Kabanata 46: Rivermaya

6 0 0
                                    

Nagtataka si Goust kung bakit merong pabrika sa Encantadia samantalang di naman ideya ng mga taga Encantadia na gumawa ng mga gusali na katulad sa mundo ng mga tao. At ang nakakagulat pa ay mga kawal ng Hathoria ang nakikita nila sa labas ng pabrika na nagbabantay. Sinabi ni Goust na kailangan nyang makapasok para malaman kung paano ginagawa ang mga armas na pinapadala sa mga kawal ng Hathoria.

Aghar: Teka pano naman ako? Di mo ako pakakawalan?

Goust: Hindi pwede. Baka sumigaw ka lang para makahingi ng tulong.

Aghar: Hindi ako yung klase ng Hathorian na palahingi ng tulong. Kaya pakawalan mo na ako?!

Goust: Hindi kita mapagkakatiwalaan.

Sabi ni Goust sabay lakad paalis pero napatigil sya nung nagsalita si Aghar.

Aghar: Sige umalis ka! Pero tandaan mo, patay ka sa akin pag nakaalis ako dito.

Goust: Hindi ako natatakot sa'yo.

Tinalikuran sya ni Goust sabay alis. Lumapit pa sya ng kaunti at nagtago sa mga bato, naghanap-hanap sya ng mga mapapasukan. Pero mukhang mahirap makapasok dahil medyo marami-rami ang mga kawal na nagbabantay. May nakita syang isang maliit na pintuan na pwedeng mapasukan. Kaya ang ginawa nya ay nagpakalat ng mga buhangin sa hangin para matakpan ang mga mapapasukang pinto. Naalarma ang mga kawal sa nangyari samantalang si Goust ay mabilis na tumakbo papunta sa maliit na pintuan. Nung makapasok sya ay agad nya itong isinara.

Goust: Hindi magiging madali to. So kailangan kong alamin kung anong meron sa loob at kung paano ginagawa ang mga armas, pagkatapos ay kailangan ko itong ipaalam sa mga heneral ng Lireo. Kung nandito lang sana sina Smag, baka sakaling mas mapadali pa to.

—————

Smag: HACHU!

Lupan: Ayos ka lang ba?

Smag: Oo ayos lang ako. Mabuhangin kasi dito.

Nagulat naman si Smag nang biglang takpan ni Lupan ang kanyang ilong ng isang puting panyo.

Smag: Ano to panyo?

Lupan: Oo. Mukhang hindi sang-ayon ang ilong mo sa kapaligiran.

At nakarinig naman sila ng mga batang inuubo. Tinanong nila kung bakit inubo ang mga bata. Sinabi naman ni Imana na dahil sa maiitim na usok sa kalangitan. Sinabi ni Smag na kailangan nila ng mapaghihingahan. Sinabi naman ni Imana na merong gubat syang natanaw sa di kalayuan kaya sila ay nagpunta doon.
Pagkapunta sa gubat ay tumigil muna sila. Tumigil narin kahit papaano ang mga batang inuubo. Tinanong naman ni Smag si Imana.

Smag: Sigurado po ba kayong ligtas na lugar ang pupuntahan natin? Kasi yung usok mukhang galing sa pupuntahan natin.

Imana: A...

Lupan: Smag mabuti pa pahingahin mo muna si Lola Imana. Maghanap muna tayo ng mga prutas.

Smag: Sige. Humingi narin tayo ng tulong sa paghahanap ng mga prutas.

At ilang mga kababaihan at mga matatandang lalaki ang tumulong kina Smag para maghanap ng mga prutas.

Smag: Anong meron sa mga prutas dito? Kakaiba.

Tanong ni Smag, may sumagot naman sa kanyang isang babae.

Minaya: Ang mga masusukal na gubat sa Encantadia katulad nito ay mapapagkukunan talaga ng mga klase ng mga di pangkaraniwang prutas. Sinasabi na ang mga di pangkaraniwang prutas ay may panghabang-buhay na epekto sa sinumang kakain nito. Gaya nitong prutas na tinatawag na prutas ni Cassiopea, pag kinain mo ito sinasabing lilinaw ang mga mata mo. Ito naman ang prutas ni Batalya, pag kinain mo ito magiging masipag ka. Ito naman ang prutas ni Regos, pag kinain mo to magiging matapang ka. Meron namang tatlong uri ng di pangkaraniwang prutas na bihira lang tumubo sa Encantadia. Ang tatlong prutas na ito ay misteryoso sapagkat walang nakakaalam kung ano ang epekto nito sa kakain. Ang tatlong prutas ay ang prutas ni Emre, prutas ni Asmoliya at prutas ni Go...

Blue FlamesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon