Kumakain sina Smag sa kusina ng airship. Pinag-uusapan nila ang mga bagay-bagay tulad ng mga di pa nila alam sa mundo ng Encantadia at sinasabi naman nila kay Lupan ang mga bagay na alam nila sa mundo ng mga tao. Masayang nagkakainan ang mga tao ng biglang pumasok ang isang lalaki at sinabi na nagiging itim ang mga ulap na nadadaanan nila. Nagsilabasan ang mga tao para tignan ito, sina Smag naman ay pumunta kay Imana. Nang makarating sila kay Imana ay tinanong nila kung nasaan na sila. Sinabi ni Imana na palatandan daw yan na malapit na sila sa pupuntahan nila. Malapit na daw sila sa pagtataguan nila.
Kinuha naman ni Luna ang mapa ng Encantadia sa may lamesa sa loob ng controller room at itinanong kay Imana kung saan eksakto ang lugar na pupuntahan nila. Pagkatapos ay sunod agad sinundan ng tanong kung bakit hindi nalang sila magpunta sa kaharian ng Lireo o sa kaharian ng Sappiro. Sinabi ni Imana na may digmaang nagaganap ngayon at maaaring hindi maging ligtas sa mga kahariang iyon. Tinanong naman ni Smag si Imana.Smag: Paano nyo po naman nasabi yan?
Imana: Hindi nyo ba nakita ang mga kagamitan at sasakyan nila? Hindi ito pangkaraniwan at malakas na pangtapat sa pwersa ng Sappiro at Lireo.
Smag: Ang high-tech naman ng mga hathorian.
Lupan: Napaka ano?
Imana: High-tech. Ibig sabihin mataas na uri ng teknolihiya o mga kagamitang hindi pa dapat isinasapubliko.
Lupan: E ano naman po ang teknolohiya?
Imana: Ang teknolohiya ay tawag sa mga kagamitan o kahit uri ng bagay o sasakyan na kadalasang ginagamitan ng kuryente.
Lupan: Hindi po ba mapanganib yun?
Imana: Hindi naman.
Luna: Sigurado po ba talagang magiging ayos lang po tayo?
Imana: Oo. Sinabi nya sa akin na dito sila nagtatago nung mga panahon na hinahanap sila ng mga kawal ng Sappiro.
Luna: Yung lalaking nagbigay sa inyo?
Imana: Oo.
Smag: Nasabi nyong sila. Sila po ba yung mga taong galing sa mundo ng mga tao na pumunta dito sa Encantadia?
Imana: Oo.
Smag: Bakit po sila nagpunta dito?
Imana: Hindi nya sinabi sa akin pero narinig ko sa mga kasama nya na naghahanap sila ng lugar na mukhang tatawagin nilang testing area.
Luna: Testing area?
Biglang nanlaki ang mga mata ni Luna sa narinig. Sya ay nabahala.
Imana: Oo testing area. Hindi ko alam kung ano ang ibig sabihin nun dahil niilan lang ang mga salitang itinuro sa akin ng lalaking iyon, yung linggwahe nila.
Luna: Hindi maaari!
Smag: Bakit Luna?
Luna: Lola Imana ilang taon na po kayo?
Imana: Isang daan at labing apat na taong gulang na.
Smag: 114 yrs old! Teka! Kung 114 yrs old na po kayo, edi posibleng naabutan nyo ang unang pangdaig-digang digmaan.
Lupan: Anong ibig mong sabihin?
Luna: Isang malawakang digmaang naganap sa mundo ng mga tao. At base sa edad nyo po lola Imana, maaring yung mga nagpuntang mga tao sa Encantadia nung dalaga kayo ay mga sundalo nung ikaunang pangdaig-digang digmaan.