Kabanata 48: Kaalaman mula sa ibang mundo

9 1 0
                                    

At kami nga ay nagkatinginan. Tinanong ko sya kung bakit nya sinaktan ang isda. Nagsalita sya pero hindi ko naintindihan. Tinanong ko sya kung ano ang sinasabi nya. Ginalaw nya ang kamay nya, tinuro nya ang isda sabay iginalaw nya ang kamay nya na parang kumakain. Nang makita ko yun ay nakuha ko ang ibig nyang sabihin.

Gusto nyang kainin ang isda. Sinabi ko na hindi pwedeng kainin ang isda. Base sa kanyang sunod na sinabi, naisip ko na baka tinanatanong din nya ako kung ano ang sinasabi ko. Siguro hindi rin nya ako naiintindihan. Kaya ang ginawa namin ay nag-usap kami gamit ang kilos. Sa ganoong paraan, nagkaintindihan kami kahit paano.

Ibinalik na nya ang isda at saka umalis. Pero bago sya umalis ay may ibinigay syang libro sa akin at sinabihan nya ako ng "Meet me in the town, afternoon. ". Pero hindi ko naiintindihan yun. Mukhang nalaman naman nya agad kaya kumuha sya ng papel at nagguhit pagkatapos ay ibinigay nya sa akin yung papel. Sa papel, nakaguhit ang mapa ng bayan namin. Sa nakaguhit na bayan namin ay may nakaguhit na malaking tuldok sa isang parte ng bayan. Ayon sa aking pagkakaintindi, mukhang gusto nyang makipagkita sa akin sa lugar na'yon.

Tumango ako sa kanya para sabihing pumapayag ako. At pagkatapos ay umalis na sya. Pupunta na sana agad ako nang mapansin ko sa nakaguhit na may dalawang bundok sa taas na magkadikit at sa pagitan nun ay may nakaguhit na araw na mukhang papalubog. Naisip ko na gusto nyang makipagkita sa akin sa lugar na'yon mamayang hapon. Kaya umuwi muna ako at hinintay na maghapon bago ako pumunta sa lugar na'yon.

Habang ako ay nasa bahay ay binuksan ko muna ang librong binigay nya sa akin. May mga nakasulat doon na hindi ko maintindihan. May mga nakita din akong mga nakaguhit sa libro. Mga bagay na ngayon ko lang nakita.

Pagdating ng hapon ay nagpunta na nga ako dun sa sinasabi nya. Sa isang sulok ng bayan namin sa isang puno. Doon ay nag-usap kami gamit ang mga galaw para magkaintindihan kami. Maya-maya ay nagsulat nanaman sya sa papel. Tapos ipinakita nya sa akin. Mukhang mga salita ang mga pinapakita nya sa akin. Pinapakita nya sa akin yun habang ginagawa ang mga salitang iyon. Minsan naman ay itinuturo nya kung ano ang nakasulat sa papel. Dito ko unti-unting natutunan ang kanilang linggwahe hanggang sa nakakausap ko na sya sa kanilang salita.

Kumalat ang balitang ito sa buong bayan namin kaya ipinatawag ako ng pinuno ng bayan namin upang maging isang tagapagsalita nila sa kanila at baligtaran.

Makalipas ang ilang mga buwan ay tinuro naman nya sa akin kung paano gamitin ang mga gamit nila. Dito ko nalaman na sa mundo nila, meron silang ginagamit na papel para mabili ang mga pangangailangan nila. Makalipas ang ilang mga linggo ay tinuro nya sa akin kung paano paliparin ang kanilang malaking sasakyan na tinatawag nilang Ersyip.

Dahil sa sasakyang ito ay nakita ko ang ganda ng bayan namin at ang mga punong nakapaligid dito. Ang araw na'yon ang pinakamasaya sa buhay ko.

Pagkatapos nang araw na'yon ay gumising ako na wala na sila. Umalis na daw sila. Pero merong iniwan na sulat sa akin yung lalaking iyon. Ang sabi sa sulat ay puntahan ko daw ang lugar na'yon pagdating ng isang delubyo, tapoa may nakasulat na bilang ng mga taon kung kailan. Tapos nakaguhit sa ibaba ang bayan namin at may isang malapanang guhit na nasa kanlurang bahagi ng bayan. Nakaturo ito sa isang lugar na may nakaguhit na gusali pakanluran mula sa bayan namin.

=============================

Imana: At doon nagtatapos ang aking kwento.

Minaya: Napakagandang kwento pero malungkot din.

Lupan: Nakikinig ka din?

Minaya: Oo.

Smag: Ano pong koneksyon ng istorya sa pamagat?

Imbes na sagutin ni Imana si Smag ay ngumiti nalang ito sa kanya.

Lupan: Sige alalayan ko na po kayo.

At inalalayan ni Lupan si Imana.

Minaya: Smag ang pangalan mo diba?

Smag: Oo bakit?

Tumingin sa taas si Minaya.

Minaya: Kailangan na nating pumunta sa lugar na sinasabi ni Imana bago pa mag gabi.

Smag: Pero hindi ganun kaligtas pag nagpatuloy tayo sa gabi lalo na't sa mga ganitong gubat.

Minaya: Ngunit hindi rin maganda na manatili tayo dito lalo na't baka maabutan tayo ng mga hathorian.

Babae: Tama sya.

Sagot ng isang babae na kasamahan ni Minaya.

Smag: Hmph? Kung lalarga tayo ngayon, sinong mangunguna?

Minaya: Ikaw.

Smag: Ako!?

Minaya: Oo. Abala ang iba sa pag-aalaga sa kanilang mga anak. Si Lupan naman ay inaalalayan si lola Imana. Ikaw lang ang pwedeng manguna sa atin.

Smag: E kayo?

Ngumiti muna si Imana bago nagsalita.

Minaya: Ikaw ang may kapangyarihan kaya ikaw dapat ang manguna. Alam mo na, kung sakaling may mailap na hayop na sumalakay sa atin.

Sinabi nya ito ng nakangiti.

"Oo nga pala. Tama sya. Ako nalang ang pwedeng magprotekta sa kanila ngayon. Pero hindi ko pa naranasan ang manguna o maging leader. Pero kung hihintayin naming lumipas ang araw na ito, tiyak na magkakaroon na ng lakas si lola Imana para ilead kami bukas. Pero ano ang magiging reaksyon nila pag di ako pumayag sa kanila? Kinakabahan ako ngayon. Ano ang dapat kong gawin?" Tanong nya sa kanyang sarili.

Move Now◀🔵▶Move Tomorrow







Susunod: Ang eksperimento

Blue FlamesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon