Chapter 8

2.8K 79 2
                                    

Chapter 8

Lumipas ang mga araw at panay ang dalaw ni Thor ngunit hindi ito nakakapasok dahil wala naman itong sadya sa presinto at hindi valid reason na nanliligaw siya para makapasok.

Ngayon ay naiintindihan ko na kung bakit sinadya niyang ipakulong ang kapatid para may dahilan siyang makapasok sa loob.

Talaga bang gusto ako ng lalaking 'yon? Dahil napakaimposible na magustuhan niya ako-sa itsura palang niya ay alam kong habulin na ito ng mga babae pero bakit ako pa ang natipuhan niya?!

Parang alangan tuloy akong magpaligaw. Bastedin ko na kaya? Pero kasi crush ko siya...oo crush ko siya dahil sino ba naman ang hindi magkakagusto sa itsura niya?! Bulag na lang siguro.

Sa pagpasok ko ay hindi niya ako naaabutan ngunit hinahatid niya ako pauwi pero hanggang kanto lang. Hindi siya palasalita at sa buong byahe ay tunog lang ng makina ang maririnig. Hindi ko alam kung paano magsimula ng topic.

Sa tanghalian minsan ay sabay kami, typical na usapan lang gano'n...boring ba ako o siya? Haist!

Sa gabi ay nagbi-video call kami habang nakahiga at ayun, titigan lang kami hanggang sa makatulog minsan usap-usap konti.

"Anong pag-uusapan natin?" Nasabi ko ito ng minsan.

"Anything. I'll just listen to you. I just want to see you before I sleep," sabi niya na talagang nagpapakilig sa akin.

Namimilipit ang paa ko sa kilig pero ang mukha ko ay iba ang pinapakita.

Nasa table ako at nag-aayos ng gamit nang lumapit si SPO3 Alta Gracia sa'kin.

"PO2 Geronimo, hindi na ba talaga niya isasama ang kapatid niya?" mahinang tanong nito sa akin.

Napangisi ako dahil talagang tinamaan ang senior namin.

"Hindi na po siguro, Sir, dahil ano namang gagawin niya rito?" sabi ko.

Dahil anong gagawin ng dalagang 'yun dito? At bakit naman isasama pa ni Thor si Aurora sa panliligaw sa akin.

Mahina akong natawa nang pabalang itong umalis. May mission kami ngayon kaya busy ang lahat.

Lulusubin namin ang isang pagawaan ng candy ngunit lihim palang warehouse ng party drugs.

Ngayong gabi kami lulusob dahil mailap ang mga ito sa umaga.

"Let's do this!" mariing sabi ni PO1 Gadiano.

Kahit babae siya ay panay ang sama sa mission dahil tulad ko ay gusto niyang tumaas din ang kaniyang ranggo.

Habang nasa byahe ay kita kong tumatawag si Thor. Hindi ako makakapag-focus kausap siya ngayon kaya pinatay ko na lang ang cellphone at inilagay sa tabi.

Pagkarating sa pabrika ay tahimik na ito at wala ng tao sa labas...kinakabahan ako. Hindi maganda ang pakiramdam ko sa mga oras na 'to.

Mahigpit ang hawak ko sa baril habang naglalakad kam,ang baril ko ay nakatutok sa harap...masyadong tahimik ang paligid.

May hindi tama. Pagpasok namin sa secret basement nila ay isang tao lang ang naabutan namin at nagpa-pack ito ng kung ano.

"Itaas ang kamay at 'wag gagawa ng ano pamang kilos!" sigaw ni SPO4 Alta Gracia.

Tumingin lang ito sa amin at ngumisi hanggang sa naging tawa na kaya mas lalo akong kinabahan.

"Hindi kami hiring," pilosopong sabi ng payat na lalaki.

Sa pagkakatanda ko ay nasa bente kaming lulusob, ang ilan ay nagbantay sa labas.

Nilapitan ito ni PO4 Valdez at kakabitan na sana ng posas nang biglang may sunod-sunod na putok ang tumama sa direksiyon namin.

Kiss Me, OfficerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon