At sumugod na sina Ybrahim sa digmaan. Nakita nila ang lakas ng pwersa ng Hathoria. Meron silang mga lumilipad na sasakyan na hugis na barko at ang mga kawal ay may mga kagamitang hindi pa nila nakikita katulad ng isang armas na mas matindi pa sa pana. Kulay itim ito, parang pa L ang hugis at may hinihilang trigger at tapos may lumalabas na parang gintong butil na mas matinding tumama kaysa sa pana. Pero hindi nagpadaig sa takot sina Ybrahim, bagkus ay sumugid pa sila alang-alang sa kinabukasan ng Encantadia. Walang kahirap-hirap si Ybrahim sa pag-atake sa mga kawal ng mga Hathoria ngunit may napansin syang kakaiba. Wala syang napapansin na heneral na sumusugod sa panig ng mga Hathoria. Naisip nya tuloy na baka pinapagod muna sila para mas madali silang mapatay ng mga heneral ng Hathoria.
Sinabihan naman sya ng heneral ng Sappiro na mahihirapan sila sa pagsulong dahil sa dami ng nga Hathoriang sumusgod. Sinabi ni Ybrahim sa heneral ang sekreto nyang plano.
Heneral ng Sappiro: Ano? Pinasugod nyo ang mga heneral ng Lireo para gawing sakripisyo para makalusot kayo at makapunta sa kampo ng Hathoria?
Ybrahim: Hindi sakripisyo. Pang-agaw atensyon lamang.
Heneral ng Sappiro: Alam po ba ni sanggre Alena ang tungkol dito.
Ybrahim: Hindi.
Heneral ng Sappiro: Di po kaya magalit si sanggre Alena pag nalaman nyang ginawa nyong pang-agaw atensyon ang mga heneral ng Lireo lalo na pag isa o dalawa sa kanila ay napatay ng mga Hathorian?
Ybrahim: Pag sumabak ka sa digmaan, tanggapin mo na ang iyong kamatayan. Pero may tiwala ako sa mga heneral ng Lireo.
Heneral ng Sappiro: Paano po kayo pupunta sa kampo ng kalaban?
Ybrahim: Pupunta sa pinakagilid ng digmaan, doon tayo dadaan para makapunta sa kampo ng Hathoria.
At tumakbo si Ybrahim papunta sa gilid ng digmaan. Sumunod naman sa kanya ang heneral ng Sappiro. Tumatakbo sila at paminsan-minsan ay umaatake rin dahil sa mga nakaharang na mga kawal ng Hathoria. Tumatakbo sila ng biglang may tumamang isang sibat sa heneral ng Sappiro. Nilapitan nito ni Ybrahim. Ang heneral ng Sappiro ay agad ding namatay dahil sa lakas ng pagtama ng sibat.
Agortho: Hari ng Sappiro!
Sigaw ni Agortho mula sa taas ng iaang malaking bato. Napatingin sa kanya si Ybrahim. "May lumitaw na ring heneral ng Hathoria." sabi ni Ybrahim aa kanyang sarili.
Kawal ng Hathoria: Mashna Agortho. Kailangan nyo po ba ng tulong namin?
Agortho: Lumayas ka dyan di ko kayo kailangan!
"Agortho! " sabi ni Ybrahim sa kanyang sarili. Naalala nya ang sinabi sa kanya ni Alena kanina.
============================
Umiiyak si Ybrahim habang hawak ang kamay ng anak na namatay.
Ybrahim: Sinong pumatay sa kanya? Alena.
Alena: Isang heneral ng Hathoria na nagngangalang Agortho. Tinulungan sya ni Agane. Patawarin mo ako dahil hindi ako naging malakas para protektahan ang anak natin.
Ybrahim: Huwag kang mag-alala Alena. Ipaghihigante ko ang anak natin.
=============================
Ybrahim: Ikaw!!!
Biglang sumugod si Ybrahim papunta kay Agortho.
Agortho: Isang pashnea!
At nagpalabas ng kadena si Agortho mula sa braso ng armor nya para itama kay Ybrahim. Mabilis na umiwas si Ybrahim at sabay hiniwa agad ang kadena.
