Chapter 4
Bumaba ako at nakita ko silang nag-aalmusal, dahil sa gutom ay umupo ako kahit alam kong ayaw nila akong kasabay. Dahan-dahan akong nagsandok ng kaunting kanin at kumuha ng isang hotdog at sunny side up.
Kita ko ang titig ni Mommy at Nala saakin, si Daddy ay nagpatuloy lang sa pagkain at hindi ako pinansin.
Tumunog ang cellphone ni Daddy kaya agad niya itong hinawakan, nang ibaba niya ang cellphone ay malaki ang ngiti nito
"Payag na si Lastimosa na mag-invest sa company natin! At may tatlo itong kasama! Ray Ann, you did a great job!" Lumapit ito sa akin at tinapik ang balikat ko.
Napangiti ako----labis ang kasiyahan ko dahil napansin niya ako, nagulat ako nang lagyan ni Mommy ng ulam ang plato ko.
"Tss. Mom, Business Administration is boring as hell! Mag tu-turism na lang pala ako," maarteng sabi ni Nala.
Ano? Magsi-shift na naman siya?! Wala na nga kaming pera!
"And Dad? Pahinging pera, you know shopping with my friends," ngiting-ngiting sabi pa niya.
"Teka, Nala----gipit tayo ngayon, kung pwede sana tipid-tipid muna at saka magsi-shift ka na naman?!" hindi ko na napigilan----sobra na kase, e. I
"So? Hinihingi ko ba ang opinyon mo? Saka hindi naman ako nanghihingi sayo, duh!" Napahigpit ang hawak ko sa kutsarang hawak ko.
Hindi niya ako ginagalang bilang ate, ni hindi nga yata niya ako tinuturing na kapatid.
"Nala! Sana makaintindi ka naman----" natigil ako nang sumigaw si Mommy.
"That's enough, Ray Ann!" Naguguluhang napatingin ako sa kaniya.
Ako pa ang mali? Ako na naman! Iniisip ko lang naman ang sitwasyon namin ngayon.
"Mom---" aapela sana ako.
"Tumigil ka na, Ray Ann, and Nala, take any course that you want." Tumayo si Daddy at nagtungo sa taas.
Napayuko ako parang nag-iinit ang dibdib ko----siguro dahil sa pagkapahiya.
Kaming dalawa na lang ni Nala ang natira, hindi na ako makakain samantalang ito ay ganadong- ganado sa pagsubo.
"Sa Jollibee na tayo----bida ang saya..." kumanta pa ito at mahinang tumawa.
Napatayo ako at agad umalis dahil wala akong mapapala kung papatulan ko pa siya
Pagkarating sa presinto ay pabalang akong umupo na siyang kinasipol nila.
Napansin ko ang strawberry frappe sa table ko, may kasama rin itong maliit na cake na nakalagay sa transparent box.
Agad kong kinuha ang frappe at sinipsip dito. Napapikit ako dahil sa lamig.
"May bago kang admirer, Ray John!" sabi ni SPO4 Melchor
Napa-irap ako dahil sa tawag niya sa akin
"Teka bago? E, si Hugo lang naman ang madalas nagbibigay." Nagtaka ako.
"Hindi galing kay SPO4 Posadas yan, galing kay secret admirer ayieh." Tinusok-tusok pa ni PO1 Gadiano ang bewang ko.
Nakita ko ang papel na nakasuksok sa box ng cake.
My payment for stealing your first kiss---but I won't say sorry
Shet! Stalker ko ba 'to? Galing sa mabangong manyak to, e!
At ano kabayaran sa pagnanakaw niya ng halik? Tingin niya madadaan niya sa ganto?!
Napatingin ako sa frappe at inilayo ito pero kinabig din dahil ang sarap naman kase!
Sumapit ang hapon at naghahanda na kami para sa gagawing raid.
"Be ready!" bilin ni General. Hindi ito sumama saamin
Pagkarating sa nasabing lugar ay dahan-dahan kaming pumasok---- masikip at madilim at hindi mo aakalaing may malaking pasugalan pala sa loob.
"Walang tatakbo!" sigaw ni PO4 Valdez.
Pumasok kami at tinutukan sila ng baril na siyang kinasigaw ng mga ito, may ilang nakatakas ngunit mas marami ang nahuli. Lumabas ako para magbantay sa labas.
Sa madilim na sulok ay may narinig ako.
"Huwag kang kikilos nang masama." Dahan-dahan akong lumapit at tinutukan ito ng baril.
Ngunit natigilan ako nang lumabas ito sa pinagtataguan.
"D-daddy?" Bigla kong naibaba ang hawak kong baril.
"Anak patakasin mo 'ko! Tulungan mo akong makalusot!" mariing sabi nito sa akin.
Napailing ako na siyang kinagalit ng hilatsa ng mukha niya, anong gagawin ko? Dapat ko siyang hulihin. Mababa lang ang kaso niya at makakalabas din pero kailangang pyansahan para makalabas.
At mas lalong wala nang may gustong mag-invest sa company namin kung magkaka-record ito!
Napaatras ako at hindi ko namalayang nakatakbo na siya at pumasok sa palikuran para dumaan sa bintana.
Trabaho o pamilya? Pero dapat ay hinuli ko siya! Pero kung gagawin ko yun ay anong klaseng anak ako?
Pagharap ko ay para akong nabuhusan nang malamig na tubig
"Sa simpleng sitwasyon na ito ay hahayaan muna kita pero PO2 Geronimo----'wag mo sanang kalimutan ang sinumpaan mong tungkulin," Sabi SPO4 Melchor.
Sunod-sunod ang naging pagtango ko. "Salamat po Sir!" naluluhang pasasalamat ko.
Dinala sa presinto ang mga nahuli namin at tuluyang pinasara ang pasugalan.
Pagod na pagod ako pagkauwi---- aakyat na sana ako na g tawagin ako ni Daddy na nasa kusina.
"Ray Ann!" Napalingon ako sa kanya
"Dad," matamlay na sagot ko
"Salamat kanina, at may ipapakiusap sana ako ----si Mr Chen ay nais kang makilala ng kanyang anak." Naka ngiti siya na parang siguradong papayag ako.
Tumango ako kahit sa loob-loob ko'y gusto nang sumigaw at sabihing...
"Ayoko nang makipag-date! Bakit hindi si Nala naman ang gamitin niyo at hindi ako?!" Pero wala akong lakas ng loob
Tinalikuran niya ako kaya tuluyan na akong umakyat. Pabagsak akong nahiga sa kama,tinaas ko ang kamay at pinagmasdan pero bigla akong napaupo nang may marinig akong boses.
" Ray Ann wake up baby----it's your birthday!" boses ng babae.
Napatakip ako sa tenga ko, bat parang naririnig ko kahit nasa isip ko lang?.
Mariin akong napapikit nang may makita akong eksena sa isip ko.
Ang batang ako na nakasakay sa likod ng isang lalaki habang may humahabol na babae sa likuran ko.
Ang saya-saya ko! Pero sino sila? Bat wala silang mukha?
Napasabunot ako sa sariling buhok nang sumakit ang ulo ko.
Ililigo ko na lang ito baka dahil lang sa pagodPagkatapos maligo ay bumaba ako para kumain, wala akong kasabay dahil nauna na sila.
Mula bata ako ay ganito na ang turing nila sa akin kaya siguro sanay na ako pero wala, e----kahit na sanay na ako sa trato nila ay umaasa pa rin ako, uhaw na uhaw ako sa atensyon at pagmamahal.
Matapos makapagsipilyo at hilamos ay humiga ako, dahil sa pagod ay agad akong nakatulog.
Naalimpungatan ako nang maramdamang may nakayakap sa akin.
Nakayakap? Pero wala naman akong katabi! At sino to?
Tatayo sana ako nang humigpit ang yakap niya. Patay ang ilaw at ang liwanag lang ng buwan ang nagbibigay nang kaunting liwanag.
"Stay still," paos na sabi niya. Lalaki?!
" Sino ka?" takot na tanong ko.
"Your future husband"
Future husband?! Anong kagag*han to?!

BINABASA MO ANG
Kiss Me, Officer
RomanceSynopsis A lovely and sexy Police Officer, Ray Ann Geronimo caught the heart of a man who is cold as ice, hard as rock and a man of a few words. Thor Müller is a cold-hearted man, he has the presence that can make you uncomfortable, the authority...