Chapter 41
Nanginginig ako habang minamasdan ang larawan. Sino sila? Bakit hindi ko sila maalala?
Sa hindi malamang dahilan ay humagulgol ako. Ang bigat sa dibdib, naguguluhan ako, pakiramdam ko ay malaki ang koneksiyon nila sa buhay ko.
"Hey, look at me, stop crying." Hawak ni Thor ang mukha ko at pilit akong tinitignan sa mata.
"Hindi ko sila kilala pero ba't ganito ang nararamdaman ko? Bakit ang sakit?!" Niyakap niya ako. Umiyak ako sa bisig niya.
"Shh, I'm here," sabi niya at hinaplos ang likod ko.
Pinunasan niya ang luha ko at mabilis na hinalikan sa labi, pilit kong pinatahan ang sarili. Hindi naman ako iyakin ngunit nitong nagdaang araw ay naging emosyonal ako.
Dinampot ko ang papel at binuklat ito. Drawing ito ng isang bata, isang babae at lalaki, sa gitna nila ay isang batang babae.
May nakasulat na I love you, Mommy and Daddy. Ang Mommy at Daddy ba na tinutukoy niya ay ang mga tao sa larawan? At ang gumuhit ba nito...ay ako?
Kita ko ang kislap ng mga mata ko sa larawan gano'n din sa kanilang dalawa, nangungulila ako sa hindi malamang dahilan.
Binaliktad ko ang papel at nangunot ang noo ko sa nakita. Drawing ng isang lalaki at babae na pangit ang pagkakaguhit sa ibaba ay may nakasulat.
"Suzzette, monster?! Uncle Dante is bad? Ba't ganito?!" naguguluhang banggit ko.
"Don't you get it?" Napatingin ako kay Thor.
"Ampon ba ako? Sa picture ay tingin ko'y pitong taon na ako, ba't hindi ko maalala? Bakit nasa papel na ito ang pangalan nina Daddy?" Hindi malabong ampon nga ako dahil sa turing nila sa akin. "Bakit hindi ko maalala? May mali ba sa akin?!!" napasigaw ako sa sobrang gulo ng lahat.
Sinabunutan ko ang sarili tapos ay malakas na pinaghahampas ko ang ulo, agad akong pinigilan ni Thor at niyakap. "Don't hurt yourself, ikaw lang ang makakatulong sa sarili mo... remember them, Ray Ann. Nakalimutan mo sila sa mahabang panahon." Humigpit ang yakap ko sa kaniya at umiyak.
"A-ampon ako, sila ang tunay kong magulang at ramdam ko iyon, bakit ko sila nakalimutan? Thor, naguguluhan na ako." Pahina nang pahina ang boses ko dahil sa labis na pagod kakaiyak.
"Don't worry, I'll fix everything." Tumango ako sa sinabi niya.
Hahanapin ko sila at bukas na bukas ay pupuntahan ko sina Daddy...or should I say Uncle Dante...
Unti-unti ay hinila ako ng antok at tuluyang nakatulog.
"Mommy, Daddy! Look, o!" Mabilis akong lumapit sa dalawang taong masayang nagkukwentuhan.
Pinakita ko sa kanila ang drawing ko kung saan nakaguhit kaming tatlo.
"Wow! Very good naman ang Princess namin!" Malaki ang ngiti ko nang sabay nila akong halikan.
Ang malabong imahe nila ay unti-unting lumilinaw, may mukha na sila ngayon at sila ang nasa larawang nasa kahon.
Ang mga naunang panaginip ko ay isa-isang bumalik at ngayon ay malinaw na ang imahe nila. Mula sa masayang paggising nila sa akin dahil kaarawan ko na, ang pagpunta namin sa park, at ang pinakamasakit ay ang paghagis nila sa akin palabas ng sasakyan at tuluyang pagkalaglag ng kotse sa isang bangin.
Natigil ang panaginip ko ngunit hindi pala ito isang panaginip, bagkus ay ang ala-ala kong matagal nang nakalimutan.
Pagmulat ko ay basa ang aking pisnge, bumalik na ang ala-ala ko ngunit kasabay nito ay ang sakit dahil sa kaalamang patay na sila.
Napatingin ako kay Thor na gising na rin at nakatigtig sa akin.
"Naalala ko na sila. Patay na sila, Thor, nag-iisa na lang ako," nanghihina kong sambit.
"You're not alone. Nandito pa ako" seryosong tumingin siya sa akin.
"When I was seven I met a little girl in the park, ang sungit-sungit niya, pero iyakin." Mahina siyang tumawa na ikinasimangot ko.
Ba't niya kinu-kwento ang nakilala niya noon? Halata namang crush niya, tsk!
"Tapos?" simpleng sagot ko.
"She was holding an icecream and a little toy bus, nabangga ko siya at natapon ang icecream niya, and of course...galit na galit ito sa akin, but later on bigla siya umiyak nang malakas," nakangiting kwento niya.
Bigla akong nainis sa batang babaeng 'yun...naiinis talaga ako!
"And then?" kunwaring hindi naiinis na tanong ko.
"Then I became concerned because she was crying as if there was no tomorrow. Para mapatigil siya ay binigay ko ang laruan ko sa kaniya, my limited edition Thor figurine. Tumigil siyang umiyak, then she smiled at me and gave me a kiss." Parang baliw itong ngumingiti sa kawalan.
"Ahh, so crush mo siya, gano'n?" tanong ko na tinanguan lang niya.
T*ng*na lets*ng pakiramdam ito! Akalain mong nagseselos ako sa nakaraan?!
Kanina lang ay iniiyakan ko ang nalaman ko pero ngayon ay napalitan ito ng pagkainis at selos, ang bilis magbago ng mood ko.
A/N
Hahahahappy Reading!
![](https://img.wattpad.com/cover/267241730-288-k954005.jpg)
BINABASA MO ANG
Kiss Me, Officer
RomanceSynopsis A lovely and sexy Police Officer, Ray Ann Geronimo caught the heart of a man who is cold as ice, hard as rock and a man of a few words. Thor Müller is a cold-hearted man, he has the presence that can make you uncomfortable, the authority...