Kabanata 34: Patawad

22 1 0
                                    

At sina Smag ay nakarating na sa bayan ng Orliba. Isa lang itong maliit na bayan. Mga pito lang ang bahay dito at may dalawang tindahan ng mga gulay at prutas. Nagpunta sila sa bahay ng kaibigan na sinasabi sa kanila ni Juan. Nasa dulo ito ng bayan at napapaligiran ng mga puno. Kumatok si Juan, bumukas ang pinto at sumalubong sa kanila ang isang matandang babae.

Imana: O Juan, Ba't napadalaw ka?

Juan: Nandito po ako para kunin sa inyo ang libro ng mga numero para makabalik na sila sa mundo ng mga tao.

Itinuro nya sina Smag.

Imana: O sya pumasok muna kayo.

At pumasok sila. Ipinaghanda sila ni Imana ng sabaw.

Imana: Inumin nyo muna yan upang manumbalik ang mga lakas nyo. Mukhang pagod kayo.

Juan: Medyo marami pong nangyari sa amin.

Goust: Nakasalubong pa nga po namin si sang'gre Pirena.

At napatigil sila pati si Imana. Ikinagulat naman ito ni Goust.

Goust: Pasensya na po.

Imana: O sya,  nagugutom na ba kayo?

Smag: Opo. Gutom na po kami!

At ipinaghanda sila ni Imana ng mga pagkain.
Laking gulat nila nang makita nila na may mga karne sa mga inihanda ni Imana.

Imana: Sige magsikain lang kayo.

Goust: Karneee!!!

Smag: Maraming salamat sa pagkain!

At nagsipagkain na sila. May naitanong naman si Luna kay Imana.

Luna: Mawalang galang po pero diba po hindi pwedeng kainin ang mga pashnea dito sa Encantadia?

Imana: Huwag kang mag-alala iha. Ang mga karne na'yan ay galing sa mundo ng mga tao.

Luna: Galing sa mundo ng mga tao?

Imana: Oo. Wala namang sinabing bawal kumain ng mga pashnea na galing sa ibang mundo.

Luna: Ipinanganak din po ba kayo sa mundo ng mga tao?

Imana: Hindi. Dito ako pinanganak sa Encantadia. Pumupunta lang ako minsan sa mundo ng mga tao para magbakasyon.

Luna: Ano po ang masasabi nyo sa mundo ng mga tao?

Imana: Sa totoo lang, kaya naenganyo ako na magpunta sa mundo ng mga tao dahil sa mga naririnig ko tungkol dito. Hindi ko nakita ang mga naririnig ko. Mga basura, sira-sirang bahay at magugulong tao ang nakita ko sa pagpunta ko.

 Mga basura, sira-sirang bahay at magugulong tao ang nakita ko sa pagpunta ko

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Blue FlamesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon