Chapter 55
I'm pacing back and forth, hindi ako makapag-isip nang maayos! Pupunta ba ako? Kung pupunta ako ay makikita ko ang buong pamilya niya, ang awkward nun!
Napahinto ako sa paglalakad nang pumasok sa isip ko ang itsura ni Thor nang magkita kami, para bang namayat ito at nagkaron ng dark circle sa ilalim ng mga mata niya. Naging mas malamig ang tingin niya na parang hindi kami magkakilala, para bang ang lungkot-lungkot ng kaniyang mga mata. Pero baiinis ako sa kaniya, antipatiko!
"Huminto ka nga sa pag-ikot-ikot, Ray Ann! Nahihilo na ako sa 'yo!" naiinis na sabi ni Mommy.
"Pupunta ba ako, Mie?" naguguluhang tanong ko. Handa na ang regalo ko na si Macario pa ang bumili.
"Just go, anak. Hindi naging maganda ang pag-alis mo sa puder nila." Umupo ako tapos ay humiga sa kandungan niya.
"Nung nagkita at nag-usap kami sa office niya ay hindi na ako mapalagay tapos ay hindi ko siya matignan sa mata, parang 'di ko na kaya na magkita ulit kami." Bumuntong hininga siya sa sinabi ko.
"Anak, alam kong masakit ang nangyari sa inyo, pero lumilipas ang panahon at kailangan mo ring umahon sa nakaraan, tignan mo 'ko...masaya ako ngayon at wala ng hinanakit kay Dante at Suzzette, nakamit na natin ang hustisya kaya wala na akong mahihiling pa kundi ang maging masaya ka lang, anak." Hinalikan niya ang noo ko, napangiti ako sa kaniya.
Nakapag-usap na sila ni Dante, pinagsasampal sila ni Mommy ngunit hindi sila lumaban at paulit-ulit na humingi ng tawad. Hanga ako kay Mommy dahil nakapagpatawad siya kahit na napakasakit nang ginawa sa kaniya. Matagal man bago niya sila napatawad ngunit at least nakaya niyang patawarin sila at magpatuloy sa buhay.
"Mahal na mahal po kita, Mommy," mahinang sambit ko na ikinangiti niya.
"Mahal na mahal rin kita anak," tugon niya.
Umakyat ako at naligo, simpleng off shoulder dress lang ang sinuot ko. Nakakahon ang binigay ni Macario na ireregalo ko siya ang bumili dahil alam niyang wala akong maisip na iregalo dahil hindi ko naman alam ang gusto ng bata.
Ako lang mag-isa ang nagpunta, nag-doorbell ako at ang nagbukas ng pinto ay isang binata na sa pagkakatanda ko ay ang anak ng ninong ni Thor.
"Hi Babe!" Napailing ako nang kindatan niya ako gaya ng unang pagbungad niya noon ng magpunta ako sa kanila.
"Dos! Who's there? Ohh, Hi!" masiglang bati ng bagong dating na kambal niya.
"Come in, Ate!" Inalalayan ako nito sa balikat at pinapasok.
Pagpasok ay bumungad sa akin ang kids party, hindi gaanong marami ang bisita at puro bata ang nakikita ko, napatingin ako sa may pool nang marinig ko ang malakas na boses ni Loki, buhat niya ang batang lalaki na ang pangalan ay Chase na anak ng ninong niya.
Natawa ako nang muntik na siyang mahubuan nang kumapit ang isang bata sa shorts niya, nagawi naman ang tingin ko sa may pinto ng nakangiting lumabas si Aurora at agad nagtungo sa akin.
"Ate! Buti na lang nagpunta ka po!" yumakap ito at humalik sa akin.
"Kumusta?" simpleng sabi ko.
"Could've been better!" nakangiting sabi niya. Humawak ito sa braso ko na lagi niyang ginagawa noon.
Nakasalubong din namin ang iba at puro batian ang nangyari, ni isa sa kanila ay walang bumanggit sa nangyari sa amin ni Thor...and speaking of Thor, hindi ko pa siya nakikita.
Nagsimula ang kasiyahan, nakaupo lang ako sa tabi nila Tita Doreen at Tita Coreen, hindi ko gaanong masilayan ang bunsong kapatid nila Aurora dahil natatakpan ito ng mga bata. Nang matapos ang kainan at palaro ay handa na sana akong umuwi nang masayang lumapit si Mama—Tita Diana.
"Uuwi ka na? Siya nga pala ang bunso namin, si Luccianna. Lucy say hi to ate Ray Ann." Napatingin ako sa buhat niyang bata.
Dalawang taon na siya at napakagandang bata, sa suot nitong pink dress ay lumantad ang kanyang puti, mapula ang mga labi, ang mga abuhing matang nangingislap, malalantik na pilikmata, at ang pisnge nitong mamula-mula, at kay sarap panggigilan—napakalusog niya, matabang bata. Hindi ko na makita ang leeg nito sa taba niya.
Hindi ko mapigilang ang mapangiti nang ngitian niya ako nang matamis, lumabas ang apat nitong ngipin at ang biloy sa magkabilaang pisnge, inangat niya ang dalawang kamay at pilit akong inaabot
"Ohh! She likes you!" gulat na wika ni Tita Diana. Pinabuhat niya sa'kin ang bata at kahit na naiilang ay kinuha ko pa rin ito.
"Hi, Baby Lucy!" nakangiting sambit ko. Lumapad ang ngiti ko nang abutin niya ang pisnge ko at hinaplos, ang maliliit nitong daliri ay nakakakiliti.
Nanlaki ang mata ko nang halikan niya ako sa pisnge, walang humpay ang pagngiti ko sa kaniya...napakagandang bata.
Ang anak ko...ganito na rin sana siya, buhat ko sana siya ngayon.
"Ma....m-ma!" Humagikgik siya at pumalakpak.
Nakaramdam ako ng kasiyahan, tinawag niya akong mama? Nagtubig ang mga mata ko at kahit pigilan ko ay lumabas ang hikbi na tinakpan ko na lang nang mahinang pagtawa. Naiinggit ako sa kanila, she's so adorable.
Patago kong pinunasan ang luha ngunit nakita ito ni Mam— Tita Diana, malungkot itong ngumiti na para bang alam niya ang nararamdaman ko.
"I'm sorry," malungkot niyang sabi na inilingan ko.
"Wala po kayong kasalanan, matagal na po iyon." Pilit akong ngumiti sa harap niya.
"Pwede po ba akong makigamit ng restroom?" Tumango siya at iginiya ako papasok, sinabi kong iwan na niya ako nang makarating ako sa loob.
Pagkasara ko ng pinto ay sunod-sunod ang naging pagtulong luha ko, tinakpan ko ang labi ng mapahikbi ako, tumingin ako sa salamin at nakitang namumula ang mga mata ko, ayoko kong lumabas ng ganito ang itsura.
Naghilamos ako pagkatapos ay nag-pulbos, pagkatapos magsuklay ay tinapik-tapik ko ang pisnge na para bang ginigising ang sarili.
Gano'n ka na sana kalaki, anak ko, piping usal ko. Sobra akong naiinggit...gusto ko nang nagkaroon ng anak, twenty seven na ako at hindi na bumabata.
Tumayo ako nang maayos at nag-practice ng ngiti sa harap ng salamin. Huminga muna ako nang malalim bago buksan ang pinto.
Nagulat ako nang makita si Thor na nakasandal sa pader, lalampasan ko na sana siya nang hawakan niya ako sa braso, pilit ko itong inalis ngunit hinigpitan lang niya ang kapit.
"Ray Ann, let's talk—" Napailing ako sa sinabi niya.
"Ayokong makipag-usap, bitaw uuwi na ako," malamig kong turan.
"Please, just five minutes! Or even three!" nagmamakaawang sabi niya. marahas akong humarap sa kaniya at walang ekspresyon siyang tinignan.
"Wala na tayong dapat pang pag-usapan pa dahil ayoko nang alalahanin ang nakaraan!" Buong lakas kong hinila ang braso sa kaniya at sa wakas ay bumitaw ito.
Mabilis akong naglakad palabas at hindi na nakapagpaalam po, nagmamadali akong makapasok sa sasakyan dahil ayokong maabutan pa ako ni Thor.
A/N
Sungit ng ate mo😂
Luccianna--or Lucy ang anak nila Diana na bunso
Hahahahappy Reading!
BINABASA MO ANG
Kiss Me, Officer
RomanceSynopsis A lovely and sexy Police Officer, Ray Ann Geronimo caught the heart of a man who is cold as ice, hard as rock and a man of a few words. Thor Müller is a cold-hearted man, he has the presence that can make you uncomfortable, the authority...
