Chapter 51

2.1K 47 1
                                        

Chapter 51

Nagmadali kaming magpunta sa presinto ngunit nang nasa labas na kami ay natigilan ako. Kinakabahan ako na ewan, hindi rin ako mapakali na parang hindi maganda ang magyayari.

"Kaya mo 'yan, Vhakla, tanungin mo na lahat ng nagpapagulo sa isipan mo." Pinisil ni Macario ang balikat ko at niyakag papasok.

Nagtungo kami kay Hugo dahil siya lang naman ang kakilala ko rito, mabilis namin siyang nahanap at inasikaso niya kami kaaagad.

"Mabuti at lumabas ka na, narinig ko ang nangyari sa 'yo," alanganin niyang sabi na nginitian ko na lang nang tipid. "Tatlong araw na ang mga magulang mo rito, patong-patong ang kaso lalo na sa daddy mo, isa na ro'n ang murder at...alam kong mahirap paniwalaan ngunit sila ang dahilan nang pagkamatay ng totoo mong magulang." Muntik na akong matumba sa nalaman buti na lang ay nakaalalay si Macky sa akin.

"S-sila ang dahilan? Paano?  May e-ebidensya ba?" utal ko ng tanong. Hindi ako makapaniwala sa sinabi ni Hugo

"Maraming ebidensyang nagsilabasan, ang mga sangkot at witness ay nagsisulputan kaya nabuksan muli ang kaso na hindi naresolba nuon, na-recover na ang sasakyan na gamit ng mangyari ang aksidente." Napakuyom ang palad ko sa mga impormasyon, magbabayad sila! Wala akong pakialam kung sila pa ang tinuring kong magulang dahil hindi sila tao!

"May l-laman ba?" agad kong tanong na tinanguan niya.

"Ang katawan ng daddy mo ay na- identify na pero siya lang ang nasa loob, ang mommy mo ay hindi pa makita ang labi niya,"  seryosong detalye ni Hugo sa amin.

"Gusto kong ipalibing nang maayos ang daddy ko, siguro kung hindi nila ako inihagis ay kasama rin ang bangkay ko ro'n." Pigil ko ang pag-iyak nang bumalik ang ala-ala ko nuong panahong malalaglag na ang aming sasakyan.

"Paano sila nahuli, at sinong nagpakulong sa kanila?" Higla akong napaisip, paano sila nakulong at paanong nakakalap ng ebidensya kung halos dalawang dekada na ang lumipas?

"Isa raw siyang good samaritan, hindi ko na nalaman ang pangalan at iniwan na lang ang mga ebidensya sa amin, ikaw na ang bahalang magtuloy ng kaso nila, at ang mga magulang mo ay kusang sumuko." Gulat akong napatingin kay Hugo...sumuko? Bakit? Dahil ba nakokonsensya na sila? May konsensya pala ang mga demonyo!?

"Gusto ko silang makausap." Napapikit ako nang mariin nang umosbong ang galit sa dibdib ko.

"Tara, nasa interrogation room sila." Mabilis kaming sumunod kay Hugo papasok sa interrogation room.

Gusto kong marinig mismo sa bibig nila kung bakit nila iyon nagawa, kung bakit kailangan patayin pa ang mga magulang ko.

Kaya pala gano'n na lang nila ako itrato, ngayon ay sising-sisi ako kung bakit minahal ko sila, kung bakit nagtiis ako sa pagpapahirap nila sa akin, kung bakit naging sunod-sunuran ako sa kanila!

Hindi na pumasok pa si Macky at Hugo sa kwarto ngunit mapapanood at maririnig nila ang mapag-uusapan naming tatlo.

"Anak! Mabuti naman at dumalaw ka!" Kumuyom ang palad ko sa naging bungad ni Dadd—Dante sa akin.

"Ray Ann, ilabas mo na kami rito!" Napangisi ako nang makitang nakaposas si Suzzette gano'n din si Dante.

"Anak—" Napatid ang pasensya ko sa pagtawag nila sa akin ng anak.

"Huwag niyo akong tawaging anak dahil hindi ko kayo magulang!" Kita ko ang pagbalatay ng gulat sa mga makakapal nilang mukha.

"A-anong sinasabi mo, anak—" Galit kong hinampas ang mesang nakapagitan sa 'ming tatlo.

"Ang dami kong sakripisyo para inyo!" Paulit-ulit kong hinampas ang mesa. "Ginawa ko lahat ng bagay na sa tingin ko magiging proud kayo sa akin! Nagtiis ako, minahal ko kayo higit pa sa sarili ko...pero kayo pala ang dahilan nang paghihirap ko! Bakit niyo sila pinatay!" Hinablot ko ang kuwelyo ni dante at galit akong tumitig sa kanyang mga mata. "Anong kasalanan ng pamilya ko sa inyo? napakaganid ninyo!" Hinila ko ang posas ni Suzzette at kita kong napangiwi siya dahil sa sakit.

Hindi nila ako magagalaw dahil may bantay pa kaming kasama rito sa loob. "Ano!? P*tang*na, napakahayop niyo!" Gustong-gusto ko na silang bugbugin ngunit hindi ko magawa.

Malalalim ang bawat paghinga ko dahil sa galit, nanatiling tikom ang bibig ng dalawa. Nagtaka ako namg mahinahong umupo si Dante at pinatong ang nakaposas na kamay sa lamesa.

"Do you want to hear a short story?" panimula niya.

"Dante—" aapila sana si Suzzette nang pigilan niya ito.

"Gusto niyang malaman ang lahat, tutal nandito n arin tayo, why not tell her the truth?" Mabilis ang pagtibok ng puso ko sa bawat salitang binibitiwan niya. "A long-long time ago, may isang batang palaboy. Ang mga magulang niya ay iniwan siya sa lansangan at naging palaboy-laboy ito sa daan, walang pera, tahanan at makakain, sobrang hirap ng dinanas ng isang anim na taong gulang na batang lalaking iyon hanggang sa may nakakita sa kaniyang mayamang mag-asawa na hindi magkaanak." Tutok na tutok ako sa kwento niya, tulala siya habang nagsasalita habang si Suzzette ay panay ang iyak.

"Dante..." humihikbing singit ni Suzzette.

"Inampon nila ang bata, binihisan at pinakain simula nuon ay naging masarap ang pamumuhay niya dahil lahat ng gusto at luho ng bata ay binibigay ng mga ito ngunit isang araw ay may balitang naging dahilan nang hindi pagbibigay nila ng atensyon sa bata, magkaka-anak na sila, sa labis na kasihayan ng mag-asawa ay nakalimutan nilang may responsibilidad sila sa bata!" Nagbago ang reaksyon ng mukha niya at galit nitong hinampas ang lamesa. "Simula nang dumating siya ay kinalimutan na nila ang batang lalaki! Hindi nila nabigyan ng oras at pinabayaan na lang! Hanggang sa lumaki sila, at naging magkaribal sa lahat ng bagay pati na sa iisang babae..."

Nagulat ako sa narinig. Magkaribal pati sa iisang babae? Ibig sabihin ba nito siya ang batang lalaki at si Daddy ang isa?

"And that happens to be you and my daddy, tama?" galit na paniniguro ko.

Ngumisi ito at nilapit ang mukha sa akin " Kuhang-kuha mo ang ugali at pagmumukha niya, hindi man ako nakabawi sa kaniya at least labis-labis kitang napahirapan." Mabilis akong tumayo at lumapit sa kaniya saka ito sinuntok nang ubod ng lakas.

A/N
Revelation na iteeeyyy

Kindly leave your vote and comments!

Hahahahappy Reading!

Kiss Me, OfficerMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon