Chapter 11
Tawanan ng isang babae at batang babaeng sa tingin ko'y anim na taon pa lamang ang maririnig sa hardin. Masaya ang batang babae sa pagputok ng bawat bulang nanggagaling sa palobong inii-hipan ng babae.
Mula sa likod ng babae ay may yumakap na lalaki at agad itong hinalikan na kinatili ng bata--- kalaunan ay tumakbo sa kanila ang bata at nakisama sa yakap.
"Mom,Dad!" Panay ang tawa ng bata dahil hinahabol na siya ng dalawa.
Hindi ko makita. Hindi ko sila maaninag! Ang tanging malinaw lang sa akin ay ang batang babae na tiyak kong ako!
Biglang nadapa ang bata at sa paglingon niya ay nag-iba ang nakita ko. Kotse...kotseng mahuhulog na sa bangin.
Gusto ko silang tulungan pero hindi ako makakilos. Walang humpay sa pag-iyak ang bata.
Malalaglag na sila...hindi----ayoko! kawawa ang bata kung maiiwan siyang mag-isa!
"Hey wake up!" May naririnig akong boses.
"Ahh!" Bigla akong napabangon.
Habol ko ang hininga dahil naninikip ang dibdib ko.
"You're having a dream----a nightmare." Napalingon ako kay Thor.
"Ewan. Madalas ko silang mapanaginipan kahit hindi ko naman sila kilala." Pinaglaruan ko ang mga daliri at natulala
"Let's sleep-- it's just a dream," paos ang boses niyang sabi.
Tumango ako at humiga. Niyakap niya ako at hindi na 'ko umimik pa. Ilang minuto pa akong nakamulat ngunit hinila rin ng antok.
Paggising ko ay ang mukha ni Thor na naka-titig sa akin ang bumungad. Kung ganito ba naman ang bubungad sa 'yo sa umaga ay kay sarap gumising!
"Good morning," bati niya
"M-morning." Nakatakip pa ako sa bibig.
Dahil hindi pa 'ko nakakapag- toothbrush! Shet ang pogi ng morning look niya!
Magulo ang buhok at bahagyang nanliliit ang mata. Ako kaya? Shocks! Baka may panis na laway at muta ako---kakahiya!
Bigla niya akong hinalikan kaya napalo ko ang braso niya---- ang tigas!
"Hindi pa 'ko nakakapag-toothbrush!" pigil ang sigaw na sabi ko.
"Who cares?" nakangisi niyang sabi.
Bumangon ako at sinuklay ko ang buhok gamit ang mga daliri. Hanggang balikat lang ang buhok ko at kulay itim.
"I'll just wait for you or do you want to take a bath together?" mapang-asar na
sabi niya."Antayin mo na lang ako," sabi ko at tumayo .
Pagpasok sa cr ay nagsipilyo na ako at naligo. Pagkalabas ay nakita kong tulala ito habang nakaupo.
Napangisi ako at dahan--dahang naglakad para sana gulatin siya.
Malapit na ako nang bigla siyang humarap pero tuloy pa rin ako.
"Boo!" with matching tulak pa sa kanya.
Pero hindi man lang siya nagpakita ng gulat kundi ang maangas niyang ngisi lang ang nakita ko.
Biglang nagawi ang paningin ko sa may side table niya, may picture silang magkakapatid duon.
BINABASA MO ANG
Kiss Me, Officer
RomanceSynopsis A lovely and sexy Police Officer, Ray Ann Geronimo caught the heart of a man who is cold as ice, hard as rock and a man of a few words. Thor Müller is a cold-hearted man, he has the presence that can make you uncomfortable, the authority...