Chapter 35
Pagkahatid niya sa akin ay hindi siya humingi ng halik at hindi man lang ako pinagbuksan ng pinto gaya ng dati. Pagkababa ko ay mabilis din niyang pinaandar ang sasakyan, at hindi na ako inimik pa...ang babaw talaga niya!
Pagkarating sa kwarto ay humilata ako agad. Mamaya na ako magsa-shower dahil talagang may tama na ako.
Pigil ko ang pagpikit dahil hinihintay ko ang tawag niya ngunit wala akong nahintay kaya ako na ang tumawag.
Nagri-ring ngunit pinatay niya, sa pangalawang tawag ko ay cannot be reached na. Pa'no ko ba susuyuin 'to?
Para na akong baliw dahil kinakausap ko ang cellphone ko.
Hindi ko na kinaya ang antok kaya natulog na ako.Kinaumagahan ay napagpasyahan kong puntahan siya sa kanila dahil wala naman akong pasok ngayon, suot ang black jeans, white sando at black jacket, gamit ko ang regalo niyang big bike.
Nag-doorbell ako at ang nakangiting si Aurora ang nagbukas, buhat ang malaking puting daga niya.
"Ate! I'm glad bumisita ka. Come in!" masayang sabi niya.
Inabot ko sa kaniya ang isang galon ng icecream dahil alam kong mahilig siya sa icecream. Wala na akong maisip na ibang dadalhin kaya icecream lang at chocolate cake ang dala ko.
"Thankie!" Nginitian ko siya nang kumapit ito sa braso ko.
Nadikit sa akin ang buhat niyang daga at inamoy amoy ako. Ilang ko itong hinaplos dahilan nang pag-iingay niya.
Inakay niya ako papunta sa sala. Doon ko nakita si Loki na chill na chill sa pagkain ng cookies
"Kuya! Balik mo sa SpongeBob!" Mabilis na nilayo ni Loki ang remote ng tangkain itong kunin ni Aurora.
"Wait na minute. D*mn! I knew it! Lakers for the win!" Natawa ako kay Loki dahil napatayo pa siya at napasuntok sa hangin.
Agad nilipat ni Aurora ang channel sa Nickelodeon at nanood ng SpongeBob habang kumakain ng icecream na dala ko.
"O, Iha you're here! You can go to Thor's room, kanina pa siya hindi lumalabas, dahil siguro wala siyang cookies o baka may tampuhan kayo," malambing na sabi ni Mama Diana.
"Wala naman po kaming tampuham. Sige po puntahan ko na siya." Napaisip ako sa sinabi ko. Wala nga ba?
Kumatok ako ngunit walang nagbukas. "Thor?" sabi ko ngunit walang sumagot.
Pagpihit ko ng seradura ay bukas ito, pagpasok ko ay bumungad sa akin ang dilim. Hindi man lang magbukas ng bintana at ilaw. Kinapa-kapa ko ang pader at hinanap ang switch, at nang naramdaman ko ito at akmang pipindutin ay may humila sa bewang ko kaya napatili ako.
"Ahh—" Tinakpan ng malapad niyang kamay ang bibig ko.
Nakasandal ako sa pader habang nasa harapan ko siya."What are you doing here?" paos na tanong niya.
"B-binibisita ka, saka magsindi ka nga ng ilaw. Ang dilim!" masungit na sabi ko.
Narinig ko ang pag-click ng kung ano sabay ng pagliwanag ng paligid. Napatingin ako sa kaniya. Magulo ang buhok nito halatang kababangon lang.
"Bitaw na," mahinang sabi ko dahil nakatitig lang siya sa akin. Tinalikuran niya ako at pabagsak ng humiga sa kama. "Hoy! Tanghali na bumaba na tayo." Lumapit ako sa kaniya at hinila ito sa kamay.
Pilit ko siyang binabangon ngunit mabigat siya. Nanlaki ang mga mata ko nang ako ang hilain niya at mapaibabaw ako sa kaniya.
Naduduling ako sa sobrang lapit. Itinukod ko ang kamay sa dibdib niya, mahigpit ang hawak nito sa bewang ko .
"Hindi mo sinagot ang tawag ko," nang maalala ko ang nangyari kagabi ay nagsimula akong magtanong.Hindi siya sumagot at tinitigan lang ako. "Tapos ang cold mo rin kahapon. Dahil ba kay Richard?" salubong ang kilay na tanong ko.
Lumuwag ang kapit niya sa bewang ko at umupo, dahil nasa ibabaw niya ako ay napaupo rin ako sa kandungan niya, sumandal siya sa headboard ng kama at pumikit.
Akmang aalis ako nang muling humigpit ang kapit niya sa bewang ko.
"Stay still," malamig niyang sabi at tumitig sa akin.
"Who's Richard?" seryosong tanong niya.
"Nanligaw sa akin no'ng college," simpleng sagot ko.
"Don't talk to him anymore," seryosong saad niya.
"Huwag mong sabihing nagseselos ka?" nakangising pagtatanong ko sa kaniya.
"Yes," mabilis nitong sagot. Natigilan ako at nawala ang pagkakangisi ko.
Siya naman ang ngumisi ngayon, nabigla ako namg halikan niya ako nang mariin. Sumagot ako sa halik nito at napakapit sa balikat niya.
Ramdam ko ang pagkabuhay ng pagkalalaki nitong nauupuan ko, pumasok ang kamay nito sa loob ng sando ko, napadaing ako nang himasin nito ang dibdib ko.
Akmang itataas niya ang dulo ng damit ko nang pigilan ko siya. "Baba na tayo." Bumuntong hininga siya at tumayo habang buhat ako, dahan-dahan niya akong binaba.
Natawa ako nang makita ang umbok sa harapan niya, napasimangot ako nang dakmain niya ang mukha ko, sa lapad ng palad niya ay halos masakop na nito ang buong mukha ko.
Marahas ko itong inalis. "May magic ako," nakangising sabi ko.
Humalukipkip siya at tinaasan ako ng kilay. "Show me," maangas na sabi niya.
Pinakita ko ang kanang kamao ko sa kaniya at tinakpan ng kanang kamay, pagkaalis ko ng kanang kamay na tinakip ko ay naka f*ck you sign na ang daliri ko hanggang sa dinalawa ko na.
Tumawa ako nang malakas na g magsalubong ang kilay niya, natigil ako sa pagtawa nang umayos siya ng tayo at inalis ang pagkakahalukipkip ng braso niya.
Humakbang siya palapit sa akin kaya tumakbo ako palabas habang tumatawa. "Asar talo!" sigaw ko sa kaniya.
Pagkababa ay tumabi ako kay Aurora.
Naghanda ng tanghalian si Mama Diana kaya tinulungan namin siya ni Aurora, kahit mayaman sila ay sanay sa gawaing bahay, hindi tulad ni Mommy at Nala na kulang na lang iutos pati pagsandok ng pagkain nila.
Habang kumakain kami ay nagsalita ang Papa nila. "You're ninong Leonardo wants to meet Ray Ann. Lahat sila gusto kang makilala." Kinabahan ako sa sanabi niya.
Ninong niya? Pa'no kung hindi sila 'sing bait nila Mama Diana?
"We'll visit them soon Papa," sagot ni Thor.
"Loki is been doing good this past few weeks. Magaling na bantay si George," masayang sabi ni Mama Diana.
May bantay pa siya, e kalaki-laki na niya. Sobrang loko-loko na siguro niya.
"That's why I have cookies. 'Di gaya ng isa riyan..." mayabang na turan ni Loki.
"May ibabalita ako mga anak." Sa sinabi ni Mama Diana ay lahat ng atensyon ay napunta sa kaniya. "I'm pregnant!" nakangiting sabi niya.
"What?"
"Really?"
"Oh my gosh!"
Iba-iba sila ng sinabi ngunit pare-pareho ng reaksyon: masaya. Ako rin ay masaya para sa kanila.
"Oo, five weeks na." Humawak sa kamay niya ang papa nila.
"You're the man Papa!" sabi ni Thor
"I'm gonna be a big sister na!" masayang wika ni Aurora.
"Sharp shooter pa rin!" Natawa ako nang batukan ni Thor si Loki.
Forty four na si Mama Diana kaya menopausal baby na niya ito, buti naman at magkaka-baby ulit sila para may kasama pa rin sila rito sa bahay kung magkakapamilya na ang mga anak nila.
A/N
Ihhh nakaisa pa si Lucian...naman!
Kindly leave your reaction
Hahahahappy Reading

BINABASA MO ANG
Kiss Me, Officer
RomansaSynopsis A lovely and sexy Police Officer, Ray Ann Geronimo caught the heart of a man who is cold as ice, hard as rock and a man of a few words. Thor Müller is a cold-hearted man, he has the presence that can make you uncomfortable, the authority...