Chapter 20

2.3K 56 6
                                    


Chapter 20

Siargao----narito kami sa Siargao, sobrang ganda! Para kang nasa paraiso dahil sa magagandang tanawin at preskong hangin.

Mag-isa akong nakaupo at sumisipsip ng lemonade habang pinapanood si Aurora na busy agad sa pamumulot ng kabibe

Iba't ibang lahi ang narito, ang mga turista ay nagkalat sa buong isla.

Ang mga babae ay naka two piece, one piece at ang iba ay ay naka see through.

Pa'no naman ako? Ang mga dala ko ay hindi swak sa gan'tong lugar!

"Let's eat." Nagulat ako nang sumulpot si Thor sa gilid ko.

Tumango ako at sumama sa kanya.

Seafoods, ang mesa ay punong-puno ng ibat-ibang klaseng seafoods. Mapapalaban na naman ako nito.

"Wow, tahong! My favorite!" masayang sabi ni Loki at sumandok agad ng tahong.

Gusto kong mapatikhim dahil iba ang pagkakaintindi ng utak ko lalo na nang sabihin pa niyang 'juicy'.

Pansin ko ang pagtikim ni Aurora sa lahat ng putahe at mariing pumipikit matapos matikman.

"She's always like that, she's a culinary student," bulong ni Thor sabay lagay ng nahimay na hipon sa plato ko.

Nang matapos kumain ay nagtungo kami sa kanya-kanya naming cabin.

"Tayo lang dito?" tanong ko nang makapasok kami.

Tumango siya at nag-alis
ng sapatos.

Ang ganda ng kwarto! May sariling banyo, may aircon pa at ang lahat ng furniture ay gawa sa kahoy.

Ang kama-, halatang malambot!

Napatingin ako sa pinto nang may kumatok .

Pagbukas ko ng pinto ay ang nakangiting si Aurora ang bumungad.

"Ate! Tara sa room namin ni Mama!" sabi niya sabay hawak sa braso ko.

"Ha? Teka, si Thor---" Bigla na lang niya akong hinila.

"Kuya! Hiramin ko si Ate, ha?!" sigaw niya.

Nasa banyo si Thor. Narinig kaya niya?

Nagpahila na lang ako sa kanya at 'di na umimik.

Pagpasok sa kwarto nila ay napaatras ako dahil naglalambingan pala ang mag-asawa.

"Pa! Labas ka po muna. Girl's talk 'to!" Ako pag ang nahiya sa sinabi ni Aurora.

Mukhang sanay na siyang makita na naglalambingan ang magulang niya.

Nakasimangot na lumabas ang papa nila kaya natawa si Mama Diana.

"I'm gonna braid your hair!" masayang sabi ni Aurora.

May hawak na siyang suklay at mga panali.

"Exclude me from that braid thing, Princess. Ang huling beses na tinirintas mo ako, hindi na natanggal pa at gupit na lang ang naging solusyon." Napaatras ako sa sinabi ni Mama Diana.

Pano kung magaya ako sa kanya? Ang ikli na nga ng buhok ko tapos mababawasan pa!

"Let's start, Ate Ray Ann!" ngiting-ngiti na aya sa'kin ni Aurora.

"E, kasi----" Nag-aalangan ako pumayag.

"Please po?" Napatingin ako sa mata niyang nagmamakaawa. Alanganin akong tumango.

Sana hindi madisgrasya...

Pinaharap niya ako sa salamin at nagsimulang suklayin ang buhok ko.

Kiss Me, OfficerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon