" Sana maging cool din ako kapag teenager na ako." Sabi ni Smag sa kanyang sarili habang nakasakay sa isang tricycle na nadadaanan ang mga high school students.
Pagkauwi sa bahay ay dumiretso sya sa kanyang kwarto upang magbihis. Pagkalabas nya ay sinabihan sya ng kanyang tito na bantayan muna nya ang bahay. Tinanong sya ni Smag.
Smag: Saan po kayo pupunta?
TitoniSmag: May bibilhin lang ako.
Aalis na sana sya nang tinanong ulit sya ni Smag.
Smag: Um... Tito.
TitoniSmag: Bakit?
Smag: Matanong ko lang po. Masaya po ba maging high school?
TitoniSmag: A eh... sabi kasi ang high school daw ang pinaka masayang chapter sa buhay ng isang tao. Siguro?
Smag: Bakit po siguro?
TitoniSmag: Hindi kasi ako nakatuntong sa high school. Sige alis na ako, bantayan mo ang bahay maliwanag.
Smag: Opo.
Kinabukasan.
Pumasok si Smag sa Biclatan Elementary School. Sya ay grade 4 sa elementarya. At pumasok na sila sa kani-kanilang classroom. Maingay ang classroon na pinasukan ni Smag, para kang nasa palengke. Tawa dito tawa doon, usapan dito usapan doon. May mga nagbabatuhan ng mga papel. At kadalasang mukha na silang yagit na bata dahil sa init ng klima sa oras na 12:00 pm. Sa madaling salita, si Smag ay panghapon. Sabi nga ng mga turistang koreano " It's so hot in the Philippines".
At pumasok na ang kanilang teacher at nagalit dahil parang walang respeto ang mga kaklase ni Smag lalo na ang mga lalaki sa likuran. Pero sanay na si Smag sa ganoong sitwasyon dahil mula grade 1 hanggang ngayon ganito na ang laging eksena sa napapasukan nyang classroom.
Paboritong subject ni Smag ang Filipino lalong-lalo na ang values dahil simple lang ang mga tanong kagaya ng...
Nakita mo na nahulog ang pitaka ng isang tao, at nang pinulot mo ay nakita mong may lamang pera sa loob. Ano ang iyong gagawin?
A. Kukunin mo ang pera at itatago B. Kakainin mo C. Ipapambili mo ng kendi D. Isasauli mo sa may-ari ang pitaka
Samantalang ang pinakaayaw nyang subject ay walang iba kundi ang Mathematics dahil may mga items na hindi talaga makuha ng kanyang utak kagaya ng...
1331 × 273 = ______
O kaya naman...
151 ÷ 7 = ______
Mahina kasi sya sa Multiplication at Division. Pero kaya nyang sagutan kapag ganito ang item...
20 + 5 = __
O kaya naman...
30 - 6 = __
=============================
Kinagabihan, si Smag ay nanonood ng balita. Sabi sa balita.
Balita: May isang dalaga sa Ligao City's Sunflower Farm ang nag viral sa internet na tinaguriang Sunflower Girl dahil sa kanyang kagandahan na parang sunflower habang bitbit ang isang basket na puno ng mga sunflowers. Samantala, hindi naman magpapahuli ang iba pang mga nag viral sa internet kagaya nina Mushroom Woman, Buko Pie Girl, at si Water Lady.
============================
Sa araw naman ng Foundation ay isinulat nila ang kanilang pangalan sa isang 1/8 na papel. At ang mga papel ay inilagay sa isang box. Bubunot kasi ng pangalan ang mga teachers at ang pangalang mabubunot ay bibigyan ng mga gamit na dinonate ng mga tao galing sa ibang bansa o kaya mga gamit na pinaglumaan na. Ang mga pangalan na nabunot ay binigyan ng mga katulad ng baso, plato, lapis, papel, notebook, at mga laruan.
" Grabe ito na yun?" reklamo ng isang kaklase ni Smag.
" Buti pa yung mga high school ang gaganda ng mga ipinamigay sa kanila. Alam nyo ba sabi ng ate ko ang mga ipinamigay daw sa high school ay mga brand new cellphones, tv, laptop, at marami pang gadgets." Sabi naman ng isang babaeng classmate ni Smag.
" Parang nainggit yata ako sa sinabi ng kaklase ko. Masaya siguro talaga sa high school? Hindi na ako makapaghintay na maging teenager. Bakit kasi ang tagal kong maging bata! Gusto ko ding maging cool teens pagtuntong ko sa high school." Sabi ni Smag sa kanyang sarili.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.