Chapter 7
Kahit wala akong kasabay na nag-aalmusal ay nakangiti ako. Napapatapik pa ang paa ko kahit wala namang tugtog. Wala, e... masaya ako at hindi ko alam kung bakit
Pagpasok ko sa trabaho ay una akong bumati na siyang kinataka nila ngunit pinagkibit-balikat nalang nila
Panay ang tingin ko sa pinto---- teka muna!--- hindi ko siya inaabangan!.Chill, Ray Ann. Talagang napatingin lang ako sa pinto at walang dahilan 'yun. Magla-lunch break na nang may magsipasukang mga delivery boy--- apat na delivery boy.
"Para po kay PO2 Geronimo," sabi ng isa.
Sabay-sabay nilang nilapag ang kanilang mga dala na siyang kinagulat ko, biglang napasipol ang mga kasamahan ko
"Ba't ang dami naman yata, Kuya?" tanong ko
"Ayy, hehehe. Iyan po ang order ng customer." Napakamot pa ito sa batok.
"Kanino galing?" Dahil baka kay Hugo or sa mabangong manyak.
"Kay Mr. Thor Müller, Ma'am!" Umalis na ang mga ito pero tulala pa rin ako.
Teka ano 'to? At para sa'n?
"Ayan tayo, e!- Iba talaga ang ganda ni Ray John!" Pabiro kong sinuntok si SPO4 Melchor.
"May pa-letchon! Kasali naman kami, diba?" Napangisi ako namg makitang lahat sila ay nakaabang.
"Dipende kung hindi ko mauubos---" Hindi ko na natapos ang sasabihin nang bigla nilang buksan ang mga bilao na nakalagay sa foil.
Letchon, palabok, shanghai at puto ---ano 'to? Pa-birthday ganun?
Napailing ako pero kumain din.l. Dumating ang visiting hour at kita kong pumasok si Thor.Napahigpit ang hawak ko sa lapis dahil sobrang angas ng porma niya! Naka tattered jeans ito at black printed shirt, at hindi papahuli sa porma ang rubber shoes niya.
Kita ko ang titig ng mga kasamahan ko--- pati si PINSP Baldidara ay nakisama na rin sa tukso nila sa akin.
Nakakahiya! Baka akala niya naga-assume ako na manliligaw siya sa akin, e nagbigay lang naman siya ng pagkain. Pero bakit kasi may pabigay-bigay pa?!
"Good Afternoon," bati niya sa akin. Teka ba't dito siya dumiretso? Dapat ay sa kapatid niya.
"A, para sa'n yung p-pagkain?" Pilit kong iniiwasan ang pag-utal.
"For---ahm may I---" Natigil ito nang may marinig kaming sigaw.
"Thor! Alam kong nandiyan ka! I can feel you f*cking presence! dumagundong ang sigaw ni Loki sa buong sulok ng presinto.
Ang kulungan dito ay hindi kalakihan at kaunti lang ang preso dahil ang nilalagay lang dito ay ang may mabababang kaso.
Huminga siya nang malalim.
tummayo ako para ihatid siya sa visiting area.Seryoso siyang nag-aantay sa kapatid na nilalabas sa selda nito. Si Thor ay may dalang backpack.
"Gusto ko nang umuwi!" agad na sabi ni Loki at pabalang na umupo.
Kamukhang-kamukha niya si Thor. Ang pagkakaiba lang ay ang istilo ng kanilang buhok dahil ang kay Loki ay may kalaguan ang kay Thor naman ay nakaayos sa pakanan ang itaas ng buhok.
Ang itsura ni Thor ay laging seryoso, hindi ko pa ito nakitang ngumiti dahil puro ngisi ang nilalabas niya, samantalang si Loki ay madalas ko makitang ngumiti at ang itsurang laging may balak na kalokohan.
"Just for a week Loki." Humalukipkip si Thor.
Gusto ko na sana silang iwan pero hindi ako makaalis dahil nakakatuwa silang panoorin. Ang chismosa ko na yata..l
BINABASA MO ANG
Kiss Me, Officer
RomanceSynopsis A lovely and sexy Police Officer, Ray Ann Geronimo caught the heart of a man who is cold as ice, hard as rock and a man of a few words. Thor Müller is a cold-hearted man, he has the presence that can make you uncomfortable, the authority...