Sina Smag at Luna ay nakaupo sa may sofa sa loob ng airship kasama ang ilan pang mga mamamayan ng Orliba.
Smag: Pasensya ka na sa naging asal ko kanina. Nabigla lang kasi ako, di pa kasi ako sanay sa mga ganitong karanasan.
Luna: Smag, hindi tayo pinanganak noong unang panahon. Pinanganak tayo sa pesent day pero hindi ito ang maaabutan natin dahil para sa akin, pinanganak tayo sa katapusan ng present day at ang maaabutan natin ay ang near future. Near future kung saan magsisimula ang kaguluhan. Sa madaling salita, para tayong pinanganak kung saan malapit na magunaw ang mundo. Kaya kailangan mong maging matatag at huwag pasimple-simple lang sa buhay.
Smag: Nakukuha ko. Pero pano mo naman nasabi na maaabutan natin ang near future?
Luna: Katapusan na nang present day nung bata pa tayo, ngayun na ang near future.
Smag: Ano? Ngayon na mismo magsisimula ang kaguluhan?
Luna: Nasaksihan mo naman ang mga nangyari doon sa Unpo.
Smag: Kung ganun, kailan natapos ang present day? Parang di ko namalayan.
Luna: Sabihin nating meron tayong tatlong panahon. Ang past, present at future. Sa loob ng past meron tayong tatlong era. Ang pre-historic era na nagsimula noong panahon ng mga katutubo hanggang sa taong 1521.
Sumunod naman ang tinatawag kong discovery era na nagsimula sa pagsakop sa atin ng mga kastila hanggang sa ibenta tayo sa amerika. Ang ikatlong era ay ang tinatawag kong industrial era na nagsimula noong Philippine-American War hanggang sa taong 1979. Pagkatapos nun ay nagsimula na ang present day, meron namang tatlong age ang present day. Ang unang age ay ang tinatawag kong electronic age na nagsimula noong 1980 hanggang 1998. Sumunod naman ang tinatawag kong new information age na nagsimula noong 1999 hanggang 2006. At ang ikatlo ang tinatawag kong end of present day na nagsimula nung 2007 hanggang 2009. At pagkatapos nun ay nagsimula na ang near future sa taong 2010 hanggang ngayon.Smag: Diba para sa'yong pananaw lamang yan?
Luna: Para sa akin lang.
May lumapit naman sa kanilang isang lalaki na kasing edad lang din nila.
Lupan: Pasensya na kung nagambala ko kayo pero diba galing kayo sa mundo ng mga tao?
Smag: Oo.
Lupan: Ano bang meron sa mundo ng mga tao at iyon ang pinakapinoprotektahan ng mga diyos?
Smag: Anong ibig mong sabihin?
Luna: Huwag natin dito pag-usapan yan.
At nagpunta sila sa likod ng airship kung saan walang tao.
Smag: Anong ibig mong sabihin kanina.
Lupan: Ang mundo ng mga tao ang pinakabinabantayan ng mga diyos at lingid sa ibang mundo kung ano ang meron dito. Bihira nga lang din kami makakita ng mga tao galing dito pero mas bihira kaming makakita ng mga uri ng tao na halos kasing puti ng nyebe ang mga balat. Ang alam ko sa panahon pa ni lola Imana nung may dumating na mga ganong uri ng tao, pero pagkatapos ng isang taon ay di na sila nakita.
Smag: Alam mo ba, hindi rin namin alam na may iba pang mundo.
Lupan: Ganun ba.
Luna: Gusto mo bang pumunta sa mundo ng mga tao?
Tumahimik ng sandali si Lupan at naglabas ng isang mapa.
Ito ang ipinakita nyang mapa.
Smag: Diba mapa yan ng mundo natin?Luna: Oo.
Lupan: Galing ito sa tatay ko, naiwan nya nung umalis sya para maglakbay sa mundo ng mga tao kasama ang iba pang mga manlalakbay sa bayan namin. Pero ang iba sa kanila ay nakabalik na. Pero ayon sa kanila, ilang porsyento lamang ang napupuntahan nila sa mundo ng mga tao. Hanggang dito palang daw sila nakakapunta.
Tinuro ang mapa ng Pilipinas sa may bandang Tagaytay hanggang sa Cebu.
Lupan: Pero ang sabi nila nakaabot daw ang tatay ko dito.
Tinuro naman nya ang Timor-Leste.
Lupan: Balak kong sundan ang tatay ko at maglakbay din sa mundo ng mga tao. Pero ang pinakahinahangad ko ay mapuntahan ang New World.
Smag: Teka napansin ko lang. Bakit may ganyan ang mapa? Atsaka bakit may Afro-Eurasia at New World?
Sabay turo sa pulang linya na humahati sa Afro-Eurasia at New World.
Lupan: Iyan ang tinatawag ni Cassiopea na sagradong pader ng New World. May iba ding mga taga Encantadia na nakaabot na sa mlalayong bahagi ng Afro-Eurasia pero di sila taga Orliba.
Sabay turo sa South Korea, India, Egypt, at Africa.
Lupan: Pero wala pa ni isa sa mga taga Encantadia ang nakatawid sa pader ng New World at mapuntahan ito. Iyon ang gusto kong matupad. Ang makarating sa New World. Kaya gusto kong sumama sa inyo. Pero bago yun, gusto ko munang libutin ang Afro-Eurasia. Kailan ba kayo babalik sa mundo ng mga tao?
Smag: Ano...
Luna: Medyo matatagalan pa kami nang konti dahil sa mga nangyayari.
Smag: Sino nga pala si Cassiopea?
Lupan: Si Cassiopea? Sya ang mata ng Encantadia dahil sa kanyang maabilidad na makapagpahayag ng mga propesiya. Pinoprotektahan nya ang kanyang mga teritoryo mula sa masamang diwata na si Adhara na may balak kunin ang Inang Brilyante. Sya ang unang reyna ng Lireo pero naglaho sya dahil sa paghihiwalay nya sa Inang Brilyante na naging dahilan para magkaroon ng apat na elementong brilyante. Hindi sya basta-basta nahahanap. Pero sinasabi nya ang hinaharap kapalit ng ginto. Sya din ang tagapangalaga ni Amihan.
Smag: Napakahiwaga talaga nang mundong ito. At nakakagutom din.
Luna: Mabuti pa at kumain na tayo. Siguradong luto na ang mga pagkain na inihahanda nila Ngiti at ng mga tagaluto sa bayan ng Orliba.
At sila ay pumunta na sa kusina ng airship para kumain.
Susunod: Goust vs Aghar