Chapter 36
Dahil hindi pa ako tapos sa panunuyo sa kaniya ay inaya ko siya makipag-date. Oo ako na ang nag-aya nakakahiya naman sa kaniya sa effort niyang paghahanap sa google ng ideal date.
Dinala ko siya sa mall, hindi ako nagtanong kung saan niya gusto dahil ako ang masusunod ngayon, kotse niya ang gamit namin dahil hiniram ni Loki at Aurora ang big bike ko.
Hila-hila ko siya papunta sa arcade. Suki ako nito no'ng college. Nagtungo kami sa counter upang magpapalit ng tokens. Akmang dudukot siya nang unahan ko na ito. Ako ang gagastos ngayon.
Excited ko siyang hinila papunta sa may basketball."Kapag natalo ka, libre mo 'ko," nakangising hamon ko sa kaniya.
"And if I win, you'll kiss me," seryosong sabi niya at dinribol ang bola.
"Okay, call!" Kumuha rin ako ng bola at pinaglaruan.
Nagsimula kaming mag-shoot at sa bawat hagis niya ay walang mintis, samantalang ako ay paminsan-minsan lang maka-score.
"Sh"t!" mura ko nang matalo niya ako.
"Now, Kiss me, Officer." Ngumisi siya at yumuko palapit sa akin.
Tumingin-tingin ako sa paligid at nang makitang kaunti lang ang nakatingin ay mabilis ko siyang hinalikan sa kaliwang pisnge.
"Tsk," asik niya.
Lumipat kami sa shooting area kung saan kailangang patayin ang lahat ng zombies na lalapit, tignan ko lang kung matalo niya pa ako rito!
Seryoso siyang nakatutok sa mga zombies na papalapit, sa pagtitig ko sa kaniya ay hindi ko namalayang may nakalusot na zombie at nabawasan ang buhay ko.
Focus, Ray Ann, piping usal ko.
Napatalon ako ng matalo ko siya
"Loser!" Nilagay ko pa ang kamay sa noo na naka L sign.
Napatingin ako sa claw machine, agad akong lumapit do'n, nakangiting naghulog ako ng token ngunit nauwi sa simangot nang hindi ako makakuha, naka-ilang ulit ako ngunit ni isang stuffed toy ay wala.
"I'll get it for you. How
many stuffed toys you want?" Salubong ang kilay na tumingin ako sa kaniya."Sige nga! Gusto ko, lima!" Humalukipkip ako at tinaasan siya ng kilay.
Napanganga ako nang mabilis siyang makakuha. Ba't ang galing?!
"Here, you're welcome," sarkastiko niyang sabi.
Yakap-yakap ko ang mga hindi kalakihan ngunit cute na stuffed toys. Nagawi naman ang tingin ko sa mga maliit na sasakyan na pwede sa bata at matatanda, mabilis ko siyang hinila do'n.
Tig-isa kami ng maliit na kotse, mabilis ko itong pinadaandar at binangga siya.
"Gan'yan pala ang gusto
mo, ha!" Napatili ako nang banggain niya rin ako.Tawa ako nang tawa habang humahabol siya sa likod, biglang tumunog ang sikmura ko, tumingin ako sa pambisig na relo at alas-syete na pala. Malapit nang mag-sara ang mall.
"Doon tayo!" Tumingin siya sa akin at tumango. Tinuro ko kainan kung saan karamihang ng kumakain ay bata.
Pagpasok sa loob ay hindi gaanong marami ang tao, agad akong humanap ng mauupuan.
"Order lang ako—" Natigil ako nang tumayo siya.
"Ako na." Umiling ako at pilit siyang pinaupo.
"Ako na, gusto ko, ako ang mamili." Napilitan siyang umupo muli.
Pinili ko ang kiddie meal, alam kong hindi na angkop sa edad namin ngunit ano naman, 'eto ang gusto ko, e.
Pagkalapag ng order namin ay agad akong kumuha ng fried chicken, sinunod ko ang fries at sundae, sunod ay ang spaghetti sabay inom ng float.
"Are you in a race?" Natigil ako sa pagnguya at pinanlisikan siya ng mata.
"Mind your own—" Maiwan sa ere ang sasabihin ko nang pasakan niya ang bibig ko nang maraming fries.
"There—just keep eating." Mahina itong tumawa at kumain.
May thirty minutes pa bago magsara ang mall, madami siyang gustong bilihin ngunit wala ng oras.
Nandito kami sa cosmetic boutique, gusto ko lang bumili ng lipstick, dahil 'yung unang binili ko ay naputol.
"Try ko nga sa 'yo." Agad kong nilapit ang nude lipstick sa kan'ya na nakuha ko sa mga sample.
"No f*cking way!" Hinawakan niya ang palapulsuhan ko.
"Isa lang, buburahin mo rin naman. Hindi ko kasi ma-feel kung maganda ba kung hindi ko sa iba nakikita, please?" Para akong tanga na nakatingkayad at hawak niya ako sa palapulsuhan upang hindi ko madampi ang lipstick.
"Still no," bagot nitong sagot.
"Sige na! Pang-two times palang akong bibili tapos 'di mo pa ako support?" Nagmamakaawang tumingin ako sa kaniya.
"You don't need a lipstick" Tinaasan pa niya ako ng kilay.
"Kahit na! 'Pag umoo ka, may wish kang isa." Tinaas-baba ko pa ang kilay ko at nginitian siya.
"Let me think about it. Hmm...gagawin mo talaga?" Tumango ako nang paulit-ulit sa kaniya.
"Okay then," sabi niya kaya napatalon ako sa tuwa.
Kagat-kagat ko ang labi habang nakatingin sa kaniya. Akalain mong mapagli-lipstick ko siya!
"Wait itong mascara pa, tingin ko maganda." Ngumisi ako nang hindi siya umangal. "Medyo tingin ka sa taas." Agad siyang sumunod sa akin.
Grabe ang haba ng eyelashes niya.
Nakita ko rin ang pink blush on na agad kong pinahid sa pisnge niya. T*ngina, masunuring bata!
"Ayan! Perfect! Ang ganda ng boyfriend ko!" Gustong-gusto ko namg tumawa ngunit pigil ko ito,baka kasi mainis siya.
"Give me a wipes." Mabilis akong umiling sa sinabi niya.
"Picture muna tayo." Agad kong nilabas ang cellphone ko.
Ilang beses siyang tumanggi ngunit dahil mapilit ako ay wala siyang nagawa, ang lahat ng kuha namin ay ako lang ang nakangiti.
Nang mapatingin ako sa paligid ay bahagya akong nahiya. Ang lahat ay nakatingin sa amin! Ang iba ay mahinang napapatili at ang iba ay pigil ang ngiti.
Mabilis kong binura ang lahat ng pinahid ko kay Thor, at agad nagpunta sa counter upang bayaran ang lipstick at naisama ko pa ang mascara.
"I'll pay it." Mabilis akong naunahan ni Thor sa pagbabayad.
Pagkarating sa sasakyan ay saka ko lang naramdaman ang pagod, apat na oras pala kami sa mall. Ang saya ko,grabe! At syempre hindi mawawala ang kilig.
"You will sleep in my condo tonight, but I'm not sure if you can sleep...I want sexy time, and that is my wish." Gulat akong napatingin sa kaniya.
"Hoy—" Natigil ako nang ilagay niya ang daliri sa labi ko.
"Sinunod kita, kaya ikaw naman ang susunod ngayon." Ngumisi siya nang hindi ako umimik.
Pansin ko ang mabilis niyang pagmamaneho at panaka-nakang pagkagat sa labi tapos ay ngingiti.
Excited sa sexy time?A/N
Ihhhh ako din excited🥴
Hahahahappy Reading!
BINABASA MO ANG
Kiss Me, Officer
RomanceSynopsis A lovely and sexy Police Officer, Ray Ann Geronimo caught the heart of a man who is cold as ice, hard as rock and a man of a few words. Thor Müller is a cold-hearted man, he has the presence that can make you uncomfortable, the authority...