Chapter 33

1.9K 56 0
                                    

Chapter 33

Pinakatitigan kong mabuti ang kahon. Sobrang luma na, ilang dekada na kayang nakabaon 'to?

Bakit nanaginip ako ng gano'n tapos totoong may nakabaon pala. Nakakakilabot! Hindi ko pa rin nabubuksan dahil wala pa akong susi, ayoko namang wasakin na lang dahil baka sobrang importante pala ito sa may-ari.

Napatayo ako namg may lumagabog sa labas. Dali-dali kong binalik sa ilalim ng higaan ko ang kahon at lumabas ng kwarto.

Napaigtad ako namg may marinig na nabasag. Hindi ako magkandaugaga sa pagbaba ng hagdan, natigil ako sa nasaksikan.

"Sinira mo na ang lahat! P*tang babae ka!" sigaw ni Daddy at sinampal si Nala.

"Dante! 'Wag mong sasaktan ang anak ko!" Agad na yumakap si Mommy kay Nala.

Anong nangyayari? Bakit galit na galit si Daddy kay Nala? Ngayon ko lang nasaksihang pagbuhatan niya ng kamay si Nala.

"Nag-pull out na lahat ng investors natin! Dahil 'yan sa kagagahan mo, tang*na ka!" Akmang sasampalin niya muli si Nala nang humarang si Mommy.

"Anong nangyayari?" tanong ko.

Nabaling ang tingin nila sa akin. Si Nala ay malakas na humahagulgol sa bisig ni Mommy, panay ang atungal nito dahilan nang pagkairitang muli ni Daddy.

"You f*cked with three men, Nala! At ngayon viral ka na! Sikat na sikat ka ng letche ka! What the f*ck is your problem?! Saan kami nagkulang!? Binigay namin lahat sa 'yo!" Nagulat ako sa sinabi ni Daddy.

Gano'n na lang ba ang kakatihan niya at nakipag-sex siya sa tatlong lalaki---pambihira! .

"Wala na! Babagsak na nang tuluyan ang kompanya," nanghihinang sambit ni Daddy.

Talagang magpu-pull out ang investors namin kung may scandal ang anak ng CEO, magsasayang lang sila ng pera.

"G-gagawan ko po ng p-paraan, Dad--" hirap na hirap na sambit ni Nala.

"Siguraduhin mo!" mariing sabi ni Daddy at mabilis na umalis.
Napailing ako at lumabas rin upang makapasok na sa trabaho.

Hindi na yata talaga tatahimik ang pamilya namin...

Pagkarating sa presinto ay agad nila akong binati, may mission pala ang iba ngunit hindi kami ang naatasan. Sayang!

"Pagkatapos nila sa mission may celebration mamaya. Sama mo 'yung boyfriend mo, hmm?" Napatingin ako kay PO2 Gadiano

"Ha? Ay, busy 'yon---" Natigil ako nang pati ang iba ay sang-ayon kay Gemma.

"Oo nga naman, Ray John!"

"Sige na, ngayon lang!"

"Papayag na 'yan!"

Bumuntong hininga ako at tumango kaya napasuntok pa sa hangin ang iba. Nag-text ako kay Thor at tinanong kung hindi siya busy at kung maari siyang sumama mamaya.

Ilang sandali lang ay tumawag na siya.

"What time?" tanong nito.

"Alas-otso daw," sagot ko.

"Ok. I'll be there." Napangiti ako sa sagot niya.

"Sige," sabi ko.

Hinintay kong mag-end call pero hindi pa niya pinapatay. Ako na ba ang mag end?

"Ahh/ahm." Natawa ako nang sabay kaming nagsalita.

"I love you...bye," mabilis na sabi niya

"Mahal kita---muah!" agad kong pinatay ang tawag. Muntik na akong napatalon sa kilig.

Grabe simpleng bagay kilig agad!

Sumapit ang out namin at excited ang lahat, napag-usapan na nila na sa bar kami pupunta at do'n na lamang mag-hintayan dahil uuwi muna kami.

ko ang fitted jeans, sando at pinatungan ko ng blazer, pinarisan ko ito ng itim na boots. Parang bad girl lang. Mahina akong tumawa sa naisip.

Bumili na ako ng make-up, ngunit lipstick lang ang alam kong gamitin.

Nagpahid ako ng pulang lipstick at ayos na! Magta-taxi na lang ako.

Pagkarating ko sa kanto ay nakita ko si Thor na tulad ng dati ay nakasandal sa hood ng kotse nito.

Hindi ko sinabing sunduin niya ako pero nagpunta pa rin siya.

"Hi!" masayang bati ko.

Tumitig siya sa akin at bahagyang tumaas ang kilay niya.

Nanigas ako nang hapitin niya ako sa bewang at marubrob na hinalikan.

"Much better," sabi niya matapos ang halik.

Kita ko ang pagkapit ng lipstick ko sa labi niya, nakatitig lang ako sa kaniya ng punasan niya ang labi ko gamit ang hinlalaki nito.

"You don't have to put this thing--- you're beautiful enough, meine Liebe," seryosong saad niya.

Napalabi ako. Kaya pala humalik para mabura ang lipstick ko!

"Let's go." Tumango ako at pumasok sa kotse niya.

Bagay pala sa kaniya ang casual, nagmuka siyang si Loki ngayon dahil sa porma niya.

A/N
Kindly leave your reaction
Hahahahappy Reading!

Kiss Me, OfficerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon