WARNING ‼️
SPG ALERT ⚠️Chapter 31
Ayoko pa sanang tumigil, ngunit nang bumahing ako ay hindi na natigil si Thor sa pagsesermon, ang huling ligo ko ng ulan ay no'ng grade six pa ako. Sobrang saya maligo sa ulan lalo na kung kasama mo pa ang mahal mo.
Nagtaka ako nang iba ang daang tinatahak namin, hindi na ako nagtanong dahil mariing nakatikom ang labi ko dahil sa ginaw.
Nakabalot sa akin ang water proof niyang coat, napapikit ako nang mariin nang mapagmasdan ko ang katawan niyang bakat na bakat sa damit dahil basa.
Pumasok kami sa isang magandang gusali, yakap-yakap niya ako habang nakasakay kami sa elevator, siguro ay nakita niyang giniginaw ako.
Tumigil kami sa room two-o-seven. Hotel ba 'to? Hindi ko na binasa pa ang pangalan ng gusali.
"This is my condo unit and that is Loki's condo." Tinuro niya ang pinto sa tapat namin.
May sarili silang condo? Bakit pa, e may bahay naman sila?
Pagbukas niya ng pinto ay namangha ako, amoy palang ay alam munang lalaki ang may-ari, combination of brown, darkbrown at dirty white. Sobrang ganda ng interior!
Buong bahay na 'to! Tapos ang lawak pa, grabe ang yaman!
"Teka, ba't dito?" sa wakas ay tanong ko.
Humarap siya sa akin na salubong ang kilay.
"Look at you, nanginginig ka na sa ginaw. Such a hard headed woman." Nagpamaywang pa siya at tinuro ako. "Mas malapit ito kaysa sa bahayz" dugtong niya.
"O, ba't ako? Kasalanan ko bang umulan? Saka ang saya kaya!" rason ko.
Bumahing ako dahilan nang pagbuntong hininga niya.
"See? You have cold now! Go and take a hot shower," utos niya sa akin.
Lumaki ang butas ng ilong ko dahil sa sermon at utos niya. Para akong batang pinapagalitan.
"Grabe para kang nanay," hindi makapaniwalang sabi ko.
Hinawakan niya ang kamay ko at niyakag patungo sa banyo, iniwan niya ako kaya nagsimula na akong maligo ng maligamgam na tubig.
Nagtapis ako at lumabas.
Nilahad niya sa akin ang isang white loose shirt at boxer short, walang imik na kinuha ko ito.Umabot ang damit sa itaas ng tuhod ko at ang boxer ay kailangan ko pang talian upang hindi mahulog.
Nakita ko siyang nakaupo sa sofa habang pinagmamasdan ako, ang bilis namang nakaligo nito.
Tumabi ako sa kaniya at yumakap. "What if you'll found out that...your life is a lie?" makahulugang sabi niya.
Ano? Joke ba ulit 'to?
"Ha? Kung malaman kong nabuhay ako sa kasinungalingan syempre malulungkot ako, to the point na mababaliw na ako kakaisip kung bakit 'yun ang nangyari. Basta gano'n. Ano bang pinupunto mo?" Naguguluhang tumingin ako sa kaniya.
"Nothing," sabi niya at
humalik sa noo ko.Natahimik kami saglit. "Thor?" basag ko sa katahimikan. "Salamat sa lahat. T*ngina ang saya ko! And that's all because of you." Napangiti ako at tumingin sa kaniya.
Nagulat ako nang halikan niya ang labi ko. "I told you to stop cursing, and you don't have to say thank you, I'm doing all of this because I love you, I want you to stay with me." Hinawi niya ang buhok ko at inipit sa aking tainga.
Nilapat ko ang tenga sa dibdib niya, 'sing bilis ng tibok ng puso ko ang tibok ng puso niya.
Napatingin ako sa kaniya nang haplus-haplusin niya ang bewang ko.
BINABASA MO ANG
Kiss Me, Officer
RomanceSynopsis A lovely and sexy Police Officer, Ray Ann Geronimo caught the heart of a man who is cold as ice, hard as rock and a man of a few words. Thor Müller is a cold-hearted man, he has the presence that can make you uncomfortable, the authority...