Chapter 50

2.1K 49 1
                                    

Chapter 50

Dalawang buwan na rin ang lumipas ngunit araw-araw pa rin akong binabangungot dahil sa pagkawala ng anak ko, hindi ko pa rin matanggap, at sa mga nakalipas na linggo walang tigil ang pag-iyak ko.

Hindi na ako lumalabas ng bahay at nagkukulong lang sa kwarto, no'ng araw ding iyon ay binisita ako ni Macario at nagmakaawa akong iuwi na lang ako sa kanila, ayaw pumayag ni Mama Diana ngunit 'di naglaon ay wala rin itong nagawa.

Wala na akong balita kay Thor at ayoko nang makarinig pa ng kung ano mula sa kaniya, wala na rin ako sa trabaho at hanggang ngayon ay palaisipan pa rin sa akin kung bakit naapruban ang resignation ko gayong nai-loan ko na ang sahod ko.

Labis ang pasasalamat ko kay Macario dahil pinatira niya ako sa bahay nila kasama ang mga magulang nito, siya ang tumustos sa lahat ng pangangailangan ko, hindi niya ako pinabayaan at lagi siyang nariyan tuwing nagbe-break down ako.

"Gusto mo kumain tayo sa labas?" Nabaling ang atensyon ko kay Macario na nasa tabi ko.

"Huwag na. Dito na lang ako." Malungkot itong ngumiti sa sinabi ko.

"Hindi habang buhay maari kang magkulong dito, you need to move on, Ray Ann. Alam kong masakit pero nangyari na, e. Wala na tayong magagawa." Pinaglaruan ko ang daliri, may punto ito ngunit tingin ko ay hindi ko na kayang bumalik pa sa dati.

"Macky, kakayanin ko kaya?" Nagtubig ang mata ko at agad pinunasan ang luhang papatak pa lamang.

"Oo naman! Nandito ako, 'no! Tutulungan kita." Ngumiti ako nang pilit at yumakap sa kaniya.

"Salamat." Tinapik nito ang balikat ko at hinaplos ang buhok ko.

Napahiwalay kami sa isat-sat nang may tumikhim, ang papa ni Macky ay nasa may pinto at may nakakalokong ngiti. Mukhang umaasa pa rin sila na magiging tunay na lalaki pa si Macky.

"Iha, may bisita ka sa baba, importante raw." Tumingin ako kay Macky dahil ayoko pa sanang humarap sa iba.

"Dito lang ako sa tabi mo." Hinawakan niya ang kamay ko kaya naman tango na lamang ang tanging naging tugon ko.

"Sige po, susunod po ako." Tumango ito at umalis.

Bumaba kami at nagtaka nang makita ang hindi pamilyar na pigura, sino siya? At anong kailangan niya sa akin?

"Good morning, I presume, you're Ray Ann Geronimo." Ngumiti ito at naglahad ng kamay na ilang ko namang tinanggap.

"Ako nga po, ano pong kailangan nila?" tanong ko at imunwestra na umupo na kami.

Ang abogadong ito ay tantya kong nasa mid sixties na at itsura palang nito ay kagalang-galang na.

"I'm Attorney Madrigal, your family lawyer, ako ang may hawak ng lahat ng assets, properties at company ng pamilya niyo, and I found out na nasa pangalan na ito ng iyong kinikilalang magulang, tama?" detalye nito na tinganguan ko kahit na naguguluhan. "All your properties even your company ay naibenta na dahil nga pagmamay-ari na nila ito pero may butas, ibig sabihin hindi legal na sa kanila, that means sa 'yo pa rin ang lahat ng ari-arian ng pamilya mo, may karapatan ka and I'm here because I'm giving you all your properties." Napatunganga ako sa sinabi niya.

"Po? Paanong akin?" Kinalabit ko si Macky at tulad ko ay naguluhan din ito.

"I fixed everything," saad niya. "This" turo niya sa mga papel na nakalahad. "This are the papers that you need to sign, ito ang patunay na sa 'yo ang lahat ng ito." Binasa ko ang mga papel at ni isa ay wala akong maintindihan.

"Pero po kasi-" Natigil ako nang ilagay niya ang ballpen sa palad ko.

"No more buts, iha, ibinibigay ko lang lahat ng nararapat sa 'yo." Tinapik niya ang balikat ko at ngumiti. "I hope that you will give him another chance." Nagtataka akong tumingin sa kaniya nang may sinabi itong hindi ko naintindihan.

"Po?" tanong ko.

"Nothing, Iha, just sign the papers, so we will be done." Wala naman nang mawawala sa'kin, pumirma man ako o hindi kaya pumirma na lang ako. "Alright, in a few days, from now you can get your inheritance. I'll go now. Thank you for your time." Nagpaalam ang abogado ngunit hindi pa rin na poproseso ng utak ko ang mga sinabi niya.

"Vhakla! Makukuha mo raw lahat ng mana mo, so it means...mayaman kana! Hoy, 'wag mo 'kong kalimutan, ha?!" Napangiwi ako nang hampasin niya ako ng maliit na unan.

"Huwag kang umasa! Baka kalokohan lang 'yun," sabi ko na inirapan niya lamang ako.

Tumayo ako at nagtungo sa kusina upang ibalik ang kape na hindi nagalaw ng bisita, pagkalapag ko ng tasa sa lababo ay ang pagtili ni Macario at kumaripas ng takbo palapit sa akin.

"Ang d-daddy at mommy mo!" Naalarma ako sa sinabi niya.

"Bakit, anong nangyari sa kanila?" Umangat ang hindi malamang emosyon sa dibdib ko.

"Nakakulong daw! Since hindi mo na binubuksan ang cellphone mo ay sa akin nagmessage si PO2 Gadiano." Mabilis kong inagaw ang cellphone sa kaniya at binasa mismo ang message ni Gemma.

"Hi! I'm PO2 Gadiano, pakisabi naman kay Ray Ann ay nasa presinto ang mga magulang niya, naka- detain sila sa kampo ni Hugo," basa ko sa text ni Gemma. "Nakakulong? Pero bakit?" Muntik ko nang mabitawan ang cellphone kundi lang naagaw ni Macario.

"Aalamin natin, let's go." Kahit hindi pa kami nakakapagpalit ay nagtungo kami kaagad sa sasakyan.

Kinakabahan ako sa mga mangyayari, hindi na 'ko makapaghintay na makausap sila at malaman ang katotohanan tungkol sa pagkamatay ng mga magulang ko at paanong wala akong maalala.

Kiss Me, OfficerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon