At si Danaya at Agane ay naglalaban sa gitna ng digmaan. Si Danaya ay nagpapakawala ng mga malalaking tipak ng lupa at inihahagis kay Agane. Si Agane naman ay hinihiwa ang mga lupang inihahagis sa kanya ni Danaya gamit ang kanyang kagamitan sa kamay. Maya-maya ay nag-iba ang form nito at naging isang malaking wrecking ball na may mga tusok. Ipinatama nya ito kay Danaya. Pinigilan naman ito ni Danaya gamit ang kanyang brilyante. Nagpalabas sya sa lupa ng isang lupa na hugis kamay para saluhin ang wrecking ball na ipinapatama sa kanya ni Agane.Danaya: Hm. Medyo lumakas ka ngayon. Pero mahina ka parin kumpara sa akin.
Agane: Nakikipaglaro palang ako sa iyo.
At nag-iba nanaman ulit ang anyo nito. Ang mga kadena na kanina'y anyong wrecking ball ngayon ay naging isang malaking machine gun. Nagulat si Danaya dito.
Danaya: Ano yan?!
Agane: Ang sandatang tatapos sa'yo.
At pinagbabaril ni Agane si Danaya gamit ang machine gun na naform mula sa mga kadena ng kanyang sandata. Gumawa naman ng lupang harang si Danaya. Ang ibang mga kawal ng Hathoria at Lireo ay natamaan ng mga bala ng machine gun. Nakita ito nina Alena at Ybrahim.
Alena: Anong klaseng sandata yan? Mas mabilis pa sa pana.
Ybrahim: Hindi maganda to mukhang nahihirapan si Danaya.
Napansin naman ni Ybrahim na nawala na si Agortho. Lumingon-lingon sya hanggang sa makita nya si Aghorto na tumatakbo pabalik kung saan nanggagaling ang mga Hathorian. Tumakbo si Ybrahim para bumaba sa malaking bato na kinalalagyan niya ngayon para habulin si Agortho.
Alena: Ybrahim?
Tinawag ni Alena si Ybrahim.
Ybrahim: Tulungan mo si Danaya! Ako na ang bahala sa kanya.
Tugon nito kay Alena sabay talon pababa ng malaking bato.
Balik kina Danaya, Sinipa ni Danaya ang lupa. Mula sa kanyang pagsipa ay umangat ang medyo malaking lupa at pumunta kay Agane. Tinamaan ito ng mga bala ng machine gun ni Agane ngunit hindi nya ito nawasak ng buo kaya ang ilang parte nito ay tumama sa kanyang machine gun na nagdulot ng pagkasira ng machine gun form nito. Dahil dito ay nagkaroon ng daan si Danaya para atakihin si Agane. Namalayan agad nito ni Agane kaya nakapaghanda sya sa pag-atake ni Danaya.
At nagtama ang mga espadang hawak nila.
Danaya: Sumuko ka na hangga't maaga pa.
Agane: Ikaw ang dapat sumuko!
At naglaban sila gamit ang kanilang mga espada. Samantala, si Ybrahim ay nakikipaglaban sa mga Hathoriang madadaanan nya habang hinahabol si Agorhto. Habang sya ay tumatakbo ay may isang kawal ng Lireo ang sumalubong sa kanya para maghatid ng balita tungkol sa bayan ng Rosas.
Kawal ng Lireo: Mahal na kamahalan!
Ybrahim: Ano iyon?
Kawal ng Lireo: May balita po akong hatid sa inyo tungkol sa kalagayan sa bayan ng Rosas.
Ybrahim: Anong balita?
Kawal ng Lireo: Nabawi na po natin ang bayan ng Rosas mula sa mga Hathorian.
Ybrahim: Mabuti naman. Sabihin mo sa mga kawal nyo na sumabay na kayo sa pagbawi sa bayan ng Kolbi mamayang gabi.
Sabi ni Ybrahim sabay lingon sa direksyon ng kanyang pupuntahan.
Kawal ng Lireo: Opo. Ngunit may isa pa po akong balita.
Napalingon ulit sa kawal si Ybrahim.
Kawal ng Lireo: May nakita kaming mapa kung saan makikita ang lugar na pagawaan ng kanilang makabagong sandata.
Sabay may inabot na mapa ang kawal kay Ybrahim. Tinignan naman nito ni Ybrahim at nakita nya ang tinutukoy ng kawal. Ang pagawaan ng mga makabagong sandata ng mga Hathorian ay nakatayo malapit-lapit sa kaharian ng Hathoria at halos napakalapit sa bayan ng Syam. Silangang-kanluran mula sa kinalalagyan nila.
Gustong habulin ni Ybrahim si Agortho ngunit mas mahalaga ang impormasyong nakuha nya kaya naisipan nyang bumalik sa kampo para ihanda ang malaking pwersa ng Lireo at Sappiro papunta sa pagawaan ng mga makabagong sandata ng mga Hathorian.
Balik kina Danaya.
Sila ay naglalaban gamit ang kanilang mga espada. Nahampas ni Agane si Danaya ng napakalakas gamit ang kanyang sandata na may kadena kaya tumilapok si Danaya.Agane: Wala akong pake kung diwata ka. Wala kang laban sa akin ngayon.
Nainis su Dnaya sa sinabi ni Agane kaya bumangon sya agad.
Danaya: Hindi mo pa nakikita ang tunay kong kapangyarihan.
At biglang nagsipagyanig ang lupa malapit kay Danaya. Ang ilang mga maliliit na bato ay nagsimulang lumutang. Naging kulay puti ang mata ni Danaya at sya ay nagsimulang sumigaw mula mahina palakas nang palakas.
Agane: Ano ang balak mong gawin?
Danaya: Aaaaaaaaaaaaaahhhhhhh!
At makalipas ang ilang minuto sa isang iglap ang mga lupa ay nagsiangatan na halos kasing laki ng labingpitong bahay na pinagpatung-patong pero hindi pa ito tumitigil sa pag-angat.
Nagulat lahat ng mga kawal na naglalaban sa nangyari. Maski si Alena ay nagulat din. Ang mga sasakyan ng nga Hathorian ay tinamaan ng mabilis na pag-angat ng mga lupa. Umangat ang lupang inaapakan nila Danaya at Agane. Ang ibang mga kawal ay nahulog sa lupang inaapakan na umangat.
Alena: Hindi maganda to! Wala syang kontrol sa kapangyarihan nya ngayon.
Nabahala si Alena sa biglang paglabas ni Danaya ng kanyang pinakamalakas na lebel ng kapangyarihan kaya gamit ang kanyang brilyante ng tubig ay umakyat sya sa mga nagsisi-angatang mga lupa papunta sa direksyon kung nasaan sina Danaya at Agane. Pati ang mga mulawin ay hindi nakaligtas sa mga lupang nagsiangatan. Ang iba sa kanila ay tinamaan din.
Alena: Danaya! Kailangan mong tumigil!
Sigaw ni Alena.
Susunod: Ang tunay na lakas ni Danaya.