Perdix: Nasaan tayo?
Besa: Nasa loob tayo ng isang kuweba! Paano nangyari ito?
Biglang naisip ni Besa na may pagkakataon na syang maghigante kay Luna. Tumingin sya kay Luna at sinabing...
Besa: LUNA! A...
Biglang nahimatay si Besa.
Luna: Anong nangyari sa kanya?
Goust: Siguro nasobrahan lang sya sa paggamit ng kanyang kapangyarihan sa laban namin kaya nanghina sya.
Luna: Pero paano naman sya nagkaroon ng kapangyarihan? Biniyayaan din ba sya ni Bathala?
Goust: Hindi sya biniyayaan ng kapangyarihan ni Bathala. Isa sya sa mga taong nagtataglay ng sampung sagradong elemento at sa tingin ko, nasa kanya ang sagradong metal.
Perdix: Teka lang sandali! Nasabi din sa akin ni Diwani Dinaria na nasa akin ang sagradong apoy. Nais ko lang malaman kung ano pa ang ibang mga sagradong elemento.
Goust: Merong sampung sagradong elemento na pinapangalagaan ng mga imortal na nilalang gaya ng mga Diyos at Dyosa at iba pa. Ang una ay ang sagradong Tubig, sunod ang sagradong Lupa, sunod ang sagradong Apoy, sunod ang sagradong Hangin, sunod ang sagradong Yelo, sunod ang sagradong metal, sunod ang sgradong Liwanag, sunod ang sagradong Dilim, sunod ang sagradong Kidlat, at ang pangsampu ay unknown.
Perdix: Anong unknown?
Goust: Wala pang nakakaalam kung ano ang pangsampung sagradong elemento pero ang alam namin, ang pangsampung sagradong elemento ang pinakamalakas sa lahat ng sagradong elemento.
Perdix: Ano?
Luna: Kayong dalawa!
Perdix: Huh?
Goust: Bakit?
Luna: Itali nyo si Besa tapos sumunod kayo sa akin.
Goust: Sige.
Tinali nina Goust at Perdix si Besa.
Perdix: Luna! Saan naman tayo pupunta?
Luna: Hahanapin ang daan palabas sa kuwebang ito. Ano pa ba sa tingin mo?
At naglakad-lakad sila sa loob ng kuweba hanggang may nakitang liwanag si Luna.
Luna: Doon! May nakikita akong liwanag doon. Doon na siguro ang daan palabas.
At pumunta sila sa liwanag at hindi nagkamali si Luna dahil doon nga ang daan palabas ng kuweba. Ngunit nabigla sila sa mga nakita nila dahil nakakita sila ng mga kakaibang halaman na hindi makikita sa mundo ng mga tao at mga kakaibang mga hayop na hindi rin makikita sa mundo ng mga tao.
Perdix: Nasaan tayo?
Goust: Wala tayo sa mundo natin.
Perdix: Ano? Ibig sabihin tayo ay nasa ibang mundo?
Luna: Oo.
Pedix: E saan namang lupalok ng kalawakan tayo napunta?
Luna: Sa mundo ng Encantadia.
Perdix: Ano?
Goust: Ang mundo ng Encantadia, ay nilikha ng tatlong Bathaluman na si Arde, at ang dalawa nyang kapatid na sina Emre at Ether. Pumunta sila sa isang kakaibang mundo at inangkin nila ang mundong iyon. Pinangalanan nila iyong Encantadia. At ginawa nilang paraiso ang mundong iyon at nilagyan nila ng mga kakaibang mga nilalang. May apat na kaharian sa mundo ng Encantadia, ang kaharian ng Sapiro, kaharian ng Adamya, kaharian ng Hathoria, at ang kaharian ng Lireo.
Perdix: Kung ganun, saang lupalok ng Encantadia tayo napunta?
Goust: Ewan ko? Wala akong mapa ng Encantadia.
Bathala: Anong ginagawa nyo dito?
Perdix: Huh?
At nagulat sila sapagkat nagpakita sa kanila si Bathala kasama ang dalawang Diyos at isang Dyosa.
Perdix,Goust at Luna:Ba-Ba-Bathala?
Luna: Dakilang Bathala, kayo po ba ang nagpadala sa amin dito?
Besa: Bathala!!!!!!!!!
At biglang sinugod ni Besa si Bathala ngunit pinigilan sya ni Anitun Tabu.
Besa: Sino ka naman?
Anitun Tabu: Wala kang karapatang sugurin ang Bathalang maykapal ng walang pahintulot.
Besa: Tumabi ka!
At biglang sinipa ni Anitun Tabu si Besa gamit ang kanyang kapangyarihang Hanging Sipa kaya tumilapok ng malayo si Besa sa kagubatan.
Luna: Besa!
Anitun Tabu: Ako na ang bahala sa babaeng iyon.
At pinuntahan ni Anitun Tabu si Besa.
Luna: Bakit nya ginawa iyon?
Bathala: Isang malaking kalapastanganan ang ginawa ng babaeng iyon.
Bigla namang sinugod ni Goust si Bathala ngunit nakailag ito.
Luna: Goust!
Goust: Pero tao lang sya! Hindi mo dapat hinayaang mangyari iyon!
Bathala: Anong sabi mo?
Mapulon: Makasariling nilalang! Ako na po ang magbibigay ng leksyon sa kanya.
At biglang nawala sina Goust at Mapulon.
Luna: Goust!
Perdix: Saan sila napunta?
Luna: Ikaw!
At sinubukan naring sugurin ni Luna si Bathala ngunit hinarangan sya ni Dumakulem.
Dumakulem: Ako ang harapin mo.
At kagaya ni Goust, nawala din sila. Sina Perdix at Bathala nalang ang natira.
Perdix: Goust! Luna! Bakit nyo po ginawa iyon?
Bathala: Ikaw.Nalaman mo narin kung sino ka. Ngayon dumating na ang oras.
Perdix: Oras? Oras para saan?
Bathala: Kailangan mo nang manahimik.
Perdix: Anong ibig mong sabihin... A.
At biglang inatake ni Bathala si Perdix at sya ay nahulog sa isang bangin.
Abangan ang susunod na kabanata.....
Susunod: Besa vs Anitun Tabu: Nasaan Ka Nung Kailangan Kita