Chapter 61

2.2K 52 8
                                        

Chapter 61

Lumipas ang isang buwan at tuluyang naging maayos ang pagsasama namin ni Thor, pansin kong naging busy siya nitong nakaraang linggo ngunit hindi niya naman ako napapabayaan. Si Mommy ay naging abala sa company namin, halos siya na ang gumagawa ng lahat dahil wala naman daw siyang ibang pagkakaabalahan.

Nandito ngayon si Macario sa bahay namin at problemadong humilata sa sofa, nagtataka ako dahil kanina pa siya pabaling-baling ng higa panay pa ang buntong-hininga, pupunta-punta rito tapos hihilata lang pala!

"Macario! Ano ba?! Ano ba'ng problema mo?!" Naiinis kong sinipa ang sofang hinihigaan niya.

"What should I do, Vhakla?!" naiiyak niyang sabi, umupo siya at sumandal sa sofa.

"Kaya nga sabihin mo para alam ko ang sasabihin ko!" Pumadyak-padyak siya sa sinabi ko, marahas niyang sinabunutan ang buhok.

"I accidentally got my secretary pregnant! Ray Ann anong gagawin ko?!" Nagulantang ako sa sinabi niya, ano raw? Nakabuntis siya?! What the heck!?

"Ha? Akala ko ba lalaki ang gusto mo? 'Di ba bakla ka?" wala sa sariling tanong ko.

"Duh! Even if I'm gay I still have a d*ck!" Oo nga naman may ano pa rin siya. " Hoy! FYI, kaunting attraction lang ang nafe-feel ko sa mga hot guys, I never ever suck a d*ck in my whole life!" Nandidiring winagayway niya ang kamay sa harap ko.

"Pa'no mo nalaman? Saka anong sinabi mo sa secretary mo?" tanong ko.

"Sinabi niya sa 'kin na panagutan ko raw siya, and I told her to abort the baby—" Napatayo ako sa sinabi niya.

"Ano?! Gusto mong ipalaglag ang bata? Itatapon mo ang baby na pinaghinayangan ko ng ilang taon!" Dinuro ko siya kaya guilty na tingin ang pinukol niya sa'kin.

"Kaya nga pinagsisihan kong nasabi ko 'yon! Sorry nagulat lang ako," marahang tugon niya.

"Sustentuhan mo ang bata, o mas maganda panagutan mo silang dalawa." Sumeryoso ako at humalukipkip.

Humiga muli siya sa sofa at dumapa, iniwan ko na lang ito dahil baka mag-away lang kami. Kasal ngayon ni Gemma at Hugo, ako ang made of honor tapos inisstress pa ako ni Macario!

Pagkababa ko ay saktong kararating lang din ni Thor, nagpumilit siyang samahan ako kaya wala na akong nagawa.

Masaya ako para kay Gemma. Finally, magkakaroon na siya ng sariling pamilya.

Pumwesto na kami sa likuran niya dahil ihahagis na nito ang bulaklak wala akong balak makiagaw kaya sa dulo ako pumwesto sa, nagulat ako nang pagkahagis ni Gemma ng bulaklak ay sumakto sa bisig ko kaya pinalibutan ako ng ilang mga bridesmaids tapos ay binati dahil susunod na raw akong ikakasal kaya tinawanan ko na lang.

Dumaan kami saglit sa reception dahil may meeting pa si Thor, nagtaka ako nang makitang traffic dahil hindi naman nata-traffic dito. Ilang minuto na ngunit hindi pa rin kami umuusad kaya lumabas si Thor at nagtanong.

Binuksan ko rin ang bintana at tinanaw kung anong nangyayari sa harap, maharas na binuksan ni Thor ang pinto

"Nala is on the rooftop! She's trying to commit suicide." Sa sinabi ni Thor ay mabilis akong lumabas.

Kaya pala may mga police, anong iniisip ng babaeng iyon? Nawalan na talaga siya ng utak!

Sumiksik ako sa tabi ng mga pulis kahit pa binabawalan ako, sinabi kong kapatid ko si Nala kahit hindi naman para lang hayaan akong makapunta sa harap.

Tumingala ako at nakita kong alanganing nakatayo siya sa  rooftop, mataas ngunit kaya ko pang makilala na siya talaga iyon, rinig ko pa ang pag-iyak niya, kung sakaling tumalon nga siya ay siguradong patay siya.

Kiss Me, OfficerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon