Chapter 49
Malaking ngiti ang nakapaskil sa aking labi, puno ng galak ang aking puso habang kalong ang isang sanggol sa isang malawak na hardin.
"Baby ko, mahal na mahal kita." Hinagkan ko siya at hinalikan sa noo, nataranta ako nang bigla itong umiyak.
"Shh...nandito lang si Mama." Tumayo ako at sinayaw-sayaw siya ngunit patuloy pa rin ito sa pag-iyak.
"Halla! Umiiyak ang baby." Nabigla ako nang may sumulpot na ale, pilit niyang kinuha ang sanggol mula sa akin.
Hindi ako makagalaw at pinanood ko lamang itong isayaw ang sanggol.
"Hindi, 'wag!" Nilayo niya sa akin ang bata, ni hindi niya ako nilingon at patuloy lang sa paglayo. "Ibalik mo ang anak ko!" buong lakas kong sigaw ngunit naging bingi ito, gusto kong humabol pero hindi ko maigalaw maski isang paa ko lamang.
"Ibalik mo siya! Anak ko 'yan!" Umiyak ako at nagwala. Gindi! Ilalayo niya ang anak ko! Hindi ako papayag!
"Ray Ann! Ray Ann, it's me! Wake up!" Napadilat ako nang may mainit na palad ang humahaplos sa pisnge ko.
"Nanaginip kalang, shh...panaginip lang 'yun." Humagulgol ako at yumakap kay Mama Diana.
Sobrang sakit ng dibdib ko, nahihirapan akong huminga dahil sa sakit, mabuti na lamang ay panaginip lang ito pero ang sakit ay parang totoo.
"Ate Ray Ann, gising ka na!" Napahiwalay ako sa yakap kay Mama Diana nang marinig ang boses ni Aurora.
Malamlam ang kaniyang mga mata nito, marahan siyang ngumiti at yumakap sa akin. Nang magawi ang tingin ko kay Mama Diana ay namamaga ang mga mata niya.
"I'm glad you're safe, nag-alala po ako sa 'yo, akala ko--" natigilan siya ng hawakan ni Mama Diana ang braso nito kita ko ang naging pag-iling niya kay Aurora.
"Nagugutom ka ba? Nauuhaw? Anong gusto mo?" tanong ni Mama Diana.
"Tubig po." ?abilis siyang nagsalin ng tubig sa baso at ibinigay sa akin.
"Nasa labas lang sila, hindi ko na pinapasok dahil nagpapahinga ka pa." Hinaplos-haplos niya ang buhok ko.
Nasa'n kaya si Thor? Siya kaya ang nagligtas sa akin? Buti na lang ay dumating siya baka may nangyaring masama sa- "Ang baby ko?" bigla kong banggit nang maalala na buntis ako.
"Nandito pa naman po ang baby ko, 'di ba? A-Ayos naman ang b-baby, 'di ba po?" Marahan akong ngumiti at naghintay ng sagot niya.
"Ate, magpahinga ka po muna-" Hindi ko na pinatapos pa si Aurora at muling nagtanong.
"Mama, magkakaanak na po kami ni Thor, nasaan na po ba siya?" Sabay silang nag-iwas ng tingin sa sinabi ko.
Ang mga mata nila ay namumula, at kita ko ang mapait nilang pagngiti, napailing ako dahil alam kong nandito pa ang baby ko, hindi ako magpapaapekto sa pinapakita nilang emosyon.
"Anak, magpalakas ka-" Naglaglagan ang mga luha ko at pilit ko mang pigilan ay ayaw maawat sa pagbagsak.
"Ang a-anak ko po, nandito pa siya...dapat sasabihin ko na kay Thor, e!" Napakuyom ang mga nanghihina kong palad. Tumingin ako sa kanila a tuluyang napahagulgol nang makita kong pati sila ay umiiyak na.
"Mama, nandito pa ang baby ko, 'di ba?" Marahan akong humawak sa tyan ko at dinama ito. Kanina pa ako paulit-ulit na nagtatanong.
Hindi siya sumagot at tanging iling lang ang naging tugon, napahagulgol ako at bumaling kay Aurora na panay ang hikbi.
"Aurora?" baling ko sa kaniya.
"I-I'm sorry po, Ate!" Mabilis siyang lumapit sa akin at yumakap.
"H-Hindi! Buhay ang baby ko! Ibalik niyo ang anak ko! Ibalik niyo ang a-anak ko!" Paulit-ulit akong naghihiyaw at kahit nanghihina ay hindi ako tumigil.
"Ahh!" kahit hirap ay pilit akong humiyaw, sobrang sakit! Wala ng sasakit pa sa mawalan ng anak. "Patayin niyo na rin ako!" Hindi ko matanggap.
Ni hindi ko man lang siya nasilayan, ni hindi ko man lang siya nahagkan, kung babae ba siya o lalaki, sa panaginip palang ay iniwan na niya ako. Patawarin mo si Mama, anak ko.
Nagwala ako, wala na akong pakialam kung magmukha akong baliw. Pumasok ang dalawang
lalaking nurse at hinawakan ako sa magkabilang braso."Let her go." Natigilan ako nang marinig ang pinakapamilyar na boses. Binitiwan ako ng dalawa at nakita kong sinenyasan niya ang mga nasa loob na lumabas.
Lumuluha akong tumingin sa kaniya, lahat ng sakit, hinagpis at lungkot ay nakikita na sa aking mga mata, namumuhi ako sa kaniya.
"K-kasalanan mo ang lahat!" Lumapit ako at nanghihina itong hinampas. "D-Dahil sa 'yo...nawala ang anak ko! K-Kung sana ay hindi ka kinain ng pride mo sana ay pwede ko pang masilayan ang anak ko! Nam-mumuhi ako sa 'yo! Sana ay hindi na lang kita nakilala! Sana ay hindi na lang kita m-minahal! Ayoko nang m-makita ka kahit kailan, hindi kita mapapatawad!" Walang tigil ang agos ng luha ko, natigil ako sa paghampas sa kaniya dahil sa panghihina.
"J-just continue to punch me! I deserve more!" Mas lalo akong napahagulgol nang hawakan niya ang dalawang palad ko at isampal sa kaniyang sarili.
"Kahit ilang hampas, sipa at suntok pa ang ibigay ko! Wala sa mga 'yun ang makakaalis ng sakit! Thor, nawala ang anak ko dahil sa 'yo!" Dinuro ko siya sa dibdib, nananakit na ang lalamunan ko ngunit hindi ko ininda, gusto ko nang mahiga ngunit nilabanan ko ang panghihina.
"I'm s-sorry, it's all my f*cking fault, I'm s-such a b*stard." Lumuhod ito sa harap ko at umiyak, umangat ang galit sa dibdib ko dahil sa pagiyak niya.
"Huwag kang umiyak! Dahil wala kang karapatang umiyak at ni isang patak ay ayokong makita sa 'yo!" Napaatras ako nang muntik akong matumba, mabilis na pumasok si Mama Diana at umalalay sa akin.
"Ray Ann," malamyos niyang sambit. Umiling-iling ako at umiyak.
Pumasok si Loki at pilit tinatayo si Thor, nakita ko rin ang daddy nila pati na ang kaniyang ninong sa may pinto.
"Umalis na kayo," nanghihinang sambit ko, umalis ang mga nasa pintuan ngunit hindi ang mga nasa loob. "Gusto mo ng break up 'di ba? binibigay ko na sa 'yo ngayon, a-ayoko nang maging parte ka pa ng buhay ko." Pilit akong tumayo nang tuwid ngunit humihindi ang mga tuhod ko.
Napaangat siya ng tingin at nagmamakaawang tumingin sa akin, umiling siya at lalapit sana nang pigilan siya ni Loki.
Tinalikuran ko siya at akmang lalakad na g tuluyan akong mawalan ng lakas at napasalampak na lang sa sahig, unti-unti akong pumikit. Simula ngayon ay ayoko ng nagkaroon pa ng koneksyon sa kaniya.
A/N
I can't reread💔
BINABASA MO ANG
Kiss Me, Officer
RomanceSynopsis A lovely and sexy Police Officer, Ray Ann Geronimo caught the heart of a man who is cold as ice, hard as rock and a man of a few words. Thor Müller is a cold-hearted man, he has the presence that can make you uncomfortable, the authority...