mabulok sila rito!" umiiyak kong sabi. Yumakap ako nang mahigpit sa kaniya at umiyak nang umiyak.

Sa paglipas ng mga buwan  ay tuluyan kong nakuha ang ari-arian namin, ang bahay ay nakawala sa pagkakautang mula sa bangko, ang mga lupang naibenta ay naibalik sa akin pati na ang kompanyang inaaral ko nang patakbuhin ngayon sa tulong ni Macario.

"Kuha mo na! I'm sure mabilis na aangat itong kompanya dahil sa angking katalinuhan mo!" Napangisi ako sa naging pambobola niya.

"Sus!  nambola pa ang bakla, anong ginawa mo bakit dagsaan ang investors?  Tapos marami na ring customers na nais dito kumuha ng supply?" tanong ko sa kaniya. Sa nagdaang araw lamang ay mabilis na nanumbalik ang sigla ng company namin kahit na hindi ko pa ito masyadong gamay.

"Ha? I just taught you how to run a business! Gina-guide lang kita, siguro ay blessings na ni Lord ito dahil sa mga nangyari sa 'yo, pambawi, ganern!" Tumango na lamang ako sa sinabi niya. Ayaw pang umamin, e!

"Parang ang bilis lang na nangyari ang lahat, hindi ako makapaniwalang...kung kailan kilala ko na ang pagkatao ko, wala ng secrets pero parang kulang pa rin." Sumandal ako sa swivel chair ko at napahilot sa sintido.

"Kulang like what? Siya ba ang kulang? Mahal mo pa rin?" sunod-sunod na tanong niya na hindi ko masagot dahil alam kong tama siya.

"Stop talking, Macario. Inaantok ako," palusot ko. Gusto kong sabihing hindi ngunit taliwas ang nararamdaman ko.

Bawat umaga ay naninibago akong gumising ng mag-isa, walang nakatitig habang tulog ako at walang halik na bubungad pagkagising.

"Hindi na pala ako dadaan sa inyo mamaya, didiretso ako sa sementeryo," paalam ko sa kaniya.

"Samahan kita?" Napairap ako sa sinabi niya. Lagi na lang itong nakabantay sa akin na parang magpapakamatay ako anytime.

"Hindi na! Saka humanap ka nga ng girlfriend mo para hindi ako ang lagi mong ginugulo!" Binato ko ito ng pambura nang makitang kinukotkot niya ang mga chocolate na bigay ng mga admirers ko.

Isa pa ang mga iyon, sakit sila sa ulo...ayoko nang pumasok pa sa relasyon gayong kagagaling ko lang sa break up.

Inaamin kong mahal ko pa rin siya, umaasa ako na balang araw ay malilimutan ko rin siya at tuluyang makakaahon sa nakaraan.



A/N
Move on yarn???

Hahahahappy Reading!

Kiss Me, OfficerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon