Ilang oras nalang at uwian na. Nagagalit ang guro ni Smag sa mga kaklase nya na nasa likod dahil sa ingay ng mga ito. May pinapasulat kasi ang kanyang guro sa blackboard. Dumating na ang oras ng uwian ngunit pinalabas pa lang ng guro yung mga nakatapos na sa pagsulat. Isa si Smag sa mga nahuli sa paglabas dahil hindi sya mabilis magsulat lalo na't napakahaba ng pinasulat sa kanila na nakalagay sa pitong manila paper na nakadikit sa blackboard.
Si Smag ay grade 4 pa lamang nung panahong ito. Habang naglalakad palabas ng eskwelahan ay may tatlong babae ang kumalabit sa kanya at niyaya syang pumunta sa bahay ng isang kaklase nilang lalaki.
Smag: Bakit anong meron?
Babae: Meron daw movie marathon.
Sabi sa kanya ng babaeng iyon. Pumayag naman si Smag na pumunta. Mahilig kasi sya sa mga movies lalo na sa mga Hollywood Films. Mas realistic daw kasi ang mga visual effects ng mga Hollywood films kumpara sa mga pelikula ng pinoy na halatang computerize lamang. Minsan naiiisip nya na gusto nyang makapasok sa mga Hollywood films at maranasan ang mga adventures, superpowers, magic, at mga advanced technologies katulad halimbawa ng mga cellphones na sa screen nalang pumipindot, mga tv na kasing nipis ng libro, mga earphones na gumagana kahit di na ginagamitan ng wire at marami pang iba na sinasabing magkakatotoo pa lamang sa far future o 10,000 years in the future.
Kinabukasan, Sabado at walang pasok. Si Smag ay nagpunta sa bahay ng kanyang kaklase na magmomovie marathon. Pagdating nya ay naabutan nya yung apat na babae at dalawang lalaki. Hindi pa sila magsisimula dahil may hinihintay pa silang tatlong kaklase nila Smag. At nung nakumpleto na sila ay agad na inilagay ng kaklase ni Smag sa dvd player ang isang cd ng unang movie na papanoorin nila.
Makalipas ang sampung oras, nakatapos narin silang magmovie marathon pero di pa sila umuwi, sa halip ay kumain muna sila ng mga chichirya at mga tsokolate at pinag-usapan ang mga pinanood nila. Ang mga pinanood nila ay...
High School Musical
Camp Rock: Final Jam
Sky High
Harry Potter and the Goblet of Fire
Final Destination 3Sabi ng mga kaklase ni Smag.
Babae 1: Grabe nakakaexcite ang highschool. Dinako makapaghintay maging highschool.
Babae 2: ang saya din ng mga camping ng mga teenagers.
Lalaki 1: Highschool para sa mga superheroes? Cool! Astig! Parang ang sya maging high school.
Babae 3: Oh my gosh! Sana totoong may mundo ng magic.
Babae 4: Smag. Ayos ka lang ba? Parang hindi ka nakahinga sa huling movie. May nalalaman ka pang pagtakip ng mata.Nakapanood ka na ba ng mga horror movies?
Lalaki 3: Alam mo ba na Rated-R18 yan nung pinalabas sa sinehan. Bawal daw kasing panoorin yan ng mga bata. Buti may cd yung ate ko.
Smag: Nakapanood na ako katulad ng Scooby doo at ghostbusters. Pero yung huling pinanood natin. Di lang basta nakakatakot, napaka brutal pa! Kaya hindi ko tinignan yung mga part na may namamatay.
Lalaki 2: Uy nagtext sa akin si Princess. May manghuhula daw malapit sa school. Gusto nyo magpahula tayo?
"Sige" sabi ng mga kaklase ni Smag.
Smag: Teka may cellphone ka na?
Lalaki 2: Ah hindi sa'kin to. Yung isang cellphon to ng nanay ko, pinahiram lang nya sa akin incase of emergency. Atsaka hindi pa tayo pwedeng bigyan ng sariling cellphone, mga bata pa kasi tayo.
At nagpunta sila sa manghuhula. Yung iba nagpahula at yung iba naman ay nanood lang. Sila ay nasa loob ng isang pulang tent. Nakalagay ang lamesa ng manghuhula sa gitna.
Babae 2: Smag try mo magpahula.
Smag: Um.. Sige try ko lang a.
At umupo si Smag.
Manghuhula: Ang mga palad mo.
Iniabot ni Smag ang kanyang palad sa manghuhula. Ang manghuhula naman ay kinapa ang palad nya habang nakapikit.
Smag: Ano pong nakikita nyo sa aking hinaharap?
Manghuhula: May nakikita akong tao sa iyong hinaharap. Mga 17-18 years old. Nakikita kong gagawa kayo ng pamilya.
Smag: Yun lang po?
"Parang di naman nakakagulat yung hula na'yon. Sabi mo kamangha-mangha ang hula nya sa mga nagpapahula sa kanya." bulong ng isang classmate ni Smag sa isa pa nyang kaklase.
Manghuhula: Teka....... mali ako.
Smag: Ano?
"Yung totoo!" sabi ng isang babaeng classmate ni Smag sa kanyang sarili.
Manghuhula: Ikaw at ang taong nakikita ko sa iyong hinaharap. Kayong dalawa ay mag-aassemble ng isang team.
Smag: Team? Para saan?
Manghuhula: Gusto mong malaman? Dagdag bayad.
Smag: Huh? Magkano na po.
Manghuhula: ₱50.
Smag: ₱25 nalang po.
Manghuhula: ₱30.
Smag: Umm...sige ok na po yun. Tapos na po akong magpahula. Ito na po.
At binayaran na ni Smag ang manghuhula ng ₱20.
At umalis na sila, si Smag ang huling nagpahula. Pagkatapos, sinabihan sila ng isang kaklase nila.
Babae 4: Uy! Meron ngayong TeenGirlsTalent sa channel 6. Smag manood karin maganda yun. Parang Talent search din yun. Puro mga babae nga lang ang mga contestant.
Smag: Sige.
Babae 1: Ay oo nga! Sige dito na kami bye!
At nagsiuwian na sila. Si Smag naman ay binuksan ang tv pagkadating nya sa bahay.
Tito ni Smag: O kararating mo lang at sa tv na agad punta mo.
Smag: Saglit lang po. May papanoorin lang.
At nanuod na sya ng tv. Ang labas ay TeenGirlsTalent. Isang talent search kung saan mga babae ang magpapakita ng kanilang kamangha-manghang mga talento.
Ang pwedeng mag-audition sa talent search na ito ay mga babae lamang, dapat daw nasa edad na 15-17 yrs old. Kahit anong talent pwede, kantahan man, sayawan man, o pagtatambling na makapigil hininga. Pwedeng solo, duets, o grupo. Kapag grupo naman, dapat di lalagpas sa pitong miyembro. Maraming mga magagandang dalaga ang nagperform. May mga natanggap, merong hindi. Ang pinakahuling nagperform sa araw na iyon ay isang GirlsRockBand na tinatawag na GirlsDirectStar. Sa kanila napatayo ang mga judges pati ang mga audience na naghihiyawan ng malakas at nagpapalakpakan na nakabibingi. At syempre nakapasok sila. Ang kinanta nila ay CrowSong by GirlsDeadMonster sa Anime na AngelBeats!. Pati si Smag ay napahanga rin sa galing ng GirlsDirectStar.