Chapter 32
Apat na buwan na simula ng maging kami ni Thor, araw-araw ay walang mintis ang paglalambing niya at mas lalo akong nahuhulog na sa tingin ko ay hindi na ako makakaahon pa.
Tumihaya ako at tumitig sa kisame hanggang sa makatulog.
Nananaginip na naman ba ako? Nandito na naman ang batang ako, naghuhukay siya likod ng bahay namin, wala itong emosyon ngunit lumuluha.
Nang makapaghukay ay binaon niya ang isang kahon....anong laman? At bakit niya inihuhukay?
Hahawakan ko sana ang balikat ng bata ngunit nagising ako. Mabilis ang paghinga ko at kinakabahan.
Hindi ako mapakali at pabaling-baling sa kama. Anong ibig sabihin ng panaginip ko?
Bumangon ako at nagsuot ng roba, alas dos na ng madaling araw ngunit hindi na ako dinapuan pa ng antok, nagtungo ako sa veranda at tumitig sa langit.
Walang bituin, nakakaulan
yata. Natigilan ako nang magawi ang tingin ko sa likod bahay, subukan ko kayang hukayin?Mabilis akong bumaba at nagtungo sa storage room kung saan nakatago ang gamit sa pagga-garden.
Wala naman sigurong multo? At kung meron man bahala na.
Nakita ko ang maliit na pala kaya ito na ang kinuha ko, pagkarating sa labas ay napayakap ako sa sarili, umihip ang malamig na hangin kaya sinikop ko ang buhok.
Dala-dala ko ang cellphone ko na ginamit kong pang-ilaw.
Nilibot ko ang paningin at inalala kung saan binaon ng bata ang kahon, nakailang hukay ako pero hindi ko pa rin mahanap.
Napaupo at inalalang mabuti, nang mapatingin ako sa statue ng archangel na nakapatong sa fountain ay bigla akong napaisip.
Nando'n siya! 'Yung statue nasa panaginip ko rin siya! At ang istatwang ito ay nasa likod ng bata ibig sabihin...
"Dito!" masayang turan ko pumwesto sa harap ng istatwa.
Sa likod ng aming bahay ay may hindi kalawakang hardin, makapal na ang bermuda grass na nakatanim dito, hindi na kasi nati-trim ng hardinero dahil wala naman na kaming hardinero.
Nagsimula akong maghukay at nang may matigas na bagay akong natamaan ay napatalon ako sa tuwa. Ito na ba 'yun?
Lumuhod ako at inalis ang tipak ng lupa na naiwan sa nahukay ko.
Hirap kong kinuha ang maduming kahon. Gawa ito sa kahoy at kasing sukat lang ng kahon ng sapatos.
Akmang bubuksan ko nang makitang naka-lock ito. Kakailanganin ko pa ng susi? Naalarma ako nang sumindi ang ilaw sa isang kwarto sa taas.
Apat lang ang kwarto namin at namg bilangin ko ay pang-lima na ang kwartong ito. Ngayon ko lang nalaman na may kwarto pang isa. Hindi ko pa napapasok 'to.
Nagpalinga-linga ako at naghanap ng maaring akyatan, sa gilid ng bahay ay nakita ko ang nangangalawang na hagdan.
Ang bigat! Sobrang bigat ngunit dahil curious ako ay pilit kong kinaya, dahan-dahan akong umakyat.
Bawat hakbang ko ay lumalangitngit ang hagdan, mahuhuli pa yata ako.
Sa maliit na awang ng bintana ay sumilip ako.
Daddy? Anong ginagawa ni Daddy sa sikretong kwarto na ito?
Nilibot ko ang paningin at nakita kong puno ang kwarto ng malalaking portrait, hindi ko makita ang mukha ng mga nasa larawan. Kainis!
Napahawak ako sa bibig nang makitang hinalikan niya ang portrait ng isang babae. Halo-halong emosyon ang naramdaman ko pagkakita sa itsura ng babae, napaka-amo ng mukha niya, ang ganda-ganda! Ang ngiti sa labi nito ay napakatamis. Sino siya?
Nakangiti si Daddy habang pinagmamasdan ang larawan. Pilit kong inaaninag ang iba ngunit natatakpan ang kalahati nito ng puting tela.
"Kung ako sana ang pinili mo, hindi mangyayari sayo 'to," seryosong saad ni Daddy. Anong ibig niyang sabihin? "Kasalanan mo ang lahat ng ito, Lucas! " sigaw niya.
Binato niya ng basong may lamang wine ang portrait ng isang lalaki na hindi ko makita ang mukha dahil puro butas ang mukha nito.
Sa gulat ko ay nagalaw ko ang paa dahilan nang malakas na paglangitngit ng hagdan
"Sino 'yan!?" mabilis na tanong ni Daddy.
Sa sobrang kaba ko ay tumalon na lang ako at sa kabutihang palad ay hindi tumamo ng pilay, mabilis akong pumasok sa pinto ng likod bahay.
Nang makapasok ako sa kwarto ko ay agad kong hinagis sa silong ng kama ko ang kahon at nagtalukbong ng kumot.
Sobrang bilis ng tibok ng puso ko dahil sa kaba.
BINABASA MO ANG
Kiss Me, Officer
RomanceSynopsis A lovely and sexy Police Officer, Ray Ann Geronimo caught the heart of a man who is cold as ice, hard as rock and a man of a few words. Thor Müller is a cold-hearted man, he has the presence that can make you uncomfortable, the authority...