Chapter 12
Lumipas ang dalawang linggo. Pansin ko ang pag-ganda ng mood ni Daddy at Mommy dahil bumabangon na ang negosyo namin.
Nang matulog ako kina Thor ay hindi man lang nila ako tinanong kung bakit hindi ako umuwi? Saan ako natulog? At bakit inumaga na akong umuwi? Mas matutuwa pa sana ako kung bigla silang magalit.
Kung pagsasabihan nila ako dahil hindi man lang ako nagpaalam ay ikasasaya ko na dahil ibig sabihin ay may pakialam pa sila sa'kin pero ni isang salita ay wala akong narinig.
Si Thor ay seryoso pa rin gaya ng dati, kung noong nanliligaw palang siya ay nagko-commute ako papunta at hinahatid na lang pag-uwi, ngayon ay hatid sundo na niya, pero hanggang kanto lang dahil hanggang ngayon ay hindi ko pa siya naipapakilala.
Hindi rin naman niya binabanggit ang tungkol duon. Busy ako sa paglilinis ng baril ko na nang may tumawag—si Thor!
Agad-agad ko itong sinagot ng nakangiti. "Yes hello?" Napakagat pa ako sa labi dahil sa excitement na marinig ang boses niya
"Don't accept the flowers and chocolates," seryosong sabi niya.
"Ha?" Ang gulo naman neto!
"Your dearest suitor. He will give you those! Don't you dare accept it!" Napangiti ako dahil ang ganda ng boses! Dama ko ang galit sa boses niya ngunit hindi naman niya ako sinisigawan.
"Pero sayang naman 'di b—"Natigil ako.
"Don't you dare, Ray Ann," mariin niyang sabi.
Nababaliw na yata ako dahil bakit ang ganda ng pangalan ko 'pag siya ang bumabanggit?
"Oo na po, Ser," natatawang sagot ko
"Bye for now. Meine Liebe," sabi niya at biglang namatay ang tawag.
Hano daw? "M-mayniii libag? Ha? Or meyn-i leebuh?" pagka-usap ko sa sarili.
Napakamot ako sa ulo. Hindi ko maintindihan! I-google ko kaya? Kaso wala akong load! Haist!
'Wag na nga itatanong ko na lang mamaya sa kaniya. Back to work!
Maya-maya ay may dumating na delivery boy. Tama nga siya...pero pa'no niya nalaman?
"Delivery for PO2 Geronimo—" Tinapat ko ang kamay ko sa kaniya dahilan nang pagkatigil nito.
"Pasensya na hindi ko matatanggap. Sa inyo na lang." Napakamot ito sa batok.
"Eh, Ma'am---" Naputol ang sasabihin ng delivery boy nang sumabat si PO1 Gadiano.
"Ops! Bawal na siyang ligawan dahil may boyfriend na siya. Akin na't akin na lang!" Agad niyang kinuha ang bulaklak at chocolates at siya na rin ang pumirma. Ayos din 'tong babaeng 'to!
Panay ang reklamo ng delivery boy pero wala na siyang nagawa pa nang talakan ito nang talakan ni PO1 Gadiano.
"Ahh! May promotion! Mapo-promote tayo mga kakosa!" masayang balita ni PO4 Valdez.
Lahat kami ay napangiti na, ang ibang kalalakihan ay napahiyaw pa.
"Pero 'wag matuwa, 'di niyo pa alam kung kasali kayo," banat niya at tumawa nang malakas.
'Yun lang! Dahil ang mga pulis na may magandang nagawa ang napo-promote. Sana maisali ako-kami. Para naman tumaas ang sahod ko.
Pagtapos ang trabaho ay kita kong nakasandal si Thor sa pintuan ng kotse nito. Ang gwapo ng boyfriend ko!
Dahan-dahan akong lumapit sa kaniya nang may humarang. Nagulat ako nang makita si Hugo -ang anak ni General na laging nagpapadala ng kung ano-ano sa akin.

BINABASA MO ANG
Kiss Me, Officer
RomanceSynopsis A lovely and sexy Police Officer, Ray Ann Geronimo caught the heart of a man who is cold as ice, hard as rock and a man of a few words. Thor Müller is a cold-hearted man, he has the presence that can make you uncomfortable, the authority...