Warning ⚠️
This chapter contains violence
Chapter 48
May humahaplos-haplos sa hita ko, unti-unti akong nagmulat at nagimbal nang makita kung gaano kalapit ang mukhang adik na lalaki sa akin.
"Lumayo ka!" Napaatras ito nang malakas ko siyang sipain.
"Puny*ta!" Hinanda ko ang sarili nang sumugod ito sa akin.
Nakipangbuno ito, pilit niya akong hinahalikan sa leeg at panay ang haplos sa ibat-ibang parte ng katawan ko. Nanindig ang kalamnan ko lalo na nang maamoy ang amoy lupa niyang hininga.
"Bitawan mo 'ko!" Sinipa ko nang malakas ang pagkalalaki nito dahilan nang paghiyaw niya sa sakit.
"P*tang*na mo kang babae ka!" Mabilis akong tumakbo papunta sa pinto ngunit agad din na napaluhod na g ibato niya sa akin ang plastic na upuan.
Pilit akong tumayo at buong lakas na sinangga ang sampal niya, pilit niya akong inihihiga sa sahig pero hindi ako nagpatalo at binigyan pa siya ng head-butt, napailing-iling ako nang makaramdam ng hilo.
Napaatras ako namlng maglabas siya ng maliit na kutsilyo, pinaglaruan niya ito sa kamay niya at ngumisi sa akin. Labis ang kaba ko ngunit pinilit ko itong nilabanan, sanay ako sa ganito ngunit ngayong may buhay na akong dinadala ay nahihirapan ako, kailangan ay maingat ang bawat kilos ko.
"Tignan natin ang galing mo—" Natigilan ito nang may pumasok na tatlong lalaki, sila ang mga lalaking dumukot sa akin!
"Jack! Anong ginagawa mo?! Ibaba mo 'yan!" Nakahinga ako nang maluwang nang agad na hawakan ng lalaki ang manyakis na demonyo.
"E, p*tang*na niyan, binay*gan ako. Gusto ko lang namang hawakan!" Umatras ako nang sabay-sabay silang tumingin sa akin.
"Bawal mong galawin 'yan, Jack. Baka mabawasan ang presyo kung may galos," sabi ng lalaking may hikaw sa dila. Lahat sila ay mga mukhang adik.
At ano, presyo?! Ibebenta nila ako?! Mga p*tang*na niyo!
"Tiba-tiba tayo rito, Boss! Maganda, sexy, maputi at makinis!" Nangilabot ako nang padaanan nila ako ng malaswang tingin.
Mga hayop! Mukhang pera!
"Pakawalan niyo na ako! Hindi ako anak ni Dante!" Bigla silang humalakhak sa sinabi ko na para itong isang malaking biro.
"Huwag mo kaming maloko-loko! Tama na ang ginawa ng ama mo! Matapos akong utangan sa casino ng sampung milyon ay tinakbuhan ba naman ako?" Nakakatakot na tumawa ang malaking lalaki, siya na siguro ang tinatawag nilang boss.
"Ako ang magbabayad, basta't pakawalan niyo na ako!" buong pagsusumamo kong tugon.
Walang kwenta! Wala akong laban sa ganitong sitwasyon, sana...sana may tumulong sa akin pakiusap.
"Naku! Huwag ka nang mag-abala! Mamaya ay bayad ka na!" Lumapit ang lalaking punong-puno ng tattoo sa akin at humawak sa braso ko.
Parang napapaso ko itong tinanggal ngunit humawak ulit ito nang mas mahigpit, kuyom na kuyom ang mga palad ko sa galit, wala akong magawa!
Nanlaki ang mata ko nang maramdamang may itinurok ito sa akin, nanghina ang tuhod ko at muntik nang matumba ngunit umalalay ito at pinaupo ako .
"Bantayan niyo ang pinto baka makatakas pa 'yan." Huling narinig ko bago muling makatulog.
Maingay ang paligid, hindi ako makakita dahil sa nakapiring sa mga mata ko, ramdam kong nakatali pataas ang kamay ko at ang mga paa ko nama'y naka-kadena, nararamdaman kong halos hubad ako ngayon at kaunting tela lamang ang nakatakip sa katawan ko.
Nanghihina ako na maski ang pag-angat ko ng ulo ay hindi ko magawa at lagi itong lumulupaypay, ang pakiramdam ko ay kakaiba, init na init ako at gusto kong mahawakan. Gusto kong hawakan ako ni Thor—anong nangyayari?! Nasa'n na naman ako?!
"And our star of the night...please welcome our black butterfly!"
Sari-sari ang boses na naririnig ko. Nakarinig ako ng palakpak at mga hiyawan.
Maraming tao? Nasa'n ako? Ano ito?
"The starting price is five million—
anyone?" Anong five million?"Six MILLION!"
"Eight MILLION!"
"Thirteen"
"Twenty!"
Auction! Nasa isang auction ako! At ngayon ay ibinebenta nila ako sa napakataas na halaga! Hindi! AYOKO!
"Forty five Million."
Sari-saring boses ang naririnig ko at walang nagpapatalo.
"Hmm..." napaungol ako nang may nakakakiliting bagay ang idinikit sa aking tiyan. Ang daing ko ay malakas kong narinig na parang itinutok pa ito sa microphone, mga baliw!
"Did you hear that? Ungol palang sexy na! What more kung—I'm going to raise the price, Fifty MILLION—" Hindi na natapos ng emcee ang sasabihin nang magsabay-sabay silang magsalita.
"Sixty Million"
"Sixty five!"
"Seventy!"
"One Hundred Million!"
"Five Hundred!"
Natigil ang mga boses nang may magpresyo ng Five Hundred Milion. Hindi pakiusap! Tulungan niyo ako!
"T-tulong," hirap ko itong naisatinig.
Umiyak ako nang umiyak ngunit hindi nila ito nakikita dahil nakapiring ako."Woah! Five Hundred Million for real?! Higher than Five Hundred? No one? Going once, going twice, going thri—"
"One Billion." Rinig ko ang pagsinghap ng mga tao na kalaunan ay nauwi sa katahimikan.
"One billion? A Billion?! Wow! Ladies and gentleman! We have a winner! The man with a black mask! Please, proceed here in the stage and take your black butterfly! She's all yours!"
Walang tigil ang pag-iyak ko dahil sa mga nangyayari, biglang sumigid ang hindi masukat na sakit sa aking puson.
"Ahh!" hindi ko maiwasang mapahiyaw sa sakit.
Ang baby ko!"I'm sorry," bumulong ang
pamilyar na boses sa akin at niyakap ako nang mahigpit.Nagsilaglagan ang mga luha ko, kasabay nang pagtulo ng mainit na likido sa hita ko ay ang sunod-sunod na putukan, nilalabanan ko ang tuluyang pagpikit ngunit hindi ko kinaya at tuluyang nilamon ng kadiliman.
A/N
Should I write hahahahappy Reading??? Nevermind...
BINABASA MO ANG
Kiss Me, Officer
RomansaSynopsis A lovely and sexy Police Officer, Ray Ann Geronimo caught the heart of a man who is cold as ice, hard as rock and a man of a few words. Thor Müller is a cold-hearted man, he has the presence that can make you uncomfortable, the authority...