Kabanata 41: Goust vs Aghar

4 1 0
                                    

Hapon na

Aghar: Aaaaaaah!

Pinakawalan ni Aghar ang kanyang kadena para mahuli si Goust. Iniiwasan naman ito ni Goust gamit ang kanyang kapangyarihan.

Goust: Ano bang mga problema nyo? Ba't kayo nanggugulo?

Aghar: Nanggugulo? Kami ang ginugulo.

Sabay atake kay Goust gamit ang kanyang kadena. Umatake naman si Goust gamit ang kanyang kapangyarihan at tumama ito kay Aghar. Agad namang tumayo si Aghar at umatake kay Goust gamit ang espada. Inatake ulit ni Goust si Aghar, tumalon naman si Aghar para makaiwas at sabay pakawala ng kadena at doon nya nahuli si Goust.

Goust: Ano?!

Hinila sya ni Aghar at pinatama sa mga puno.

Goust: Aaaaaaahhhh!!!

Nagsitumbahan ang mga puno, ibinaksak naman ni Aghar si Goust sa lupa. At hinila ulit. Sa pagkakataong ito, ginamit ni Goust ang kanyang kapangyarihan para makawala. Ipinalibot nya ang mga buhangin sa kanyang katawan para lumuwang ang pagkakatali ng kadena sa kanya,  at nakawala  nga sya at agad na umiwas pero napatumba sya dahil sa mga pasa at sugat sa kanyang katawan matapos matamaan ng mga puno.

"Paano ako nakaligtas? Tumama na ako sa mga puno pero nabuhay parin ako?" sabi nya sa kanyang isip.
Natanong ito ni Goust pero ilang segundo lang at naalala nya na hindi sya pangkaraniwang tao. Isa sya sa mga biniyayaan ni Bathala ng kapangyarihan kaya mas malakas at matibay ang pangangatawan nila kumpara sa mga ordinaryong tao.

Naglakad si Aghar papalapit sa kanya hawak ang espada, senyales na balak na nyang tapusin si Goust. Tumayo si Goust at pinilit na lumayo sa papalapit na kalaban. Inilabas naman ni Aghar ang mga kadena at itinali kay Goust.
"Patay na! Nahuli nanaman nya ako. " sabi nya sa kanyang isip. Hinila ni Aghar si Goust papalapit sa kanya at inihanda ang kanyang espada. Nung malapit na si Goust kay Aghar ay agad na humarap si Goust at sinuntok si Aghar gamit ang namuong buhangin na nakahugis kamao sa kanyang kanang kamay. Tumilapok si Aghar at natanggal ang pagkakatali ng kadena kay Goust.

Pero agad na nakatayo si Aghar at agad na umatake kay Goust gamit ang kanyang espada at kadena na tila hinahampas nya na parang latigo. Pinipigilan naman ito ni Goust gamit ang mga pinapalabas nyang namumuong buhangin. At pagkatapos ay gumawa ng malaking harang si Goust para pigilan si Aghar pero nagpatuloy parin sa pagsugod si Aghar. Bumigay narin agad ang harang bago pa makalapit dito si Aghar. Biglang nawala si Goust pero alam ni Aghar ang ganitong istilo kaya agad syang tumingin sa itaas at nakita nya si Goust na pasugod sa kanya mula sa itaas gamit ang namuong buhangin sa kanang kamay nito na hugis kamao.

Goust: Yaaaaa!!!!

Tumalon naman si Aghar at tinapatan ang atake ni Goust sa pamamagitan ng kanyang kadena na nagdikit-dikit at naghugis na kamao rin. At nagsalubong ang atake ni Goust at ni Aghar. Nagkaroon ng malakas na pwersa ng hangin na nanggaling sa pagtama ng atake nila. Ngunit agad na nawasak ang namuong buhangin ni Goust na hugis kamao at tumama sa kanya ang atake ni Aghar. Tumalsik sya at bumagsak sa lupa. Naglakad naman si Aghar papalapit sa kanya.

Aghar: Ang sabi sa akin ng aking guro Agane, mahihina ang mga taong galing sa mundo ng mga tao. Tama nga sya.

At nagpatuloy sya sa paglalakad palapit kay Goust samantalang si Goust naman ay sinusubukang tumayo at lumayo. Kailangang makaisip ng paraan ai Goust para matalo si Aghar bago pa sya nito patayin.








Susunod: Ang paghihiganti

Blue FlamesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon