At nakabalik na sina Smag.
Goust: Teko po. Kakainin po ba natin ang mga nahuli nyong isda? Diba parang di yata pwedeng kainin ang anumang nilalang dito sa Encantadia?
Juan: Hindi natin kakainin ang mga isda.
At si Juan ay nagsulat ng isang sulat sa Encantadia gamit ang kanyang espada. Inilagay nya ang isang balde na gawa sa kahoy na naglalaman ng mga isda sa mga sinulat nya sa lupa. At pagkatapos ay nagsalita sya.
Juan: Mahabaging Emre. Bigyan nyo po kami ng aming makakain para makapag-ipon kami ng lakas para sa aming paglalakbay. Pagkain para jantu, Gevre ico.
At may lumitaw na liwanag, sa loob ng liwanag ay mga lumitaw na mga gulay at kakaibang prutas na hindi makikita sa mundo ng mga tao. Kinuha ito ng mga isda at ibinigay sa kanila.
Smag: Wow! Lumulutang ang mga isda.
Pagkatapos ay agad na lumipad ang mga isda ng mabilis pabalik sa tubig.
Juan: Avisala eshma mahabaging Emre.
Mga kasamahan ni Juan: Avisala eshma mahabaging Emre.
Sabi ng mga kasamahan ni Juan.
Ngiti: Magsikain na tayo.
Smag: Sige!
Gumawa na ng apoy si Smag. At nagsikain na sila ngunit namimiss nila ang mga pagkain sa mundo ng mga tao.
Goust: Gusto ko na talagang makabalik sa mundo ng mga tao! Gusto ko nang kumain ng mga karne!
Luna: Konting tiis nalang.
Ngiti: Ang galing ng ginawa mo Smag. Yung pag-atake mo sa kapre.
Smag: Oo nga. Di ko akalain na magagawa ko yun. Ang kaso...
Ngiti: Ang kaso ano?
Smag: Yung apoy. Hindi kulay asul. Dapat kulay asul sya. Bakit di sya kulay asul? Sinunod ko naman ang sabi ni Bathala. Pumunta ako sa templo ng mga Encantada at natulog yata ako ng pitong linggo simula nung araw na nakapunta tayo dito.
Luna: Pitong linggo simula nung nakapunta tayo dito? Pero mga tatlo o apat na buwan na yata ka naming hindi nakikita. Simula nung nagkahiwa-hiwalay tayo.
Goust: Oo nga. Naglakbay pa kami simula Lireo hanggang dito.
Smag: Ano? Ibig sabihin...
Ngiti: Posibleng napasobra ka sa pagtulog kaya humina ang kapangyarihan mo kaya naging ordinaryo lang ang kulay ng apoy mo.
Smag: Sayang naman kung ganun. Napaka overpowered ko kaya nung kinalaban ko si Bathala gamit ang kapangyarihan ko. Hmm? Bakit ako biglang tumigil nun? Samantalang hindi ko naman to makontrol nun.
Ngiti: Siguro... Pinigilan ka ni Bathala.
Smag: Sa tingin ko... Nagdipende ito sa katawan ko. Bigla kasi akong nakaramdam ng pagod kaya nawala ito. Tama! yun ang dahilan.
Besa: Ganun talaga ang mga sagradong elemento. Nangyayari din yan sa akin. Kapag di mo makontrol ang sarili mo dumidipende ito sa katawan mo para maiwasan ang pagsira mo sa isang lugar o nilalang. Pero, Pilitin mo parin itong kontrolin. May posibilidad kasi na hindi ito makadipende sa katawan mo.
Smag: Paano mo naman nasabi yan? Sinong nagsabi sa'yo?
Besa: Si Anitun Tabu.
Juan: Kung ganun, mga tagapangalaga pala kayo ng dalawa sa mga sagradong elemento. Isa din ako sa mga nangangalaga sa isa sa mga sagradong elemento. Ang sagradong hangin.
