Chapter 40

1.9K 43 0
                                    

Chapter 40

Dumiretso ako sa condo ni Thor at hindi ko na siya tinawagan dahil ayoko siyang maistorbo pa, alam ko naman ang passcode niya kaya makakapasok ako.

Mamaya ko na siya tatawagan  dahil nasa kaloob-looban pa ng bag ko ang cellphone ko. Pagbukas ko ng pinto ay nagtaka ako nang bukas ang ilaw.

May tao kaya?

Dahan-dahan kong binaba ang bag sa sofa at nagtungo sa k'warto—walang tao. Nakarinig ako ng paglagasgas ng tubig sa banyo, kaya lumapit ako at akmang bubuksan ito nang may mauna nang magbukas.

Nanlalaki ang mata kong tumingin sa kaniya. "Sino ka? Walang hiya kayo! Nasa'n si thor?!" Sumidhi ang galit sa kalooban ko. Tinulak ko siya at pumasok sa banyo pero wala si Thor. Alam kaya niyang nandito ang babae niya?

Galit na galit kong hinarap ang babaeng nakaputing tapis sa harap ko. Oo, may babae akong naabutan sa condo ni Thor. Grabe, hindi ako makapaniwala!

Wala akong paki kahit mas matangkad siya sa akin! Ang gusto ko lang ngayon ay sabunutan ang babaeng ito!

"Mali ka ng iniisip—" Natigilan siya nang galit ko itong dinuro.

"Mali?! Kitang-kita ko ang ebidensiya! Anong ginagawa ng isang babaeng tulad mo, sa condo ng boyfriend ko?!" Marahas siyang kumamot sa ulo at nilapitan ako ngunit nilayuan ko siya.

"Hindi ako babae ni Sir Thor! Hindi mo ba ako nakikilala?" Tinitigan ko siya ngunit hindi siya pamilyar sa akin.

"Wala akong pakialam kung sino ka—" Tinakpan niya ang bibig ko gamit ang palad nito.

"Shh! Baka mamaya pumasok na 'yung angry bird mahuli ako." Mabilis akong umikot at akmang babalikuin ang braso niya nang mahuli niya ang galaw ko.

"Hindi nga niya ako babae! Ako 'to, si George!" Natigilan ako kaya unti-unti niya akong binitawan.

"Ha? 'Di ba...l-lalaki si George?" naguguluhang banggit ko.

"Babae ako, pero 'wag kang maingay, mawawalan ako ng trabaho kung malalaman nilang babae ako. Magbibihis na 'ko baka dumating na si Loki." Mabilis siyang umalis sa harap ko at  pumasok ulit sa banyo ngunit sumama rin ako.

Gulat siyang tumingin sa akin ngunit tuloy-tuloy lang sa pagbibihis."Bakit nandito ka?" tanong ko.

"May kasamang babae si Loki sa unit niya, ang sabi ko sa kaniya ay gusto ko nang maligo kung kaya't dito niya ako pinapunta, at hindi ako ang nagbukas nito, si Angry— este si Loki." pagpapaliwanag niya.

Hirap na hirap siya sa paglalagay ng telang pangbenda sa dibdib nito, hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko at nilapitan ko siya saka tinulungan sa paglalagay nito.

Huminga siya nang malalim nang matapos itong malagay, sinunod niya ang malaking itim na shirt at maluwang na pantalon, nagsuot din siya ng denim jacket. May dinikit din siyang balbas at manipis ng bigote. Lumabas siya kaya sumunod ako.

Tulala ko siyang pinapanood, naaalala ko na siya! Siya 'yung magandang lalaki na laging kasama ni Loki! T*ng*na! Ba't hindi ko napansin?!

"L-lalaki ka na ngayon," hindi makapaniwalang sabi ko.

"Nakikiusap ako, 'wag mong sasabihin kahit na kanino." Bagsusumamo siyang tumingin sa akin. Unti-unti akong tumango na kinangiti niya. Ang gwapo niya at the same time, maganda.

"Salamat!" Yumakap siya sa akin kaya tinapik ko ang balikat niya.

"Hindi niyo gugustuhing ang kakambal ko pa ang makakita sa inyo." Sabay kaming napalingon kay Loki na kakapasok lang.

Lagot! Lalaki pala ngayon si George!

Agad kaming naglayo at tumikhim. Masama ang tingin ni Loki sa amin...iba ang iniisip nito, sigurado.

"George! Ihatid mo na ako." malamig nitong sabi."Hindi kita isusumbong 'wag kang mag-alala," pahabol nitong sabi bago lumabas.

Napailing ako sa sinabi niya. Grabe kaya pala unang tingin ko palang sa kaniya ay nagandahan na ako, hindi kaya napapansin ni Loki na babae si George? Haist! Bahala sila riyan!

Mabilis kong tinawagan si Thor upang ipaalam na narito ako, at hindi nga ako nagkamali na pupunta  at  pupunta siya rito.

Naligo muna ako tapos ay nag-ayos ng gamit, hawak-hawak ko ang kahon na nakuha ko sa likuran namin.

Bubuksan ko na 'to ngayon, kahit na masira na, papalitan ko na lang ng bago.

Nagtungo ako sa kusina at naghanap nang pinakamalaking kutsilyo. Binuksan ko lahat ng kabinet at laking tuwa ko nang may toolbox akong makita. Ang martilyo ang kinuha ko para pupukpukin ko na lang ang lock.

Kinuha ko ang wooden box at pinatong sa sangkalan, paulit-ulit kong pinukpok ang lock nito.

"Ayy, tanga!" Aksidente kong napukpok ang mismong kahon.

Nasira na rin ang ibabaw kaya tuluyan ko nang sinira. Papel na may drawing, pictures at laruan ang laman.

"Ito lang naman pala ang laman! Akala ko, ginto na," sabi ko at nilinis ang kalat.

Dala-dala ko ang laman ng kahon at umupo sa kama. Taka kong tinignan ang laruan, isang little bus at laruang Thor ng avengers.

"Tinago pa talaga." Para na akong baliw na nagsasalita mag-isa.

Narinig ko ang pagbukas ng pinto at ang seryosong si Thor ang bumungad. "What happened?" agad niyang tanong.

"May bangayan lang kami sa bahay," kiming sagot ko. Gustong-gusto kong umiyak pero nakakapagod na ang kakaiyak ko dahil sa kanila.

"Ano 'yan?" Napatingin ako sa hawak ko.

"Nahukay ko lang," sagot ko.

Binitawan ko ang laruan at dinampot ang pictures, tulala akong napatitig dito."B-bakit...sino sila?" naguguluhang sambit ko.

Sari-saring emosyon ang naramdaman ko, hindi ko mawari: masaya na malungkot, pangungulila at sakit.

A/N

Hahahahappy Reading!

Kiss Me, OfficerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon