Chapter 60
Naging maganda ang pagtulog ko, bagong umaga—bagong simula.
Nakangiti ako habang minamasdan si Thor na mahimbing na natutulog, alas-diyes na ngunit kagigising ko lang. Nakagat ko ang labi nang maalala ang nangyari sa amin kagabi, magaan ang pakiramdam ko dahil nagkaayos na kami. Napagod talaga siya nang sobra kagabi para kasing mauubusan, eh, ayan tuloy knock out.
Nakahinga ako nang maluwag namg tuluyan akong makabangon, sobrang kung makayakap! Pagkatayo ay nalukot ang itsura ko dahil sa sakit, buong katawan ko ay masakit lalo na ang pagkababae ko parang na- devirginized ulit ako.
Naligo ako saglit at nagtungo sa kusina niya, pagbukas ng cabinet ay nakita ko ang mga pinamili ko pa nuon at hindi pa nagagalaw. Ngayon lang ba siya nagpunta uli rito?
Dahil magtatanghali na ay brunch na ang ginawa ko, sinikop ko ang buhok at tinali ito sa messy bun style, naka-sando at shorts lang ako at hindi na nagsuot pa ng bra.
Habang naghahalo ay nagulat ako nang makarinig nang mabibigat na yabag at ang baritonong boses ni Thor na tila nagpapanic.
"Ray Ann?! Where are you?!" Dala-dala ang sandok ay nagtungo ako kay Thor na nasa sala.
"Ohh, God! I thought you left me again!" Kinabig niya ako at niyakap, halos hindi ako makahinga ngunit hinayaan ko lang siya.
"Yung niluluto ko." Mabilis ko siyang hinalikan sa labi at bumalik sa kusina.
Nakaharap ako sa kalan nang biglang yumakap si Thor sa likuran ko, inamoy niya ang leeg ko at magaang hinalikan, napakislot ako dahil sa kiliti lalo na nang hipan nito ang tainga ko.
"Thor, ano ba! Nagluluto ako do'n ka muna," pangsasaway ko sa kaniya.
"Hmm..." tugon niya pero nakayakap pa rin sa akin.
Bumuntong hininga ako at hinayaan na lang siya, nagpatuloy ako sa pagluluto habang nakayakap siya sa likuran ko. Ang loob ng tyan ko'y parang pinamugaran ng libo-libong paru-paro.
Napaka-clingy niya ngayon, ayaw humiwalay sa akin at pati sa pagkain namin ngayon ay nakakandong ako sa kaniya. Sinusubuan niya ako gano'n din ako sa kaniya. Tinignan ko siya nang masama nang panay na naman ang pagtaas baba ng kamay niya sa bewang ko.
"Why are you looking me like that?" nakangising tanong niya sa'kin.
"Kamay mo, kumakain tayo." Umirap ako at pinasakan ng tinapay ang bibig niya.
Natapos kaming kumain at akmang aayusin ko ang pinagkainan namin nang pigilan niya ako, natawa ako nang mabilis niya akong buhatin at paupuin sa kitchen counter.
"Let me," sabi niya at binigyan ako nang mabilis na halik.
Pinanuod ko siya habang naghuhugas ng plato, at dahil kaunti lang naman ang nagamit namin ay mabilis siyang natapos.
"Wala kang pasok?"tanong ko sa kaniya.
Nagpunas muna siya ng kamay bago pumwesto sa pagitan ng hita ko, iniyakap ko ng mga kamay ko sa batok niya samantalang humawak naman siya sa likod ng bewang ko.
"Meron...but I all I want is to cuddle with you the whole day." Hinalikan niya ako sa labi nang paulit-ulit.
"Mahal kita." Natigilan ito at tumitig lang sa akin.
"You know what? I'm ready for another round." Nagulat ako sa sinagot niya s aakin...another round?
"Thor?! Pasikat na ang araw nang matapos tayo!" Aalis na sana ako sa pagkakaupo nang tumawa siya.
"Just kidding, sinubukan ko lang kung makakalusot." Tinampal ko ang matigas niyang braso dahil sa hindi nakakatuwang biro niya.
"Uuwi muna ako," paalam ko sa kaniya.
"Sama ako," mabilis niyang sagot. Ayaw talagang humiwalay!
Matapos kaming magbihis ay nagtungo kami agad sa bahay, bababa na sana ako nang hawakan niya ako sa braso.
"Bakit?" nagtatakang tanong ko.
"What if she's mad at me? Paano kung ayaw niya sa'kin para sa 'yo dahil sa nangyari?" alanganin niyang sabi.
"Hindi, mabait si Mommy," panga-assure ko sa kaniya.
"You didn't tell me what flower she likes." Nakabusangot niyang kinuha ang bouquet ng sunflower sa backseat.
"Kahit ano magugustuhan niya, 'wag ka nang kabahan." Mabilis ko siyang hinalikan sa labi at bumaba.
Lumabas din ito at pinagdaop ang palad namin, pagkapasok ay wala si Mommy siguro ay inaasikaso na naman ang garden niya.
Maya-maya ay dumating din siya at may dalang pandilig. "Ohh, buti umuwi ka pa! Hindi ka man lang nag-text!" Bungad kaagad niya sa akin.
Ayy, oo nga pala nakalimutan kong nagpaalam sa kaniya!
"Sorry na, Mie," panlalambing ko. "Si Thor po." Lumapit ako sa kaniya at yumakap tapos ay tinuro si Thor na natuod na sa tabi.
"Hi! Nagkita rin tayo sa wakas. Upo ka muna ipaghahanda kita ng meryenda," nakangiting sabi ni Mommy kay Thor tapos ay nagtungo na sa kusina.
"Para akong pinatayo para sa recitation, I'm nervous." Natawa ako sa sinabi ni Thor.
Pagbalik ni Mommy ay may dala na siyang pineapple juice at chocolate cake, titignan niya si Thor tapos ay muling ibabaling sa'kin.
"So, nagkabati na kayo?" seryosong tanong ni Mommy.
"Yes, Tita, I'm sorry for what I have done in the past, I promise I'll never make Ray Ann cry again," taos pusong sabi ni Thor, hinawakan ko ang kamay niyang nakapatong sa sofa.
"Siguraduhin mo lang, ayoko nang makitang umiiyak gabi-gabi ang anak ko, sakaling saktan mo uli siya ay ilalayo ko si Ray Ann sa 'yo at hindi mo na makikita pa," seryosong banta ni Mommy.
"Mommy—" Natigilan ako nang pisilin ni Thor ang palad ko.
"I won't hurt her ever again." Nagkatitigan si Mommy at Thor, seryosong-seryoso ang dalawa. Kalaunan ay napangiti si Mommy.
"Alright! Kailan mo pakakasalan ang anak ko?" Nagulat ako sa tanong ni Mommy, kasal agad, eh kababati lang namin!
"As soon as possible, Tita—" Pinigilan ni Mommy si Thor sa pagsasalita, akala ko magagalit na siya ngunit itinama lang niya ang pagtawag sa kan'ya ni Thor.
"Mommy, iho, tawagin mo akong Mommy." Nakangiting tumango si Thor.
Iniwan ko sila at umakyat sa kwarto ko, nakalimutan kong i-charge ang cellphone ko kaya icha-charge ko muna.
Nang makabalik ako sa sala ay masinsinang na silang naguyusap, nang makita nila ako ay tinigil nila ang pag-uusap at awkward na tumawa.
"Anong pinaguusapan ninyo?" tanong ko na mabilis na sinagot ni Thor.
"Tungkol lang sa work, nothing important."
Nagtagal pa kami ng ilang oras sa bahay bago umalis muli at nagpunta naman kina Thor. Nang makita nila kaming magkasama ay nanunuksong tingin agad ang pinukol nila sa amin.
"May ikakasal na yata sa pamilya natin," nakangiting sabi ni Mama Diana.
"Ihh, I'm excited!" singit ni Aurora na buhat ang kapatid nitong si Lucy.
Ngayon ko lang nalaman na nawala pala siya at ilang bwan na nawalan ng ala-ala, mabuti nalamang ay maayos na siya ngayon.
Naging masaya ang pagbisita ko sa kanila, sana pala ay sinama ko si Mommy para nakilala niya ang pamilya ni Thor. Nag-bonding kami nila Aurora at Mama Diana kasama ang bunso nila.
"Peekaboo!" sabi ni Aurora kay Lucy na mabilis namang humagikgik.
"Napakaganda niya," sabi ko at pinisil ang pisnge ng bata.
"Combination namin ni Lucian kaya Luccianna," paliwanag ni Mama Diana.
Dahil mataba si Lucy ay hirap ko siyang inangat, humagikgik siyang muli kaya hindi ko mapagilang mapangiti lalo na nang lumabas ang dalawang dimples niya.
Ganito rin kaya kaganda ang magiging anak namin ni Thor?
A/N
Kindly leave your comment
Hahahahappy Reading!

BINABASA MO ANG
Kiss Me, Officer
RomanceSynopsis A lovely and sexy Police Officer, Ray Ann Geronimo caught the heart of a man who is cold as ice, hard as rock and a man of a few words. Thor Müller is a cold-hearted man, he has the presence that can make you uncomfortable, the authority...