Kabanata 10: Ang Kadiliman

38 1 0
                                        

Malalim na gabi nang bumuhos ang malakas na ulan at hangin dahil sa malakas na bagyo. Biglang kumulog ng malakas kaya nagulat si Sarah. Maya-maya ay biglang bumukas ang pinto at may pumasok na babaeng duguan, mahaba ang buhok halos matakpan na ang buong mukha, at nakasuot ng damit na kulay puti. Natakot si Sarah kaya nagtakip sya ng kumot. Naglakad-lakad sa loob ng kwarto ni Sarah ang babae hanggang makalipas ang tatlong minuto at saka ito lumabas at biglang nagsara ulit ang pintuan. Tapos biglang bumukas ulit ang pinto dahil binuksan nito ni Ersiya. At tinanong nya si Sarah.

Ersiya: May tubig pa ba kayong pwedeng inumin sa kusina?

Sarah: Opo.

Ersiya: Sige salamat.

Sarah: Sandali! sama ako sa'yo.

Ersiya: Bakit natatakot ka ba?

Sarah: Opo.

Ersiya: O sige.

Sarah: Wala po bang kuryente?

Ersiya: Wala.

Sarah: Ganun po ba?

At pumunta sila sa kusina para uminom.Natapos na silang uminom, nung sila'y lumingon sa kanilang likuran ay bigla silang nagulat sa isang babaeng lumitaw sa kanilang harapan. Duguan, mahaba ang buhok at nakasuot ng puting damit. Biglang dumilim ang buong paligid, walang makita si Ersiya. At biglang narinig nya si Sarah na sumigaw, maya-maya ay nagliwanag na ulit ang paligid ngunit mas lalo pang lumakas ang ulan. Nag-alala si Ersiya kay Sarah dahil bigla nalang syang nawala sa kanyang tabi at ganun din ang babae. Kaya hinanap nya ang ina ni Sarah. Paakyat na sana sya nang makita nya sa taas ng hagdanan ang ina ni Sarah at ang sabi nya ay...

Ersiya: Ang anak nyo po ay nawawala.

At ang sabi ng ina ni Sarah ay...

Ina ni Sarah: Papatayin kita. papatayin kita, PAPATAYIN KITAAA!!!!!

At sinugod ng ina ni Sarah si Ersiya para saksakin ng kutsilyong hawak nito at pinigilan naman ni Ersiya ang pagtama ng kutsilyo sa kanya gamit ang kanyang arnis na matibay. Habang pinipigilan ni Ersiya ang ina ni Sarah ay bigla nalang itong nahimatay, at ginising-gising ni Ersiya ang ina ni Sarah ngunit hindi ito nagigising. Maya-maya ay bigla nanamang dumilim ang paligd at nagulat si Ersiya nang makita nyang biglang nawala nalang sa kanyang paningin ang ina ni Sarah na parang bula. Nakita nya na punong-puno ng dugo ang sahig at napakadilim ng paligid ngunit hindi sya natakot. Maya-maya ay narinig nya ang boses ni Sarah na sumisigaw at ang sabi ay...

Sarah: TULOOOOOONG!!!!!!!

Sinundan nya ang pinanggagalingan ng boses hanggang sa nakita nya si Sarah na nakakulong sa isang salamin na punong-puno ng dugo. At ang sabi sa kanya ni Sarah ay...

Sarah: Ersiya tulungan mo akong makaalis dito. Natatakot na ako.

Ersiya: Huwag kang mag-alala, ilalabas kita dyan.

Maya-maya ay may biglang humila kay Sarah na isang mahabang kamay na punong-puno ng dugo, at sumigaw si Sarah ng napakalakas. At ang sabi ni Ersiya ay...

Ersiya: HINDIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIII!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!

At may narinig syang isang malakas na hinga mula sa kanyang likuran at sya'y lumigon at nakita nya ang isang babaeng itim na itim at pulang-pula ang mga mata at ang sabi nya sa babae  ay...

Ersiya: Sino ka? At anong kailangan mo sa amin?

Nera: Ako si Nera at kailangan kong ipalaganap ang kadiliman sa buong sangkatauhan.

Inilabas ni Ersiya ang kanyang mga arnis at ang sabi ay...

Ersiya: Ibalik mo si Sarah ngayon din!!!

Tumawa si Nera at ang sabi ay...

Nera: Sa tingin mo ba ay magwawagi kayo sa amin. Puwes nagkakamali ka dahil matagal ko nang nakita ang hinaharap. Gusto mo rin bang makita ang hinaharap. HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA!!!

Ersiya: Anong ibig mong sabihin?

Nera: Puwes ipapakita ko sa'yo.

Biglang napunta sila sa isang lugar na magulo. wasak na wasak at maraming patay na tao. at nagulat dito si Ersiya.

Ersiya: Nasaan ako? ANO ITO?

Nera: Tignan mo, ang kahuli-hulihang kampon ng kabutihan.

Tinignan ni Ersiya ang itinuturo ni Nera at may nakita  sya sa di kalayuan na isang binatilyong hinang-hina na at duguan at ang sabi ng binatilyo ay...

Binatilyo: Bakit Bathala? Bakit mo kami pinabayaan.

Maya-maya ay may lumitaw na isang napakadilim na usok at  may naglalakihang itm ns mga mata na nakatingin sa binata at ang sabi ay...

Itim na usok: Ako ang diyos ng kadiliman at matagal ko nang pinaslang si Bathala at wala ka nang magagawa upang pigilan ako.

At may lumitaw na isang nagliliyab na espada at tinusok ang binata at ito'y namatay. At nagulat dito si Ersiya at ang sabi nya kay Nera ay...

Ersiya: Hindi ito maaari. Hindi ito mangyayari.

Nera: Malapit na iyang mangyari. HAHAHAHAHA!!!

At paulit-ulit na pinakita ni Nera kay Ersiya iyon hanggang sa hindi na makayanan ni Ersiya at sya'y sumigaw.

Ersiya: HINDIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIMAAARIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIII!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!

At biglang lumiwanag na ulit ang paligid at tumigil na ang ulan. Madaling araw narin. Nakita ni Ersiya ang ina ni Sarah na parang nababaliw, hindi makahinga ng maluwag si Ersiya dahil sa nakita nya. May dumating na mga pulis at nakita nila si Ersiya na may hawak-hawak na kutsilyo, nakita rin nila ang ina ni Sarah at may nakita silang puting damit na punong-puno ng dugo. Ang sabi ng isang pulis ay...

Pulis: Anong nangyari dito?

At hinuli ng mga pulis si Ersiya dahil inakala nila na sya ay may pinatay ngunit ang sabi nya ay...

Ersiya: Hindi ako ang pumatay. Hindi ako. HINDI AKO!

Pero hindi naniwala ang mga pulis sa kanya at sya'y hinuli  at idinala sa presinto upang ikulong at dinala naman sa Mental Hospital ang ina ni Sarah.

ABANGANG ANG SUSUNOD NA KABANATA.....

Blue FlamesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon