Chapter 2
Naka-uniform na ako nang bumaba ako, kita kong nag-aalmusal na sila---hindi nako umaasang gigisingin pa nila ako para sabayan sila
Ang mga katulong lang ang kasabay ko no'n , si Nanay Linda ang tumayong ina ko ngunit ngayon ay umuwi na ito sa probinsya nila, gusto ko sanang sumama nalang sa kanya pero ayaw nila akong payagan.
"Pasok na po ako," paalam ko sa kanila.
Hindi man lang nila ako tinapunan ng tingin. Si Nala ay nakita ko pang umirap kaya napabuntong hininga na lang ako.
Nag-commute lang akong pumasok trabaho. Dati ay may big bike pa ako ngayon ay nabenta na. Naalala kong binili nila iyon nang tumuntong ako ng eighteen--- pagkatapos ay may pinapirmimahan sila
sa akin.Sa sobrang tuwa ko ay hindi ko na binasa pa at pumirma na lang. Nang mag-debut ako ay simpleng handaan lang ngunit nang si Nala na ay may pa-party pa-hindi naman ako inggit dahil hindi ko rin gusto iyon.
"Ow, Ray John---- good morning!" napasimangot ako sa bati ni SPO4 Melchor
"Ray Ann, SPO4 Melchor--- at good morning din!" Binaba ko ang sukbit na bag at nagtungo sa table ko.
"A? E, pambabae 'yon, e. Babae ka ba?" banat pa ni Melchor na tinawanan ng iba.
Ang kilos ko ay malayo sa kilos ng babae-brusko ako at hindi palaayos sa sarili, basta maayos na ang suot at nakapagsuklay ay ayos na. Kahit pulbos ay hindi ko maidampi sa mukha ko, liban na lang kung utusan akong mag-ayos para makipag-date. Ang buhok ko ay maayos na nakatali at ni isang takas na hibla ay wala.
"Coffee, tea, Spanish bread, cheese bread, foot bread at many more for delivery!" Napatingin kami sa delivery boy na pumasok.
Agad nag silapitan ang mga kasama ko. Tss parang 'di kumakain!
"Para kanino?!" tanong ni PO1 Gadiano---- ang cheerleader namin kuno.
"Para kay PO2 Ray Ann Geronimo?" binasa nito ang hawak na papel at nilibot ang paningin.
Ngingisi-ngisi ang mga kasama ko at sabay-sabay na tumikhim.
"Iyong nakaupo---bigay mo sa nakaupo," sabi ng isa.
Agad itong lumapit at nagpapirma saka umalis. Nang mapatingin ako sa kanila ay napahawak ako sa noo.
Nag-aabang ang mga ito kung aalukin ko ba.
"Oo na! Kuha na kayo hindi ko rin 'yan mauubos." agad silang nagsilapitan at tuwang-tuwa na bumalik sa kani-kanilang table.
Pangatlong beses na ito, hindi ako komportable dahil ang nagpapadala nito ay ang anak ni General na si SPO4 Hugo Posadas. Hindi ito nakadistino sa amin ngunit panay ang punta niya at padala.
"Oyy, Ray Ann tawag ka ni General lagot ka!" nagbungisngisan pa sila
Tumayo ako at tumungo sa office ni
"Good Morning General!" Sumaludo ako sakanya.Ngumiti siya at iminuwestra niyang umupo ako
"PO2 Geronimo----tumawag ang anak ko tinatanong kung nakain mo na ba ang pinadala niya." Tumawa ito at sumandal sa kanyang upuan.
Kita kong nakasilip sa labas ng pinto si P01 Gadiano- eavesdropping.
"Opo General, paki sabi salamat --- 'wag niyo po sanang masamain ngunit sana po ay itigil na niya ang pagpapadala niya ng pagkain," naiilang na sabi ko ngunit seryoso.
"PO2 Geronimo, gustong-gusto ka ni Hugo that's why I can't assure you na titigilan niya ang pagbibigay nang kung ano-ano sayo." Tumawa ito at biglang sumeryoso
Hindi ko matanggihan si Hugo, bawat bigay nito ay pilit ko na lang tinatanggap dahil nakakahiya kay General Posadas---- panganay na anak niya ito.
Si Hugo ay kapwa ko pulis- magkaiba ang presintong nakadistinohan namin, mas mataas ang posisyon nito sa akin dahil isa na siyang Senior Police Officer 4 (SPO4)
Sumaludo muna ako bago umalis. p
Pa'no ko ba babastedin si Hugo?!Mas matanda ito nang anim na taon saakin.
Paglabas ko ay nagsipulan sila dahil may bulaklak sa table ko.
"Dapat mag-liptint ka naman PO2 Geronimo!Haba ng hair eh." Napakamot ako batok dahil sa hiya sa sinabi ng isang katrabaho ko.
Ano bang nagustuhan nila sa akin? Ang simple simple ko-sobrang plain! Hindi pa mawari kung babae ba talaga ako.
Mabuti na lang ay hindi pa ito dumadalaw sa bahay para ayain akong makipag-date dahil busy ito sa pagpapataas ng ranggo niya.
Panigurado na kung hindi ito huhothutan ng magulang ko ay uutangan nila ito, at 'yon ang ayaw kong mangyari dahil nakakahiya na!
"May ire-raid tayo bukas-illegal na pasugalan," sabi ni PO3 Mariano
Nabuhayan ako dahil siguradong mapapasabak na naman kami. Sa bawat mission ay sumasama ako, hindi ako takot sa panganib.
Sa trabaho ko lang nararamdaman na kailangan ako at may pakinabang; sa bahay ay parang hindi nila ramdam ang presensya ko.
Natapos ang araw ko na puro reklamo ang kaharap. Magulo at nakakapagod pero masaya ako dahil ito ang gusto ko.
Naubusan ako ng masasakyan- ang lahat ng tricycle ay nakabiyahe na kaya wala akong ibang choice kundi ang maglakad.
May pagkamalayo pero kaya namang lakarin. Dumaan ako sa shortcut...madilim dahil lampas alas-sais na.
May mga nakakasabay akong naglalakad, hindi ako takot dahil sanay ako sa panganib. Nang makarating ako sa masikip na eskinita ay kinilabutan ako.
Wala ng gaanong gumagawi rito sa ganitong oras dahil madilim, may mga yapak akong naririnig. Tumigil ako at tumigil din ito.
Lumingon ako pero wala naman akong nakita kaya nagpatuloy ulit akong maglakad.
Binilisan ko ang hakbang ngunit ganun din ito-mali!
Humarap ako at kinuha ang cellphone ko at inilawan ito pero wala talaga!
"Sino yan?" Humawak ako sa baril at tinutok ito. Dahan-dahan akong naglakad.
"Ay, lintek kang pusa ka!" Nagulat ako nang may tumalong pusa.
Napailing ako. Tinalikuran ko ito at magsisimula na sanang maglakad nang..."Hmmmp--!" May tumakip sa bibig ko.
Mahigpit ang hawak nito. Tinulak niya ako at isinandal sa malamig na pader.
Nanlaki ang mata ko nang maramdaman ko ang hininga niya sa leeg ko.
A/N
Hahahahappy Reading!

BINABASA MO ANG
Kiss Me, Officer
RomantikSynopsis A lovely and sexy Police Officer, Ray Ann Geronimo caught the heart of a man who is cold as ice, hard as rock and a man of a few words. Thor Müller is a cold-hearted man, he has the presence that can make you uncomfortable, the authority...