Chapter 34

1.8K 52 2
                                    

Chapter 34

Habang nasa sasakyan ay nag-ring ang cellphone niya sa dashboard. Tumingin siya sa akin at iminuwestra na sagutin ko ang tawag.

Sinagot ko ng hindi man lang binabasa kung sino ang caller.

"Hello! Kuya! Buy me icecream—cookies and cream, ha?" mabilis na sabi ni Aurora pagkasagot ko sa tawag.

"Ilan?" sagot ko

"Ate Ray Ann? Kyah! Sama ako!" malakas na sabi niya.

"Give it to me." Inabot ko ang cellphone kay Thor.

"You already told me that ten times, Princess. And no...bawal ang bata do'n," nakangising sabi ni Thor at pinatay ang tawag.

"Hindi na bata si Aurora. Magna-nineteen na siya," segunda ko.

"She's naive and childish," simpleng sagot niya.

Inabot niya sa 'kin ang cellphone. Na-curious ako at nais kong kalikutin ang laman ng cellphone niya..

"Pahiram?" tanong ko. Tumango lang ito at tumutok sa pagmamaneho.

Tinignan ko ang photos niya. Ang laman ay  kuha ng mga designs niya at magagandang gusali, pictures nilang buong pamilya kasama ang hindi ko kilala, natawa ako nang makita ang picture ni Loki habang tulog at nakanganga, meron din si Aurora na kahit tulog ay sobrang ganda.

Napunta ako sa recent photos. Nakagat ko at labi upang mapigil ko ang ngiti nang makita ko ang marami kong pictures.

Merong galing sa Facebook ko, pictures namin sa Siargao kasama ang dalawa niyang kapatid at mga stolen shot ko, may pictures din na lahat kami—hindi nila ako tinuring na iba, parang anak ang turing sa akin ni Mama Diana. Natigilan ako ngan makita ang picture ko na nakabikini. Ide-delete ko ba?

Kuha 'to ni Aurora. Ang sexy ko pala, parang model lang sa kalendaryo at ang expression ng mukha ko, parang nang-aakit pa yata pero maganda. Nagbubuhat na ako ng sarili kong bangko hays...

Nagpunta ako sa Google at tinignan ang recent searches niya. Nararamdaman ko ang sinasabi nilang butterflies in your stomach. Grabe kinikilig ako!

How to make your girlfriend happy? Ideal date, How to make her kilig? How to court a woman?How to make her stay?

'Yan ang ilan sa recent searches niya, tumikhim ako at ibinalik sa dashboard ang cellphone. Pagkarating sa bar ay pinagbuksan niya ako ng pinto, humawak ako sa braso niya at humawak naman siya sa bewang ko.

Habang naglalakad ay napailing ako. Ang kamay niya ay dumausdos sa pwetan ko kaya tinaas ko ito at binalik sa bewang ngunit bumaba na naman.

"Thor," bulong ko sa kaniya.

"What?" maang-maangan nitong sagot.

"Iyang kamay mo, napakalikot!" mariin kong sabi. Napairap ako nang hindi siya makinig, nakita ko ang mga katrabaho ko ng kumaway sila sa akin. Napaka-classy ng bar na ito, hindi tulad sa iba na magulo.

Kami nalang pala ang wala. Ang kamay ni Thor ay nakalapat sa hita ko habang nakaupo kami, seryoso siyang nakamasid sa paligid at hindi makikitaan ng anumang reaction. Kaninang kami lang ay hindi naman siya ganiyan, a?

"O, tagay mo na, Ray Jonh! Bottoms up!" sabi ni Melchor. Napailing ako at tinungga ang scotch. Napapikit ako sa pait ng alak. Nang mapatingin ako kay Thor ay nakatitig na pala siya sa akin.

"So, musta naman ang buhay may jowa?" tanong ni PO4 Valdez sa akin.

"Masaya,"  nakangiting sagot ko.

"Ano palang trabaho mo ahm...Mr. Müller?" tanong ng isa naming kasamahan.

"I'm an Engineer" simpleng sagot niya.

"Ayown! Nakadale pala ang isa nating kakosa!" sabi nila at nagtawanan.

Nagsimula silang magkwentuhan ng kung ano-ano at naparami na ang inom. Ang iba ay nasa dance floor na.

"Restroom lang ako," bulong ni Thor at tumayo. Pagkaalis niya ay agad nagsalita si Gemma.

"Grabe! Ang intense niyang ka-bonding! Nakaka- intimidate!" sabi niya at tumagay.

"Mabait 'yun, 'wag kang mailang," sabi ko at tumawa.

"What a coincidence!" Nagtataka akong tumingala sa taong nakatayo sa harap ng table namin.

"Richard?" naguhulahan ko siyang tinignan.

"Ako nga. Mas gumanda ka, a?" nakangiting sabi niya.

Alanganin akong ngumiti, inalok siyang umupo ni Gemma. Dalawa na lang kaming nandito dahil ang iba ay nasa dance floor na.

Si Richard ay isa sa nanligaw sa akin no'ng college ako ngunit hindi ko binigyan ng pag-asa dahil bukod sa ayoko sa presko niyang ugali ay ayoko pang pumasok sa relasyon.

" Ano ng ganap sa 'yo?" panimula ko.

"Eto isa ng dentist. Sayaw naman tayo." Tumayo siya at nilahad ng kamay sa harap ko.

"Hindi pwede. May boyfriend na 'ko," tanggi ko at ni-wave ko pa ang kamay sign ng pagtanggi.

"We'll just dance, after all wala naman siya rit—" Natigil siya nang magsalita si Thor na dumating na pala,

"Excuse me," sabat ni Thor.

"O, am I blocking your way?" maangas na sabi ni Richard.

"You're disturbing my girlfriend," seryosong saad niya. Natigilan si Richard at umatras

"A, I see—see you around, Ann" sabi ni Richard at umalis. Pabagsak na umupo sa tabi ko si Thor.

"Let's go home." Walang gana ang boses nito.

"Pero—" Natigil ako nang sumabat si Gemma.

"Okay lang, Ray Ann—ako na lang ang magsasabi sa kanila." Marahan akong ngumiti sa kaniya.

Nagpaalam ako kay Gemma at tumayo na. Nagtaka ako nang maunang maglakad si Thor sa akin. Pagpasok sa sasakyan ay malalalim ang paghinga niya.

"So sweet of him, he called you Ann," sarkastikong pagkakasabi niya.

"Ha?" naguguluhang sabi ko.

"Nothing," malamig nitong turan. Dahil nakainom na rin ako ay hindi ko na siya pinansin at sumandal na lang sa bintana.



A/N
Selos mode..

Kindly leave your reaction

Hahahahappy Reading!

Kiss Me, OfficerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon