Kabanata 36: Besa vs Pasatsat

15 1 0
                                    

At hinarap ni Besa ang halimaw na humabol kina Smag

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


At hinarap ni Besa ang halimaw na humabol kina Smag.

Besa: Anong klaseng nilalang ito?

Samantala, ang airship na sinasakyan nina Smag ay umaangat na.

Imana: Mamaya-maya lang at makikita na natin ang liwanag.

Nagtanong naman si Luna kay Smag.

Luna: Saan nanggaling yung Pasatsat na'yon?

Smag: Pasa ano?

Luna: Pasatsat.

Smag: Ano yun?

Luna: Ang pasatsat ay  katawan ng isang taong namatay noong ikalawang digmaang pandaigdigan na hindi nailibing sa kabaong.

Smag: Paano sila pigilan?

Luna: Hindi ko alam.

Smag: Paano ngayon mapipigilan ng kapatid mo yung pasatsat?

Luna: Magagawan nya yun ng paraan.

Smag: Hmm? Kung ang Pasatsat ay katawan ng isang taong namatay sa ikalawang digmaang pandaigdig na hindi nailibing sa kabaong, paano naman yun napunta dito sa Encantadia?

Ang itsura ng Pasatsat ay makikita sa itaas. ☝

Balik kina Besa. Naglalakad parin palapit kay Besa ang pasatsat. Habang naglalakad ito, pinag-iisipan nya kung paano nya ito tatalunin.

Besa: Mukhang hindi sya nagsasalita. Ano ang dapat kong gawin para patumbahin sya?

Maya-maya ay biglang tumakbo ang pasatsat palapit kay Besa. Nabigla sya dito. Tumakbo din si Besa para salubungin ang pasatsat. Nang malapit na sya dito ay naging metal ang kamay nya at sinuntok nya sa tiyan yung pasatsat. Tumama yung suntok nya sa pasatsat ghunit hindi ito natumba. Napayuko lang ito.

Besa: Nakaya nyang hindi matumba sa atake ko?

Pasatsat: Guarrrrhg!

At naglabas ng berdeng asido yung pasatsat na tumunaw sa metal sa kamay nya. Nakaramdam sya ng sakit kaya napalayo sya sa pasatsat.

Besa: Aaaaaaah! Naglalabas sya sa kanyang bibig ng asido na tumutunaw ng mga metal. Masama ito.

Nakita nya ang kamay nya na dumugo nung nagbalik ito sa normal na anyo. At tumakbo nanaman ang pasatsat palapit sa kanya. Agad namang umiwas si Besa at tumakbo palayo. Nung nasa malayo na sya, nakita nya na parang hinahanap sya ng pasatsat.

Besa: Hindi nya ako nakikita pag nasa malayo na ako. Kung ganun, may oras pa ako para pag-isipan ang hakbang na gagawin para patumbahin sya.

At nag-isip sya. At biglang may naisip sya. Nakaisip sya ng dalawang option. Ang unang option ay patumbahin ang halimaw pagkatapos ay umalis. Pagdating naman sa pag-alis , may dalawang lagusan syang pwedeng pagpilian. Ang una ay ang lagusan kung saan lalabas ang airship, ang isang lagusan naman ay kung saan sila nanggaling. Pero tinanggal na nya sa option ang lagusan na'yon kung saan sila nanggaling sapagkat pabalik iyon sa bayan ng Orliba kung saan papunta ang mga hathorian. Naisip nyang takasan ang halimaw para makahabol sya kina Luna. Dahan-dahan syang nagpunta sa lugar kung saan may malaking butas sa itaas na nilusutan ng airship pataas para makalabas sa kweba.

Blue FlamesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon