Chapter 42
Ilang araw akong pabalik-balik sa bahay ngunit walang tao, sa'n kaya sila nagpunta?
Nabuksan ko na rin ang lihim na kwarto ngunit wala ng laman, hindi malabong nilipat na ni Daddy dahil alam niyang may nakakita sa kaniya no'ng gabing iyon.
Ang babaeng nasa portrait na tinatawag niyang Rhian ay ang mama ko pala, kailangan ko na ng kasagutan sa lalong madaling panahon.
Humingi na rin ako ng tulong sa mga kapwa kong pulis tungkol sa nangyari sa magulang ko o kung may nai-report na insidente dahil kahit labi na lang ng magulang ko ay malaman ko kung saan nakahimlay.
Si Thor ay tahimik lang sa mga nangyayari at hindi na ako humingi ng tulong sa kaniya dahil bilang pulis ay mas madali ko itong mareresolba. Ang negosyo namin ay iba na ang may-ari,
Nitong mga nagdaang linggo ay may iba akong nararamdaman, naging mas matakaw ako at naging maselan sa mga amoy.
"Sa'n mo gusto ikasal?" tanong ni Thor habang nagmamaneho.
Kagagaling lang namin sa bahay ng lolo at lola niya, at talagang sobrang babait nila! Nagpunta rin kami sa mama ni Mama Diana na isa palang madre, naikwento na sa akin ni Thor ang pinagadanan ng mama nila at talagang humanga ako sa tatag nito.
"Gusto ko sa simbahan at simpleng kasal lang, hindi pa natin nasasabi sa pamilya mo." Hanggang ngayon ay hindi pa namin naibabalita sa kanila.
"Hayaan mo, para masurpresa sila," sabi niya at ngumiti.
Hinawakan niya ang kamay ko at hinalikan ang likod ng palad ko. Simple gesture ngunit libo-libong boltahe ng koryente ang dating sa akin.
Papunta naman kami ngayon sa sinasabi niyang ninong niya, at nalaman kong bestfriends ni Mama Diana ang mga asawa nila.
"Trust me, mababait silang lahat, but I'm warning you, pilyo sila." Mahina siyang tumawa kaya nawala ang kaba ko.
"Mahal kita." Mabilis siyang lumingon sa akin matapos kong sabihin ito.
"What's wrong with you?" Naguguluhan siyang tumingin sa akin.
"Bakit, bawal ko na bang sabihing mahal kita?" nakasimangot kong sagot.
"No! It's just that...ngayon mo lang ulit sinabi 'yan. I love you more." Napangiti ako nan itabi niya ang sasakyan at mabilis akong kinabig at halikan.
Pagkarating sa nasabing lugar ay namangha ako dahil ang ganda ng bahay, may malawak na bakuran, palaruan at swimming pool pa! Sa bungad palang ay sumalubong na ang g'wapong lalaki sa amin.
"Ang pinaka-gwapo kong inaanak!But don't tell Loki, ha? Baka magtampo." Tumawa siya at lumapit kay Thor saka sila nagyakap.
"O! Ang binibining bumihag sa aming bato." Bumaling siya sa akin at nakipagkamay.
"Hello po," sagot ko at nginitian siya.
Inaya niya kami sa loob at naroon ang iba pa nilang kasama.
"Daddy, si Alas! Hindi na naman nag-flush ng tae niya!" rinig kong sigaw mula sa taas.
"Mommy! Si Spring, sinuot 'yung panty ko!" Mula sa taas ay mabilis na bumaba ang isang dalaga kasunod ang isa pang dalaga na kamukha niya.
"Tumahimik kayong lahat!" sigaw ng babaeng nasa kusina.
"Guys! Nandito na ang kuya Thor niyo!" Sa sinabi ng ninong niya ay mabilis nabaling ang atensyon nila sa amin.
"Wah! Kuya!"
"Basketball na tayo!"
"Let's play videogames!"
Sabay-sabay nilang sigaw, mabilis silang bumaba at lumapit sa amin.
"O! Hi, Gorgeous!" Kinindatan pa ako ng isang binatilyo. Laking gulat ko ngan mabilis na humalik ito sa pisnge ko.
"Back off, Dos. She's my fiance," seryosong sabi ni Thor.
Inaya nila kami sa hapag at doon ko nakita ang marami nilang handa, grabe, puro kambal ang nakikita ko, may triplets pa!
Nakarinig kami ng tawanan, pumasok ang bagong dating na matandang lalaki, sa tabi niya ay dalawang cute na mga batang.
"Uncle! Sinasanay mo kas sila sa chocolates!" reklamo ng Ninong Leonrado niya.
"Paminsan-minsan lang naman, 'di ba, mga mahal ko?" sabi niya. Mabilis na nagsitanguan ang dalawa.
"Ako ang ninong Leonrado niya at siya ang asawa ko si Doreen, si Alas, Dos, Tres ay mga anak namin at ito si Solemn, bunso namin." Tinuro niya ang batang nasa tabi ng tinatawag niyang Uncle.
"Ray Ann po ang pangalan ko," nakangiting pakilala ko sa kanila.
"Hi, I'm Coreen! Asawa ko 'yang abnormal na nasa tapat mo, si Leonardo, at ito ang kambal namin si Spring at Autumn at bunso namin, si Chase." !gumiti ako sa batang kandong niya.
"Siya ang step Father namin, tawagin mo na lang siyang Salazar Salazar." Nawirduhan ako sa pangalan niya ngunit tumango na lamang.
Naging masaya ang paghaharap namin sa hapag, puro k'wentuhan at tawanan dahil sa mga kalokohan ng mga anak nila, bahay pala nila itong lahat. Ang saya dahil malaki ang pamilya nila.
A/N
Hahahahappy Reading!

BINABASA MO ANG
Kiss Me, Officer
RomanceSynopsis A lovely and sexy Police Officer, Ray Ann Geronimo caught the heart of a man who is cold as ice, hard as rock and a man of a few words. Thor Müller is a cold-hearted man, he has the presence that can make you uncomfortable, the authority...