At gumabi na. Liwanag ng buwan nalang ang nagbibigy ng liwanag sa kanila dahil sa nakalbong parte ng gubat na pabilog ang hugis dahil sa pagbunggo ng kanilang apoy kanina.
Nagtitinginan sina Smag at Pirena. Inaalam kung sino ang unang aatake.
Smag: Kailangan kong maging handa. Hindi biro to. Posible akong mamatay dito.
Pag-aalala ni Smag sa kanyang sarili. At biglang nagpalabas ng apoy si Pirena na ikinagulat ni Smag.
Smag: Aah!
Agad na tumakbo si Smag sa kanyang kanan para umiwas sa atake ni Pirena sabay nagpalabas naman sya ng kanyang apoy para sana ipatama kay Pirena ngunit tumama lang ito sa mga kahoy.
Pirena: Hmm. Kung gayon ay wala ka pa masyadong karanasan sa pakikipaglaban. Kaawa-awang bata.
Smag: Hindi na ako bata!
Sigaw ni Smag kay Pirena para ipakita sana na hindi sya natatakot sa kanya. Ngunit nahalata agad ito ni Pirena.
Pirena: Nagtatapang-tapangan ka sa pamamagitan ng pagsigaw. Ngunit masyadong baluktot ang iyong pagbigkas ng mga salita. Patunay na ikaw ay nangangamba.
Parang estatwa si Smag sa kanyang kinalalagyan.
Smag: Hi–ndi ako natata–kot sa'yo! Kaya huwag mo akong–mamaliitin.
Pirena: Hindi kita minamaliit. May respeto ako sa aking mga nakakalaban. Kakalabanin kita hindi bilang isang baguhang mandirigma. Kundi isang kapantay ko.
Mas lalong nangamba si Smag sa mga sinabi ni Pirena.
Smag: Lagot! Nagkamali yata ako ng mga sinabi!
Sabi nya sa kanyang sarili. At sunud-sunod na nagpalabas ng mga apoy si Pirena. Iniwas-iwasan ito ni Smag habang paiba-iba ng pwesto at minsa'y ginagamit nya ang kanyang apoy para icounter ang mga tatamang apoy sa kanya. Kahit apoy ang kapangyarihan nya alam nyang masusugatan sya sa apoy ni Pirena sapagkat ang apoy nya ay iba kumpara sa kanya. Halos mapagod si Smag sa kakaiwas sa mga atake ni Pirena. Nakita ito ni Pirena kaya tumigil sya.
Pirena: Bibigyan kita ng dalawang pagpipiliang kapalaran. Nakasalalay sa iyong pagpili ang bubay mo.
Smag: Ano?
Pirena: Kakalabanin mo ako kung gusto mong makatawid sa gubat na'to. O sumali ka sa amin.
Smag: Ako? Sasali sa inyo? Hindi! Kahit kailan hindi ako sasali sa kampon ng hathoria!
Pirena: Huwag mong paikutin ang isip mo. Nakikita ko sa iyong mga mata ang iyong nakaraan. Puno ng galit, lungkot at inggit.
Smag: Ano sinasabi mo?
Pirena: Hindi dapat tayo nag-aaway. Dahil pareho tayong tinalikuran ng ating lahi. Nakikita ko sa iyong mata na naiingit ka sa iba sapagkat nakukuha nila ang mga gusto nila ng walang hirap samantalang ikaw ay hindi. Naiinggit ka sa kanila dahil biniyayaan sila ng magandang talento samantalang ikaw ay meron lamang isang nakasisirang abilidad. Wala kang puwang sa kanilang mundo alam mo kung bakit?
Nalungkot si Smag sapagkat may mga katotohanan ang mga sinabi ni Pirena sa kanya.
Smag: Bakit?
Pirena: Dahil wala lang. Ayaw lang talaga nila sa mga katulad mo. Walang kakampi katulad ko. Ikaw lang din ang bubuhay sa sarili mo pero ang masaklap ay hindi nila ikaw papayagang mabuhay. Gagawin nila ang lahat para lang sirain ang buhay mo.
Smag: Bakit? Ano bang nagawa ko sa kanila?
Pirena: Alam mo, may dalawang uri ng tao sa mundo nyo. Ang mga taong nasa taas at mga taong nasa baba. Ang mga taong nasa taas, sila ang nagdidikta ng kapalaran ng kanilang buhay, sila ang mga may kakayahan na impluwensyahan ang karamihan para ihugis ang mundo sa kanilang nais. Samatalang ang mga taong nasa baba, sila ang nagsasakripisyo para hindi maranasan ng mga taong nasa taas ang mga kalunus-lunos na karanasan. Sila ang mga nagbubuwis ng buhay para lang sa kasiyahan ng mga taong nasa taas. Wala silang magagawa sapagkat di nila kontrolado ang kanilang buhay. Kahit buhay nila ang kapalit wala silang magagawa. Ayaw ng mga taong nasa taas ang mga taong nasa baba at gagawin ng mga taong nasa taas ang lahat para hindi makamtan ng mga taong nasa ibaba ang kaginhawaan at kasiyahan sa buhay. Masaklap ngunit iyan ang totoo sa inyong mundo. At ikaw ay isa sa mga taong nasa baba.
Smag: Ang tinutukoy mo ang mga mahihirap at mayayaman.
Pirena: Hindi. Ang tinutukoy ko ay ang mismong katauhan ng isang tao. Ang mga taong nasa taas ay yung mga talentado, swerte sa buhay, may mga hitsura, at matatalino samantalang ang mga taong nasa baba ay yung mga taong mahiyain, hindi ganoon katalino, walang hitsura, at kadalasan nagsisimula palang hanapin ang kanyang kakayahan.
At iniangat ni Pirena ang isa nyang kamay senyales ng pag-imbita.
Pirena: Sumali ka sa amin. Sa Hathoria bibigyan ka ng karangalan. Ikaw ay magiging bayani at makikilala ka bilang isang hari.
Naguluhan si Smag sa mga nangyayari.
Smag: Ano to? Kalaban sya. Bakit parang hindi kaaway ang turing nya sa akin ngayon samantalang halos sunugin nya ako kanina?
Sabi ni Smag sa kanyang sarili. Pagkatapos ay nagsalita si Smag na nagpapakita ng tapang kahit paano.
Smag: At bakit naman ako sasali sa inyo e halos patayin mo na ako kanina?
Pirena: Hindi pinapairal ang malambot na puso sa Hathoria ngunit kaya naming tanggapin at respetuhin ang mga nilalang na itinakwil ng kanyang lahi.
Napatingin sa baba si Smag para isipin ang sunod nyang sasabihin. Nung nakapag-isip na sya ay nilingon nya ulit si Pirena at sinabing...
Smag: Hindi! Hindi ako sasali sa hukbo ng mga nilalang na sisirain ang kanyang kalaban para sa pansariling kaginhawaan. Dadako lamang ito sa walang hanggang paghihiganti ng dalawang kaharian o lahi.
Pirena: Hindi mo ba naiintindihan?! Kung hindi namin to gagawin ang Lireo ang wawasak sa amin!
Sigaw ni Pirena.
Pirena: Itinuturing kaming kaaway ng Lireo kaya kahit magpakabait kami sa kanila aagawin at sisirain parin nila ang buhay namin. Tandaan mo tao. Mahirap makipagkasundo sa kalaban na matagal mo nang kinakalaban. Lalo na kung maliit ang tingin nito sa'yo.
At inilabas ni Pirena ang kanyang brilyante. Umikut-ikot ito sa palad ni Pirena hanggang bumilis ang pag-ikot nito. At lumitaw ang maladambuhalang apoy sa palad ni Pirena galing sa brilyante.
Nagulat si Smag sa nakita pero naghanda narin sya sa anumang mangyayari.
Smag: Kung ganun papatayin mo na ako ulit?
Pirena: Namili ka na ng iyong kapalaran.
At inihagis ni Pirena ang dambuhalang apoy papunta kay Smag. Si Smag naman ay binalak tumakbo ngunit natantya nya na maabutan parin sya ng impact ng apoy kahit hindi ito direktang tumama sa kanya. Walang ibang paraan kundi harangan nya ang pag-impact nito gamit ang kanyang kapangyarihan.
Sa kanyang imahinasyon ay inisip nya na gumawa ng malakalasag na apoy na nahaharangan ang buo nyang katawan para pigilan ang pagtama ng dambuhalang apoy sa kanya.
Woosh! Boom!
At nag-impact ang dambuhalang apoy.
Susunod: Paglabas sa gubat
