Kabanata 1: Ang Binatilyong Galit sa Mundo

262 3 0
                                    

Isang araw may isang binatilyong nagngangalang Caver, katamtaman lamang ang buhay niya pero wala na siyang mga magulang. Naninirahan nalang siya ngayon sa kanyang tito sa Cavite, labing limang taon o "15 yrs old" na siya Grade 9 na siya sa sekondaryang paaralan. Nagaaral siya sa Biclatan High School. Araw ng Lunes ang araw ng pagpasok ni Caver sa kanyang paaralan, kakapasok palang niya sa gate ng paaralan pinagtatawanan at pinag-uusapan na siya ng palihim dahil wala daw siya masyadong itsura. May mga nagsasabing hindi na dapat siya nag-aaral dahil sabi nila tanging mga may itsura lamang at matalino as in laging perfect sa lahat ng subject ang puwedeng mag-aral sa mundo. Mas lalong sumisikip ang dibdib niya sa sinasabi nila dahil hindi rin naman siya katalinuhan kaya tumuloy nalang siya sa kanyang silid-aralan. Nung breaktime na, lahat ng kanyang kaklase ay nagsipuntahan na sa canteen samantalang siya naman ay naiwan sa silid-aralan at nag iisip na bakit parang hindi siya tanggap ng buong mundo, dahil ba sa wala siyang itsura at hindi katalinuhan. Dahil sa araw-araw na ganitong nangyayari sa kanyang buhay nagalit siya sa lahat ng tao sa buong mundo dahil iniisip niya na lahat ng tao sa daigdig ang tingin sa kanya ay isang maliit na basura lamang. Lumipas na ang maghapon at papauwi narin siya, malungkot siyang naglalakad ng biglang may nakasalubong siyang isang matandang babae at tinanong siya kung bakit siya malungkot at dahil galit siya sa lahat ng tao bigla nalang siyang tumakbong pagalit papalayo sa matandang babae. Gabi na nung nakauwi siya sa kanyang bahay, pagpasok niya sa pintuan sinalubong siya ng kanyang tito at sinabing magpahinga muna siya habang niluluto pa ang kanilang pagkain. Nababagot siya  kaya pumunta siya sa kusina upang tulungan ang kanyang tito sa pagluluto at napansin niya na may kulay asul sa ilalim ng kulay pulang apoy, at nagtanong siya kung bakit may kulay asul sa ilalim ng kulay pulang apoy at sinagot siya  ng kanyang tito na ang kulay asul ang pinakamainit na apoy. Pagkatapos nilang magluto kumain na sila at tapos natulog na, nasa ibaba ang kuwarto ng kanyang tito samantalang nasa  taas naman sa kanya. Habang natutulog si Caver napanaginipan niya ang isang batang dragon at isang matandang dragon na lumilipad sa himpapawid at nagbubuga ng asul na apoy, at nagising si Caver nagiisip siya kung ano ang ibig sabihin ng kanyang panaginip.

Abangan ang susunod na Kabanata...

Blue FlamesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon