Chapter 53

1.8K 43 0
                                    

Chapter 53

Dumaan muna ako sa flower show bago dumiretso sa sementeryo kung saan nakalibing si Daddy at ang hindi ko pa naisisilang na anak, pinalibing ko siya kahit na hindi pa ito buong bata.

Pagpasok ko ay nabungaran ko ang dalawang pamilyar na pigura. Napangiti ako nang makita ko silang magkasama.

"Ray Ann Ray Ann! T*ng*na mo! Nagkita rin tayo!" Napangiwi ako nang mura agad ang isalubong niya sa akin.

"Your words again," puna sa kaniya ni Hugo.

"Bunganga mo talaga kahit kailan." Lumapit siya sa akin at yumakap.

"Miss kita!" sabi niya sabay malakas na tapik sa likuran ko.

"Kayo na?" naninigurong tanong ko.

"Absolutely yes," sagot ni Hugo at yumapos sa bewang ni Gemma na pigil ang ngiti.

"Hindi ka na ma-touch! Sobrang busy mo na...palibhasa'y yayamanin na." Umirap sa akin si Gemma at ngumuso.

"Busy lang talaga, 'di bale, pasyal tayo next time." Ngumiti ako sa kaniya, nakikita kong marami siyang gustong itanong ngunit pilit na ngiti na lang ang sinagot sa akin.

"Sabi mo 'yan! 'Pag hindi lang ipapa-raid ko company mo!" Mahina akong tumawa sa pananakot niya.

"Una na kami, see you next time," paalam ni Hugo na tinanguan ko na lang.

Yumakap pa nang mahigpit sa akin si Gemma at bumulong ng, "Forgive and forget." Napailing na lang ako sa sinabi niya. Bumuntong hininga ako pagkaalis nila. Alam kong ang tinutukoy niya ay ang nangyari sa amin ni Thor.

Pagkatapos kong bumili ng bulaklak ay tumungo na 'ko agad sa sementeryo. Nang makarating ako sa pwesto ng pinaglibingan sa kanila ay hindi na ako nagtaka nang makita ang buhay na buhay na mga bulaklak, wala rin kahit isang dumi. Sa tuwing dumadalaw ako rito ay palaging may bulaklak.

"Hi, Daddy! Hi, Baby! Sorry ngayon lang ulit ako nakadalaw, sobrang hirap pala mag-manage ng company, Daddy! Lalo na at wala namang kinalaman ang pagpupulis sa pagiging business woman," panimula ko at mahinang natawa. Dalawang buwan ka na sana ngayon, anak ko. Maganda ka kaya o gwapo?" Hinaplos ko ang lapida niya at mapait na ngumiti.

Naiiyak na naman ako, kaya hindi ko na inaaraw-araw ang pagdalaw dahil puro iyak lang ang nangyayari pagkatapos ko magkwento.

Nagtagal pa ako ng ilang minuto bago tuluyang umalis, sumakay ako sa puting kotse ko at tuluyang umalis. Ang big bike na regalo ni Thor ay iniwan ko sa kanila, kotse ang pinili ko dahil pag big bike ay ipapaalala lang nito sa akin si Thor.

Nag-ring ang cellphone ko at nang makitang si Macario ang tumatawag ay dali-dali ko itong sinagot.

"Nasa'n ka na?" mabilis nitong tanong.

"Pauwi na." Nangunot ang noo ko nang marinig ang paghingal niya na parang nagmamadali.

"Nagbigay ng lead ang mga police! Hindi mo ba na-recieved?" Napapreno ako sa narinig.

"Anong lead?! Naiwan 'tong cellphone ko kanina sa sasakyan." Nakita kong may message at akmang babasahin nang magsalitang muli si Macario.

"Ang sabi nila ay baka buhay ang mommy mo! May babae raw silang nakita sa mental hospital na kamukhang-kamukha niya, wala rin daw itong pagkakakilanlan." Parang tinambol ang dibdib ko sa nalaman.

"Saan? Pupunta ako!" Matapos niyang sabihin ang address ay mabilis akong nagmaneho papunta roon. Lungkot, excitement at kaba ang nararamdaman ko... pa'no kung hindi naman pala si Mommy 'yun?

Napapadyak ako nang sunod-sunod na tumulo ang luha ko, labis-labis akong umaasa na siya nga 'yon. Napapikit ako at nagdasal na sana buhay nga si Mommy.

"Ma'am?  Tumatawag ho kami sa inyo ngunit walang sumasagot. Dito ho tayo." Napalingon ako sa isang pulis na humawak sa balikat ko.

Tumango ako sa kaniya at sumunod dito. Nakita ko si Macario na tahimik lang na sumusunod sa amin. Bawat kwartong madaanan namin ay napapaatras ako sa tuwing may dadamba sa aking pasyente.

May tumawang mag-isa, may umiiyak, at may panay ang ikot habang pumapalakpak lahat sila ay baliw paanong mapupunta rito si Mommy?

"Pasok na po kayo, Ma'am" Pinagbuksan ako ng pinto ng pulis na tipid kong nginitian.

Hindi tuluyang pumasok si Macario at nanatiling nasa may pinto, nanginginig ang palad ko kaya pinisil-pisil ko ito at pinagdaop. Nilibot ko ang paningin sa apat na sulok ng kwarto at sa tabi ng bintana ay may babaeng nakatalikod habang nakatanaw sa bintana, naka ternong puti siya, maikli ang itim nitong buhok.

Napasinghap ako nang pilit ng pinipigilan ang hikbi. Nang lumapit ako sa kaniya ay rinig kong panay ang bulong nito.

"Baby ko, 'wag ka nang umiyak." Napahawak ako sa bibig upang hindi lumabas ang hikbi, boses palang niya ay kinilabutan na ako.

"Miss mona si Daddy? Ako rin miss ko na siya," rinig ko pang bulong niya.

Likod lang niya ang nakikita ko kaya lumapit ako at pumwesto sa gilid nito, may kalong-kalong siya, isang manika. "Shh...dito lang si Mommy." Tinapik-tapik niya ang manika at hinalikan sa noo.

"M--ommy," nanghihina kong sambit ngunit hindi niya ako pinansin. "Mommy k-ko..." pag-uulit ko. Lumingon siya sa akin at nagtataka siyang tumitig.

Napahagulgol ako kaya tinakpan ko ang mukha upang hindi niya makita, walang tigil ang pagdaloy ng luha ko dahil sa saya, kamukhang-kamukha niya ang mommy ko, walang duda dahil nasisiguro kong siya si Mommy!

"Sino ka? Kukunin mo ba ang anak ko?!" Bigla siyang tumayo at tinago ang manika sa likod niya.

"H-hindi po, gusto ko lang siyang makilala." Pinunasan ko ang luha at pinilit ngumiti sa harap niya.

"Ahh...siya si Ray Ann ko, ang ganda niya, ano?" Hinarap niya sa akin ang manika at akmang hahawakan ko ito nang ilayo niya.

"Oo nga po ang ganda niya, R-Ray Ann din po ang pangalan ko." Pilit kong pinasaya ang boses habang nakikipag-usap sa kaniya.

Ngumiti siya sa akin at mabilis na lumapit. "Mabait si Ray Ann ko," sabi niya at tinitigan ako. Nangunot ang noo niya at hinawakan ang pisnge ko. Napapikit ako at lumuha, hindi ko na napigilan ang sarili at mabilis siyang kinabig saka niyakap nang mahigpit.

"Mommy ko! Ako po ito, si Ray Ann mo, uuwi na po kita, ha? Uuwi na po tayo," saad ko habang umiiyak.

Awang-awa ako sa mommy ko, ang payat-payat na niya. Sobra ang dinanas niyang hirap na dahilan ng pagkawala niya sa katinuan. Ang mommy ko—buhay ang mommy ko!

Hindi na tayo maghihiwalay, Mommy, siguraduhin kong hindi na sila makakalabas pa at ipapatikim ko sa kanila ang sakit na ginawa nila sa atin.

Kiss Me, OfficerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon