Chapter 62

2.2K 44 2
                                        

Chapter 62

Naguguluhan pa rin ako hanggang ngayon, kanina pa ako nagtatanong pero walang sumasagot! Ang babaeng nag-aayos naman sa akin ay panay ang ngiti na parang natutuwa pang naguguluhan ako. Napatingin ako sa salamin, napakaganda nang pagkakaayos nila sa akin, ang buhok ko ay kinabitan nila ng hair extension na talagang bumagay sa'kin.

"Girls! Tulungan niyo akong isuot ang gown niya," utos ng babaeng nasa harap ko sa mga kasama siya.

"But first, isuot mo muna itong blindfold." Napaatras ako nang akmang isusuot sa akin ng babae ang blindfold.

"Teka! Para sa'n 'yan?!" Tumaas na ang tono ko ngunit ngumiti lang sila.

"Anak, hayaan mo na, nandito naman kami, ohh," panga-assure sa akin ni Mommy.

Nang muling lumapit ang babae saakin at ikabit ang blindfold ay hindi na ako umimik, sinuot nila sa akin ang gown, malambot sa katawan at may kabigatan. Nang haplusin ko ang tela niya ay naramdaman kong maraming parang bato ang nakakabit, ramdam kong sumasayad ang gown lampas pa sa paanan ko, muntik pa akong matumba nang isuot nila sa akin ang high heels, pati sa ulunan ko ay naramdaman kong may magaang bagay silang nilagay.

"Hindi niyo ba tatanggalin itong blindfold? Baka madapa ako." Nangamba akong baka bigla akong matapilok, hindi mahigpit ang blindfold bagkus ay parang dumantay lang ito sa mukha ko.

"I'm here naman po, Ate, I'll guide you," sabi ni Aurora at humawak sa braso ko.

Tumango na lang ako sa sinabi niya, bumaba kami at ang bawat hakbang ko ay may ingat, sumakay kami sa kotse at alam kong si Aurora at Mommy lang ang kasama ko sa sasakyan, kailan ba nila aalisin 'tong blindfold?

"Alam mo, anak, nang dumating ka sa amin ng papa mo ay walang pagsidlan ang kasiyahan namin mula sa pagmulat ng mga mata mo at ang una mong pagngiti ay tandang-tanda ko pa, Daddy's girl ka at halos ayaw mong humiwalay sa daddy mo." Mahinang natawa si Mommy.

"Masaya ako at lumaki ka nang matapang at mabuting tao kahit wala kami sa tabi mo, I'm so proud of you, anak, gusto ko maging masaya ka palagi." Hinawakan ko ang kamay ni Mommy nang mahina siyang humikbi.

"Mie, wala ako rito ngayon kung wala kayo, kahit hindi ko kayo nakasama sa paglaki ko ay thankful pa rin ako kasi nandito ka, dumating ka no'ng panahong durog na durog ako, mahal na mahal po kita." Magaan ko siyang niyakap, hindi ko alam bakit bigla na lang nagdadrama si Mommy ngayon.

Tumigil ang sinasakyan namin, inalalayan akong bumaba ni Mommy tahimik ang paligid at ang tanging naririnig ko lang ay ang ugong ng sasakyan, mahigpit akong kumapit sa braso ni Mommy dahil hindi ko na marinig ang boses ni Aurora ay nasisiguro kong si Mommy ang aalalay sa akin ngayon.

Naglakad si Mommy kaya napasunod din ako at naglakad, may lumangitngit na sa tingin ko ay tunog nang pagbukas ng pintuan.. humiwalay sa akin si Mommy kaya kinabahan ako, magpapanic na sana ako nang maramdaman kong may nagtanggal sa blindfold ko, napakurap-kurap ako upang i-adjust ang paningin kong bahangyang lumabo.

Napasinghap ako nang iangat ko ang paningin at makita ang maraming taong nakatayo sa harap, nagsimulang tumugtog ang mga musikero sa harap, malamyos at ang sarap-sarap pakinggan. Ang kamay ko ay nakasuot ng puting gloves at ang nilagay pala nila sa ulo ko kanina ay belo, nakasuot ako ng white gown na lumampas pa sa pintuan, ang akala kong bato ay diyamante pala, ang ganda-ganda!

Pinilit kong huwag maiyak ngunit hindi ko mapigilan lalo na nang makita ko sa harap si Thor, naka-three black suit siya at sa tabi nito ay si Loki at ang papa nila. Gumawi ang tingin ko sa mga tao, marami akong kakilala, nang mapatingin ako kay Gemma ay nagthumbs up siya na muntik ko nang suklian ng f*ck you sign,

Kiss Me, OfficerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon