Chapter 10

2.9K 75 2
                                    

Chapter 10

Nakasunod lang ako sa kanya habang binabagtas namin ang daan papunta sa kwarto niya, panay ang lingon ko sa bawat madadaanan namin---ang ganda talaga!

"This is Loki's room." Turo ni Thor sa isang pinto. "The right one is Aurora's room." Turo nito sa pinto sa may kanan namin. "That's our parents room." Tukoy niya sa may dulong pasilyo. "And here's mine." Binuksan niya ang pinto saka pumasok kaya sumunod ako.

Amoy palang alam mo ng lalaki ang may-ari. Ang bango shet! Kaamoy talaga niya 'yung----nevermind!

Combination of gray, black and dirty white, wow! Kwarto lang pero parang bahay na! May sariling comfort room, walk-in closet, mini sala, study table at may mini refrigerator pa!

At ang kama...hanep sa laki! Ang sarap magpagulong-gulong dahil mukhang malambot.

Ang bawat sulok ay binaybay ng mata ko

"Here's your clothes. I guess it suits you." Napatingin ako sa damit na binibigay niya.

"Sa'n mo kinuha?" tanong ko.

"That's from Aurora." Napatango ako at kinuha ang damit.

Isang loose shirt, shorts at underwear, parang nakakahiyang manghiram ng underwear.

"Don't worry sa 'yo talaga 'yan," seryosong sabi niya. Huh? Ano daw?

"Go take a bath," utos niya.

"Halla, mabaho na 'ko?" Inamoy-amoy ko pa ang kili-kili ko dahil baka mabaho na talaga ako.

"Kind of," simpleng sabi niya.

"Ayy----" Medyo napalayo pa ako.

"Just kidding," nakangisi niyang sabi.

"Jowk na 'yun? Hindi nakakatawa." Tinaasan ko siya ng kilay. Rinig ko ang mahinang pagtawa niya. Ang hot shete!

Bigla akong napatalikod at nag-martsa papuntang banyo. Ayokong makita niya ang abot langit na ngiti ko.

Ang babaw ko masyado, grabe! Mahinang tawa lang 'yun, ahh pero kilig agad ako!

Ni-lock ko agad ang pinto at agad humarap sa salamin. Ang saya mo ngayon, Ray Ann, pagdating ng bukas balik na naman ako sa dati. Uuwi ako sa talagang pamilya ko.

"Ahh!" napatili ako pagbukas ko ng shower. Pa'no ba naman sobrang lamig ng tubig!

"Hey! What happened?!" Kumatok si Thor.

Ba't hindi muna siya lumabas?! Babantayan niya talaga ako?!

"Wala! Ang lamig ng tubig!" sigaw ko.

"Turn on the heater. Let me in...I'll do it for you." Ramdam ko ang pang-aasar sa tinig niya.

"Huwag na!" sigaw ko dahil ayokong pumasok pa siya. Hubad kaya ako!

Ilang segundo pa bago ko nahanap ang switch. Ang maligamgam na tubig ay nagpakalma sa sistema ko. Ang pagod ko sa trabaho kanina ay  napapawi.

Naki-gamit ako ng shampoo at body wash niya. May conditioner din siya.  Naging kaamoy ko na siya ngayon.

Isusuot ko na sana ang panty nang matigilan ako. Pareho sila ng design ng panty ko.

Sayang nga lang dahil hindi ko na makita. Versace pa naman 'yun, nag-sale kase kaya ayun, kumuha kami ni PO1 Gadiano. Hay, 'di ko man lang nasulit, okay, move on na.

Lumabas ako ng naka-pulupot pa ang twalya sa ulo ko.

Kita kong nakadapa siya sa kama at naka pantulog na, naka-sando at boxer short.

Napatingin ako sa malapad niyang likod pababa sa matambok niyang pwet, grabe mas matambok pa ang kaniya sa akin!

Ang puti nilang magkakapatid. Nagawi ang tingin ko sa binti niyang mababalbon...ang haba ng biyas niya.

Napailing ako at bahagyang tinapik ang pisnge. Ang mata mo, Ray Ann!

Umupo ako sa tabi niya at niyugyog ito. "Oy, sa'n ako matutulog?" tanong ko.

"Why are you asking? Of course you will sleep here!" naka kunot ang kilay na sabi niya.

" Tabi tayo?! Hindi tayo pwedeng magtabi," paliwanag ko sa kaniya.

Mas lalong nangunot ang kilay niya at huminga nang malalim.

"Ang lawak ng kama! We can sleep here together." Napakamot ako sa ulo.

Hindi naman sa naliliitan ako sa kama kundi dahil ayoko naman na magtabi kami agad kase, haist basta!

"May guest room ba kayo? Do'n na lang ako," sabi ko.

Biglang nag-igting ang panga niya at halos mag-dikit na ang kilay sa sobrang kunot.

"There's no other room. If you don't want to sleep with me,fine! Sa sofa na lang ako." Bigla siyang umupo.

Napatingin ako sa sofa, bagamat malaki ay alam kong hindi siya magiging komportable do'n.

Hay, wala ng choice kundi magtabi kami. Kung sa sofa siya kawawa naman siya, maluwang naman ang kama siguro ay hindi naman kami gaanong magdidikit.

"Huwag na nga! Sige, tabi na tayo...ito ang boundary, ha? 'Wag kang lalampas diyan!" banta ko sa kaniya.

Naglagay ako ng unan sa pagitan namin at umusog ako sa gilid, narinig ko pa ang tunog nang pangisi niya.

"No problem," nakangising sabi niya.

Humiga ako at tumingin sa ceiling. Nagulat ako nang mamatay ang ilaw at magkaroon ng tanawin sa taas.

Mga bituin, ang ganda!

Tinaas ko ang kamay at kunwaring inabot ito, nakangiti ako habang pinagmamasdan sila.

Nanigas ako nang bigla akong hilain ni Thor at yumakap nang mahigpit. Bukas na bukas ang mga mata ko dahil sa gulat.

Hindi pa ako nasasanay sa bigla-bigla niyang pagyakap sa akin.

Ang mga dragon ko sa tiyan ay biglang nagwala, namilipit ang daliri ko sa paa nang maramdaman ang hininga niya sa leeg ko.

"H-hoy, lumampas ka sa boundary!" bulong ko.

"What? There will be no boundaries between you and me," ganting bulong niya sa akin.

"Parang ang bilis ng pangyayari, tayo na agad." Mahinang napatawa ako.

Dahil ang bilis-bilis talaga! Parang naging bigla-bigla yata ang desisyon ko.

"Are you regretting being with me?!" paos na sabi niya.

"No, syempre hinde! Ano lang kase----THOR!" Bigla akong kinilabutan nang halikan niya ang leeg ko.

"Hmm..." sagot nito.

Ang kamay niya ay naglulumikot  sa tyan ko at bahagyang pumipisil hanggang sa ipasok niya ang kamay sa loob ng damit ko.

"T-teka!" Pigil ko sa kamay niya.

"Matulog na tayo?" naiilang na sabi ko.

Hindi ayoko pa! Alam ko ang gusto niyo kaya dapat agapan ko na at 'di na lumalim pa.

Nakatitig ako sa kaniya. Nag-aantay ako sa sagot niya. Inalis niya ang kamay sa tyan ko at yumakap na lang.

"Okay, goodnight." Napangiti ako nang halikan niya ako sa noo.

"Goodnight..."

A/N
Hahahahappy Reading!

Kiss Me, OfficerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon